Moment of Truth Chapter 20

20 1 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Nakakainis kayong dalawa! Kinikilig ako ng soooobraaaa! " umalingawngaw ang tiling kanina pa pinipigilan ni Jonathan sa lalamunan nya kasabay ng pagpadyak-padyak na parang batang nagmamaktol. Habang gulat namang napatingin dito ang mga magulang ni Rod, ang Tito at Tita nya, maging si Manang at ang dalawang katulong na naroon, sa ginawang iyon ni Jonathan.

Ang tiling iyon naman ang nagpahiwalay kay Rod at Cherra. Napatingin naman sila sa pinanggalingan ng tili ni Jonathan at naroon ang sina Roland at Lira, Ralph at Charlotte, maging si Manang at ang dalawang katulong na noon lang nila nalaman na kanina pa pala ang mga ito nagmamasid sa kanila. Pumalakpak pa ang mga ito habang nakangiti sa kanila nang mapatingin sila sa mga ito. At natawa na rin sa ginawang pagtili ni Jonathan.

Nahihiya namang inayos ni Cherra ang sarili nya, masayang-masaya sya ng mga oras na iyon kaya lang hiyang-hiya din sya dahil narinig pala mga taong naroon ang pinagusapan nila ni Rod. Napayuko sya na namumula ang mukha.

"Hey.." agad na sabi ni Rod kay Cherra at masuyong hinawakan ang baba nito at dahan-dahang itinaas upang makita ang mukha nito.

"N-nahihiya kasi ako Rod.." mahinang sabi ni Cherra sa binata.

At noon naman sila nilapitan na mga magulang ni Rod at nang Tito at Tita nito. Agad na niyakap ng Mama at ng Tita ni Rod si Cherra, na kahit sa hilam sa luha ang mga mata ng mga ito ay nakangiti sa kanya. Natouch talaga sila sa nasaksihan nila kina Rod at Cherra. Habang si Rod naman ay tinapik lang sa balikat ng Papa nya at ng Tito nya. Nakangiti rin ang mga ito at halatang masayang-masaya para sa kanya.

"Oh halika na kayo para makapaglunch na tayo, this calls for celebration!" masayang sabi ng Papa ni Rod. At tuloy-tuloy na itong lumakad papasok ng dinning room para maghanda pa ng wine.

Napasunod naman silang lahat dito papunta sa dinning room ng bahay nina Rod. Tila may fiesta naman sa bahay nina Rod ng mga oras na iyon. Magkasabay na ipinagdiwang ang pagbabalik ni Rod sa bahay mula sa hospital at ang pagtatapat nila ni Cherra ng nararamdaman ng isa't-isa.

"That was the sweetest moment na nasaksihan ko sa buong buhay ko, nadaig pa ang pagtatapat ni Ralph ng pag-ibig sa akin dati.." nakangiting sabi ni Charlotte habang kinikilig na nakatingin kina Rod at Cherra na inaasikaso ang isa't-isa.

"Yeah I agree.." nakangiting sang-ayon ni Ralph na napatangu-tango pa.

"Sinong magaakalang may ganoon pala silang nararamdaman sa isa't-isa di ba? This is really a surprise!." nakangiting bulaslas ng Mama ni Rod na tila kinilig pa at napakurot sa asawa.

"Yeah a surprise indeed sweetheart at masayang-masaya sila, makikita mo sa mga mata nila ang tapat na pagmamahalan sa isa't-isa." nangingiting sabi ni Roland sa asawa habang nakatingin kina Rod at Cherra.

Tila wala ngang kasing saya ang mga oras na iyon para kina Rod at Cherra. Kung pwede lang nilang pigilan ang oras para manatili lang ito at hindi umusad. Para hindi na sila magkahiwalay pa muli. Naroon na sila sa kwarto ni Rod ng mga oras na iyon. At kailangan nang magpaalam ni Cherra dahil gumagabi na.

"Kung pwede lang sana na dito ka nalang lagi sa tabi ko Cherra.." madamdaming sabi ni Rod sa dalaga na nakahawak pa sa kamay nito.

"Kailangan ko din namang umuwi Rod.." malambing na sabi ni Cherra sa binata.

"Yeah I know pero, babalik ka naman di ba?" tila batang nagsusumamong tanong ni Rod kay Cherra.

"Of course, aalagaan nga kita di ba?" malambing nitong sagot sa kanya at hinalikan sya sa labi.

"I LOVE YOU SO MUCH ROD.." malambing na sabi ni Cherra sa binata at yumakap dito.

"I LOVE YOU TOO SO MUCH CHERRA.." madamdaming sagot ni Rod sa dalaga at tinugunan ng kasing init ang init ng pagyakap ng dalaga sa kanya.

"But there are things that we need to settle first Cherra, promise aayusin natin ito para wala nang maging hadlang sa atin.." masuyong sabi ni Rod sa dalaga nang bahagya itong humiwalay sa kanya.

"Yeah, I promise Rod.. Dahil ikaw lang talaga ang mahal ko at mananatiling mahal ko kahit kailan.." naiiyak na sabi ni Cherra dahil sa damdaming lumulukob sa puso nya ng mga oras na iyon.

"Ikaw lang din ang totoong mahal ko Cherra at kahit kailan mananatiling ikaw lang, tandaan mo yan. Sorry kung pareho tayong naiipit sa sitwasyong ito ngayon, kasalanan ko ang lahat ng ito." sagot naman ni Rod sa dalaga.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin Rod.. naiitindihan ko naman eh..Ang importante ngayon pareho na nating alam kung gaano natin kamahal ang isa't-isa. Sapat na iyon para maging masaya ako ngayon." sagot ni Cherra na tuluyan nang naiyak.

"Sssshhh.. don't cry baby, tahan na.." masuyong sabi ni Rod sa dalaga habang pinupunasan nya ng daliri ang mga luha nito.

Napangiti naman si Cherra sa tinawag ni Rod sa kanya. Ito ang endearment na laging tinatawag sa kanya noon ng binata. At ngayong pareho na nilang alam ang tunay na damdamin ng isa't-isa. Tila musika ito sa pandinig ng dalaga, na kahit kailan di nya pagsasawaang pakinggan ng paulit-ulit mula dito.

Muli pa nilang pinaglapat ang kanilang mga labi habang dinadama ang init ng kanilang mga yakap. May ilang sandali pa silang ganoon bago tuluyang naghiwalay, at tuluyan nang nagpaalam sa isa't-isa. Habang dala ang pag-asang magkikita uli sila kinabukasan para muling makapiling ang isa't-isa. At sapat na iyon para hindi sila makadama ng kalungkutan sa pansamantalang paglalayo nila nang mga oras na iyon.

Tila iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay ni Cherra. Ang araw na matagal nya nang pinapangarap na dumating. Ang magtapat ng pag-ibig sa kanya si Rod. Napatingin naman sya kay Jonathan na noon ay nagmamaneho ng sasakyan pauwi sa kanila. Nakangiti din itong nakatingin sa kalsada.

"I'm really happy for you ate.." tila naiiyak na sabi ni Jonathan sa kanya nang bahagya itong sumulyap sa kanya.

"Thank you Jonathan, I'm really happy too.." naluluhang sagot ni Cherra sa kapatid.

Samantalang kausap naman ni Rod ang Papa nya ng mga sandaling iyon sa kwarto nya.

"Rod, ngayong alam mo na ang nararamdaman ni Cherra para sayo. I think it's time na ayusin mo na ang sa inyo ni Mendy, tell her the truth anak. Para tuluyan ka na nyang palayain mula sa kanya. Mahal na mahal ka ni Mendy, alam kong masasaktan sya sa simula pero dadarating ang oras na mauunawaan ka din nya.." seryosong sabi ni Roland sa anak.

"Opo pa, yan na nga din ang gagawin ko. Mahal na mahal ko Cherra, at ayoko nang muli pa syang mawala sa akin ng tuluyan.." seryosong sagot ni Rod sa ama.

" Nagkaroon naman pala ng magandang kinalabasan ang pagkakadisgrasya mo. Kung hindi nangyari iyon, di ka magkakaroon ng lakas ng loob sa sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal..Hehehehe." natatawang sabi ni Roland sa anak.

"Siguro nga po pa.." natatawang sagot ni Rod sa ama.

Pero ang tuwang naradarama nya ay unti-unti namang napalitan ng lungkot ng maalala si Gustav. Siguradong magdaramdam iyon sa kanya, sa kanila ni Cherra. Pag nalaman nito ang nangyari sa kanila ni Cherra.

"Naiisip ko lang kung anong magiging reaksyon ni Gustav pa.." nagaalalang sabi ni Rod.

"Magkaibigan kayo ni Gustav anak, at higit pa doon ang turingan nyong dalawa para nang magkapatid ang turingan nyo. Ipaliwanag mo lang sa kanya, siguradong maiintindihan ka nya. Hindi naman siguro isang babae lang ang magpapabagsak ng pagkakaibigan ninyo." sagot ng papa nya.

"Magtiwala lang kayo ni Cherra sa pagmamahalan ninyo anak, magiging maayos din ang lahat para sa inyo.." nakangiting sabi ni Roland sa anak tapos ay lumabas na ito ng kwarto nya.

Parehong namang nakatulog agad sina Rod at Cherra ng gabing iyon. Hindi dahil napagod sila, kundi panatag na ang kanilang mga damdamin. Sa isiping mahal nila ang isa't-isa at pareho nila iyong tinutugunan ng damdaming mas mainit pa sa apoy na kahit buhusan pa ng tubig ay di kayang apulahin. At walang kasing saya ang damdaming dulot nito sa kanila, at sapat na dahilan na iyon para mahimbing silang matulog habang may mga ngiti labi.

Tatlong araw pa ang lumipas mula ng makalabas si Rod mula sa hospital at magtapat kay Cherra. At sa loob ng mga araw na iyon walang kaligayahan ang makakapantay sa nararamdaman nila ng dalaga. Isang pangarap na dati ay tila imposibleng maabot, pero nang mga oras na iyon ay nasa mga kamay na nila hawak-hawak at iingatan sa habang panahon. 

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon