Moment of Truth Chapter 18

25 1 0
                                    

Pakiramdam ni Rod nahihirapan na syang huminga, dahil bawat paghugot nya ng hininga ay kumikirot ang tagiliran nya. Namimilipit sya sa sakit nang mga oras na iyon at pinipilit ang paghinga. Nataranta naman si Celest na agad lumabas para tumawag ng doctor. Hindi nagtagal ay bumalik na itong humahangos kasunod ang doctor nya.

"Na-stress ang abdominal muscles kaya medyo nagcramps ito at bahagyang nanigas kaya parang naipit nito ang mga fractured ribs nya. Binigyan ko na sya ng pain reliever para di na sya makaramdam ng kirot at makahinga na nang maayos." paliwanag ng doctor kay Celest. 

"Wag ka munang maggagalaw masyado Rod para hindi magalaw ang fractured ribs mo hanggang sa tuluyan na itong maghilom. Iwasan mo na muna ang magbubuhat ng mabibigat ha." baling sa kanya ng doctor at ngumiti pa.

Si Celest naman ay noon lang parang nakarecover sa nerbiyos nito at nakahinga na nang maluwag. Matapos magpaalam sa kanila ang doctor ay agad na itong lumabas ng kwarto para ipagpatuloy ang pagroronda nito sa iba pang pasyente.

"Hindi yata nakabuti ang sinabi ko sayo Rod.." sabi ni Celest sa kanya ng umupo sa bangkong nasa gilid ng kama nya habang hinawakan ang kamay nya.

"Nabigla lang kasi ako Celest eh.." sagot nya dito na nabahagya nang nakakahinga ng normal at hindi na namimilipit sa sakit.

"Akala ko kasi matutuwa ka pag nalaman mo yon.. Pero mas lalo ka pa yatang napasama eh.." nagaalalang sabi nito sa kanya habang di pa rin maalis ang mga mata nito sa kanya.

"Ahh.. Ok na naman ako Celest, wag ka nang mag-alala.. Nabigla lang talaga ako kanina." sabi ni Rod sa dalaga matapos humugot ng malalim na hininga.

Paano ba naman sya hindi mabibigla nang sabihin nito sa kanya kung bakit sinagot ni Cherra si Gustav. Na para lang pala pagselosin sya ng dalaga para malaman nito ang tunay na nararamdaman nya para dito. Napakatanga nya talaga, bakit kasi di nya pa naramdam agad dati ang pagtingin nito sa kanya. Sana hindi na humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat. Sana di nya nalang niligawan si Mendy noon.

"Well ganyan talaga Rod, minsan nagdudulot ng mas malaking problema ang katangahan.." sabi ni Celest sa kanya na nagpukaw sa kanya sa pagiisip.

"Bakit sinasabi mo ngayon sa akin ito Celest? Siguradong magagalit sayo si Cherra dahil sumira ka sa pangako mo sa kanya?" tanong ni Rod sa dalaga na noon ay napapangiti na.

"I don't care kung sumira ako ng pangako ko sa kanya. Dahil alam ko namang magbubunga ng mas mabuti ang pagsira kong ito sa pangako ko sa kanya." nakangiting sabi ni Celest sa kanya at sinubuan sya ng isang pirasong ubas.

"Pano mo naman nasabi yan?" tanong ni Rod sa dalaga sa pagitan ng pagnguya ng ubas na sinubo nito sa kanya.

"Bakit wala ka man lang bang gagawin Rod? Don't tell me na paninindigan mo nalang talaga ang katangahan mong iyan? Kaya ko nga sinabi sayo iyon dahil alam kong mahal mo rin si Cherra at alam ko rin na mahal ka ni Cherra. At ewan ko ba sa inyong dalawa na hanggang ngayon pinipili nyo pa ring magtanga-tangahan kahit naman obvious na sa isa't-isa ang feelings nyo.." mahabang pahayag ni Celest na nanunulis pa ang nguso at humalukipkip sa kanya.

"Hindi na naman kasi ganun kadali yon ngayon Celest, alam mo naman pareho na kaming may mga kasintahan." sagot ni Rod sa dalaga.

"Meron na nga na unfortunately naging biktima lang ng mga katangahan ninyo.." agad na sagot ni Celest sa kanya sabay subo uli sa kanya ng ubas.

"So ngayong alam mo na, siguro naman gagawa kana ng paraan para ayusin ito at ilagay sa mga tama nitong kalagyan?" nakataas na kilay na sagot ni Celest sa kanya.

Napangiti nalang si Rod sa turang iyon ni Celest. Para itong nanay kung makapanermon sa kanya.

"Balak ko na ngang kausapin si Mendy eh. Kumukuha lang ako ng tiyempo.." sagot ni Rod sa kaibigan habang napapangiti.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon