Ngunit ang kaligayahang nadarama nina Rod at Cherra ay pansamantala lamang pala. Nang ika apat na araw na iyon ay dumating na si Mendy mula sa Canada. Nabalitaan na rin nito ang nangyari sa binata dahil nang minsang tumawag ito at ang nakasagot ay ang ina ni Rod, sinabi na nito sa dalaga ang nangyaring pagkakaksidente ni Rod.
"Hello?" sagot ni Rod sa cellphone nya nang umagang iyon. Antok na antok pa sya kaya di nya na pinagkaabalahang tingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello sweetie?" sagot ni Mendy sa kabilang linya.
Tila binuhusan naman ng tubig si Rod nang makilala ang boses na nasa kabilang linya. At agad nyang tiningnan ang numerong nakarehistro sa cellphone. Number ni Mendy iyon at hindi na international number ang nakarehistro doon. Ibig sabihin nasa Pilipinas na ang dalaga.
"H-hello S-sweetie?" ulit na tanong ni Rod sa nobya.
"Yeah, kamusta kana? Sabi ni Tita naaksidente ka raw eh. Ok ka na ba?" agad na tanong ni Mendy sa kanya.
"Yeah, medyo OK na naman. Nagpapagaling nalang." sagot ni Rod na nawala na ang antok.
"Pasensya na ngayon lang ako nakatawag ha. Sya nga pala kararating ko lang ng manila at sasakay na din ako agad pauwi dyan. So baka mamayang hapon nandyan na ako sa atin sweetie." pahayag ng dalaga sa kabilang linya.
"O-ok, pero pasensya na ha di kita masusundo sa airport mamaya." sabi ni Rod na tila di mapakali.
"It's ok. Magpahinga ka nalang dyan para hindi ka mabinat, pagdating ko pupunta agad ako dyan sa inyo. Dahil sobrang namiss na kita sweetie." malambing na sabi ni Mendy sa kabilang linya.
Tila naman may sumuntok sa dibdib ni Rod nang mga oras na iyon. Kaya biglang sumakit ang mga pilay nya. Napangiwi sya habang pilit nilalabanan ang pagsakit ng mga iyon. Di agad sya nakasagot sa nobya.
"Sweetie are you still there?" narinig nyang tanong ni Mendy sa kanya.
"Y-yeah I'm still here.." pilit na pagsasalita ni Rod habang napapangiwi.
"Sweetie are you OK? Are you in pain?" nagaalalang tanong ni Mendy sa kanya nang marinig nitong tila nasasaktan ang nobyo.
"Y-yeah, medyo sumasakit kasi ang mga pilay ko eh." nahihirapang sagot ni Rod sa nobya.
"Ah ganun ba.. Sige magrest kana lang dyan. Pupunta nalang ako dyan mamaya pagdating ko, sleep ka na muna ha.. Bye sweetie, I love you.." pagkasabi ni Mendy noon ay nawala na ito sa kabilang linya.
Matagal nang tinapos ni Mendy ang tawag pero si Rod namimilipit pa rin sakit na nararamdaman nya. At ngayon di lang mga pilay nya ang sumasakit kundi pati puso nya. Dahil alam nya na sa oras na naroon na si Mendy, ititigil na ni Cherra ang pagpunta sa kanya. At tila tinatadtad ang puso nya sa isiping hindi nya uli makikita at makakasama araw-araw si Cherra.
"Cherra.." pagsambit ni Rod sa pangalan ng dalaga. At doon nabuo na ang desisyon nyang tuluyan nang taposin ang lahat sa kanila ni Mendy.
Habang si Cherra naman noong araw ding iyon ay masiglang nagising. Iyon na ang ikaapat na araw na pupunta sya kina Rod. Nagpapasalamat nalang din sya at busy si Gustav sa pamamahala ng pinapatayong building ng ama nito kaya hindi na ito napapadpad sa kanila. Nagtetext nalang ito sa kanya, kaya walang dahilan para hindi sya makapunta sa bahay nina Rod. Napalingon sya ng tumunog ang cellphone nya.
"Hello Rod.." masayang bati nya sa binata.
"Hello Cherra, I love you.." masayang sabi naman ni Rod sa kabilang linya.

BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
Storie d'amoreMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...