Mukha namang naengkanto si Rod na nakanganga nang masilayan nya si Cherra habang kasunod naman nito ang kapatid na si Jonathan. Napakaganda ng dalaga, simple pero sopistikada ang ayos nito. Napakaganda ng pagkakangiti nito habang graceful na lumalakad palapit sa kanya. Naisip nya tuloy, kung ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng matagal ng mga labi nito. At sa isiping iyon agad naman syang nakaramdam ng pagiinit ng katawan. Unti-unti namang napawi iyon sa isiping nobya na ito ni Gustav, at di nya naiwasang makaramdam ng selos at inggit sa kaibigan.
"Hi papa Rod, pakitikom naman ng bibig mo baka mapasukan ng langgaw." sabi ni Jonathan na nagpagising naman sa kanya sa tila nahipnotismo.
"H-hi.." bati ni Rod kay Cherra nang medyo nakabawi na. Nakangiti lang na nakatingin sa kanya ang dalaga.
"Hello.." ganti namang bati ni Cherra kay Rod.
"Ah..ehem! papa Rod, baka pwedeng maghanap na muna tayo ng makakainan. Tsaka nyo ituloy ang pagtititigan.. Nagugutom na kasi ako eh." nakangiting sabat ni Jonathan.
Agad naman parehong nahihiyang nagbawi ng tingin sina Cherra at Rod sa sinabing iyon ni Jonathan. Bahagya namang siniko ni Cherra ang kapatid sa sinabi nito.
"Ah.. saan nyo bang gustong kumain?" tanong ni Rod sa dalawa pero ang tingin ay nakapako kay Cherra.
"Ikaw nalang bahala Rod.." nahihiyang sabi ni Cherra sa kanya. "Ano ka ba Cherra, wag ka namang masyadong magpahalata. Act normal, tulad noong dati." lihim na saway ni Cherra sa sarili. Nanginginig na kasi ang mga tuhod nya sa pagkakatitig sa kanya ni Rod.
"Ok, sige tara na.." yaya ni Rod kay Cherra at inabot ang kamay ng dalaga. Di naman ito tumutol at sumunod lang sa kanya. Ganoon naman sila dati eh, minsan pa nga magkahawak kamay pa silang naglalakad habang nagiikot sa mall.
Napatingin lang si Cherra sa kamay nya na hawak ng binata, di nya naman magawang bawiin dito iyon. Napakagat labi nalang sya habang nakasunod sa paglalakad nito. May kakaiba kasi syang nararamdaman sa pagkakadikit ng mga balat nilang iyon. Parang may mga pinong boltahe ng kuryenteng dumadaloy mula sa mga kamay nito, na lalong nagpapanginig ng kanyang mga tuhod. Dinagdag pa rito ang amoy ng pabangong gamit nito na naaamoy nya mula sa likuran nito, napakasarap ng amoy nito.
"Ate relax ka lang.. Unti-unti ka nang nawawala sa poise mo." paalala ni Jonathan ng bulungan sya nito. Napatingin nalang sya dito na para bang nagpapasaklolo, habang ito naman tuwang-tuwa sa nasasaksihan na mga eksena.
Dinala naman sila ni Rod sa isang Japanese Restaurant. Kung meron silang pagkain na parehong gusto, iyon ay ang Japanese Foods.
"Naaalala nya pa rin pala.." nakangiting sabi ni Cherra sa isip nya.
Nang makapasok na sila sa loob ng Restaurant agad naman syang inalalayan ni Rod na makaupo matapos nitong hilahin ang silyang uupoan nya. At nang makaupo na sya agad naman itong umikot sa kabila at umupo sa upuang kaharap nya. Tumabi naman kay Cherra si Jonathan na noon ay pigil-pigil ang kilig.
"Waiter..." maarteng tawag ni Jonathan sa waiter na agad namang lumapit sa kanila. Matapos bumati sa kanila. Binigay nito sa kanila ang menu book, para makapamili na sila ng oorderin.
"May napili na ba kayo?" tanong ni Rod maya-maya na nakatingin naman kay Cherra.
"Ikaw Jonathan anong gusto mo?" baling ni Rod kay Jonathan.
"Eh hindi kasi ako pamilyar sa mga foods na to. Ngayon pa palang kasi ako kakain sa isang Japanese Restaurant papa Rod." pahayag ni Jonathan.
"Pwede bang kaw nalang ang umorder para sa amin papa?" malanding sabi ni Jonathan kay Rod.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...