Moment of Truth Chapter 29

42 1 0
                                    

Napabuntunghininga si Rod nang tuluyan nang mawala sa paningin nya ang kotseng sinasakyan ni Mendy. Nakaradam sya lungkot para dito dahil kahit papano ay may masaya din naman silang pinagsamahan nito. At pinapanalangin nya nang mga oras na iyon sana, tuluyan na itong sumaya at makahanap ng makakapagpasaya dito. Tapos naalala nya si Cherra, kanina may nahagip ang mga mata nya na sasakyan na katulad nang kay Cherra.

"Hmmm.. Baka katulad lang yon ng sasakyan ni Cherra." nasabi nya sa sarili.

Agad syang bumalik sa loob ng bakuran nila para ilabas ang kotse sa garahe. Pupuntahan nya na si Cherra at susuyuin nya ulit ito. Kahit pa galit ito sa kanya titiisin nya ang galit nito hanggang mapatawad sya dahil ayaw nya na itong muli pang mawala sa kanya.

"Whooo.. Kaya mo ito Rod.." nasabi ni Rod sa sarili matapos ang paghinga ng malalim at bumaba na sya ng kotse nya. Nasa harap na sya ng bahay nina Cherra ng mga oras na iyon. May dala-dala syang isang dosenang Pink Roses na paborito nito. At agad nagdoorbell sa harap ng gate ng bahay ng mga ito.

"Bakit po?" tanong ng katulong na nagbukas.

"Ah..nariyan ba si Cherra?" tanong ni Rod dito.

"Nandito po, pasok po muna kayo.." sabi ng katulong.

"Thanks.." sabi ni Rod at saka sumunod dito.

Naroon lang sya nakatayo sa harap ng pinto ng bahay nina Cherra at napansin nya ang kotse nito na nasa labas ng garahe.

"Baka ginamit ni Jonathan.." sabi nya sa sarili.

Hindi naman nagtagal ay nakita nya na si Cherra na papalapit sa kanya at kinabahan sya. Nakasimangot kasi ito at nakakunot ang noo, medyo masama pa ang tinging nakatingin sa kanya. Napalunok sya habang hinihintay itong makalapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?!" asik agad nito sa kanya.

"P-para sayo.." sabi ni Rod habang inaabot ang dala nyang bulaklak.

"Ano ito suhol?" mataray na tanong ni Cherra.

"No, peace offering ko sayo.." sabi ni Rod habang nakatingin sa dalaga.

"At akala mo makukuha mo ako sa ganito Rod?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

"Look, nagpunta ako dito para magsorry sa iyo.. I'm sorry kung nasaktan kita, I'm sorry kung naging duwag akong harapin ang katotohanan.." sabi ni Rod sa dalaga ng buong katapatan.

Pero imbes na ngumiti, nakita nya pa kung paano naningkit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Cherra pinagsisisihan ko na ang ginawa kong mali, nang masaktan kita." sabi uli ni Rod dahil hindi man lang kumibo ang dalaga.

"At kung patatawarin kita babalik ka pa rin doon kay Mendy mo?!" tila pasigaw na sabi ni Cherra sa kanya.

"No, of course not.. Ikaw ang mahal ko Cherra." agad na pahayag ni Rod sa dalaga.

"Sinasabi mo sa aking mahal mo ako samantalang katatapos nyo lang magyakapan at maghalikan ni Mendy! Sinungaling ka talaga Rod!" sigaw ni Cherra sa kanya.

Hindi naman nila alam na sa paguusap nilang iyon ay unti-unti nilang nakukuha ang atensyon ng mga tao sa bahay ng dalaga. Dahil na rin sa pagtataas ng boses nito sa kanya.

"H-ha? Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Rod kay Cherra.

"Tingnan mo nagkakaila ka pa!" sabi ni Cherra sa kanya sabay hampas sa kanya ng dala nyang mga bulaklak.

"Aray ko!" tanging nasambit ni Rod nang masapol sya ng mga bulaklak sa mukha. At parang may tumusok pa sa ilong nya, pero hindi nya na iyon ininda kahit pa maluha-luha na sya sa sakit.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon