"Bakit ngayon ka lang sweetie? Kanina pa kita hinihintay eh." salubong ni Mendy kay Rod. Tila nagtatampo ito sa kanya. Dahil natagalan sya sa pagsundo rito.
"Napadaan kasi si Jonathan sa bahay eh. Napakwento." sagot ni Rod kay Mendy. Napansin nya ang panunulis ng nguso nito. Kaya alam nya na nagtatampo ito.
"Si Jonathan? As in Jonathan na kapatid ni Cherra?" sunod -sunod na tanong nito sa kanya.
"Yup." sagot ni Rod kay Mendy at bahagyang hinapit ang beywang nito. Nakasuot ito ng maiksing silk shorts at pink na sleeveless.
"So, let's go na?" untag ni Rod kay Mendy nang mapansin nyang na natahimik ito.
"Bakit daw sya napadaan sa inyo sweetie?" tanong ni Mendy kay Rod na tila di nito narinig ang tanong nya sa dalaga.
"Nangamusta, siniguro nya daw kung totoo ba ang sabi ng friend nyang nakakita sa akin sa airport noong nakaraan araw,kung totoo ba talagang nakauwi na ako." paliwanag ni Rod kay Mendy. Tila nagaalala ito.
"Ah iyon lang ba ang pinunta nya sa inyo?" tanong uli ni Mendy kay Rod makalipas ang ilang sandali.
"Yeah, why sweetie?" tanong ni Rod sa nobya. Tila nagtataka kung bakit biglang naging interesado ito sa pinunta ng kapatid ni Cherra sa kanila.
"Yon lang pala ang pinagusapan nyo tapos ang tagal mong nakapunta rito." maya-maya sabi ni Mendy kay Rod. Na pinahalata ang pagkadisgusto sa ideyang pumunta ang kapatid ni Cherra sa kanila. Mas lalong sumambakol ang mukha nito.
"Why sweetie, is there something wrong?" nagtatakang tanong ni Rod sa nobya. Nagtataka sya kung bakit ito nagkakaganoon. Nagseselos ba ito sa beking kapatid ni Cherra? Natawa naman sya sa isiping iyon.
"Look sweetie, sorry na kung natagalan agad akong nakapunta dito. Hindi naman maganda kung agad ko ding ipagtabuyan si Jonathan di ba? Wala namang ginawang masama yong tao." pagpapaumanhin at pagpapaliwanag nya sa nobya nya. Nagtataka na talaga sya kung bakit biglang nagbago ang mood nito.
"Ano bang problema? Dahil lang ba doon kaya ka nagkakaganyan? Maaga pa naman ah, pwede pa tayong umalis?" sunod-sunod na tanong nya kay Mendy dahil natahimik na ito.
Di malaman ni Mendy kung paano ipapaliwanag kay Rod ang biglaang pagpangit ng mood nya. Pano kasi kinakabahan sya, hindi nya rin alam kung bakit. Pero dahil ba may kutob syang parang may hindi magandang nangyayari? Dahil may kutob syang hindi lang ang simpleng pangungumusta ni Jonathan ang sinadya nito sa nobyo nya? Ayaw nyang magisip ng masama kay Rod, pero di nya mapigilan na isipin ang ganoon. Pero hindi nya maiwasang isipin na may kinalaman si Cherra sa pagpunta ng kapatid nito sa bahay ng nobyo nya. Na sana nagkakamali lang sya ng iniisip.
"Tinatamad na akong umalis sweetie, dito nalang tayo sa bahay." maya-maya sabi ni Mendy kay Rod. At nang mapatingin sya sa mukha nito, nakabalatay sa mukha nito ang pagaalala at pagtataka.
"Hmmm..Ok sige, kung yan ang gusto mo." sang-ayon ni Rod sa gusto ng nobya. "So ano nalang ang gagawin natin dito?" tanong ni Rod kay Mendy makalipas ang ilang segundo.
"Ipagluluto nalang kita.. Lasagna. Di ba favorite mo yon?" sabi ni Mendy sa nobyo. Tapos hinawakan ang mukha nito. Napagwapo talaga ng nobyo nya habang nakatingin sa kanya ang mga mata nitong kung tumitig ay tagos sa kaluluwa nya.
"Sounds great! ok sige.." sabi naman ni Rod kay Mendy na parang batang naiexcite bigla. Di lang sya minsan pinagluluto nito. Dahil bukod sa pagkanta, pagluluto din ang hobby nito. At masarap itong magluto.
"Hmmm..ok." sabi ni Mendy kay Rod at malambing na yumakap dito. Pagkatapos ay binigyan ng napakatamis na halik sa labi, na bahagya pang kinagat ang pangibabang labi ng nobyo.

BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomansaMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...