Nasa loob na sila ng naturang restaurant na ang specialty ay roasted chickens. Paborito kasi ni Cherra ang roasted chicken na may side dish na vegetable salad. Kaya iyon ang pinili ni Rod. Di nagtagal may lumapit na sa kanilang waiter.
"Hi good afternoon Sir, Maam. My take your order?" nagalang na sabi ng waiter habang nakangiting ngpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
Kasalukuyang magkaharap sa pagkakaupo sina Rod at Cherra. Si Jonathan naman ay katabi ni Cherra.
"Give us a whole roasted chicken, Vegetable salad, and some drinks. Iced tea perhaps." sabi ni Rod sa waiter na nakatingin pa rin kay Cherra.
"Is that all sir, maam?" tanong ulit ng waiter bilang paniniguro na wala na silang idadagdag pa sa order nila.
"Yeah that's all." sagot ni Rod sa waiter.
Matapos magalang na nagpaalam ang waiter ay agad na itong bumalik sa counter para ibigay ang mga order nila. Saglit pa silang natahimik.
"Ay! ate, papa Rod excuse me muna ha. MagsiCR lang ako." kuwari paalam ni Jonathan sa dalawa. Gusto nya munang iwan ang dalawa para makapag-usap. Tila kasi nahihiya ang dalawa magstart ng conversation, habang nakanga-nga sya sa mga ito.
"How are you Cherra?" basag ni Rod sa katahimikan. Makalipas ang ilang sandaling iwan sila ni Jonathan.
"I-i'm ok.. I'm fine Rod" sagot ni Cherra kay Rod. Tila nahihipnotismo syang napapatitig din sa binata.
"Mas lalo kang gumaganda Cherra." nakangiting sabi ni Rod.
"Uhmm.. thanks. Kaw din naman lalo kang pumupogi Rod." nahihiyang sagot ni Cherra. Napakalakas ng heartbeat nya.
Tapos dumaan na naman ang katahimikan sa pagitan nila. Napansin ni Cherra na ang kinauupuan nilang pwesto ay di kita ng mga dumadaan dahil medyo tago ito. Kahit iyong mga pumapasok ay di din sila agad makikita kung di pa iikot ang mga ito sa bahaging iyon ng restaurant.
"Kaya pala pinili ni Rod ito." sabi ni Cherra na sinarili nalang.
"About what happened earlier." basag ni Rod sa katahimikan nila.
"I'm sorry about that Rod. I really am.. Di ko kasi alam na ikaw pala ang tinutukoy ni Jonathan eh." hinging paumanhin ni Cherra, mas lalo syang nagalala ng mapatingin syang medyo namaga pa ang ilong nito."
"No It's alright Cherra, accidents happens all the time. Pero ito yata ang aksidenteng di ko malilimutan." seryosong sabi ni Rod kay Cherra. Na di nagtagal napangiti na naman dahil sa nakita nyang pagaalala sa magandang mukha ng dalaga.
"Nakakahiya..I-i thought you're someone else." namumula ang mukhang sabi ni Cherra. Nagbablush sya sa paraan ng pagtitig ni Rod sa kanya.
"Well I think it's a good thing na napagkamalan mo ako. Look nagkita tayo." nakangiting sabi ni Rod.
"Yeah." tanging nasabi ni Cherra. Naiinis sya sa sarili dahil wala syang ibang masabi. Samantalang dati ang daldal nya rito.
"N-nagkita nga tayo.. pero nabugbog naman kita.." dugtong ni Cherra makalipas ang ilang sandali. Nahihiya pa rin talaga sya. Bakit naman kasi nagkaganoon, nagkita sila sa pinaka-ackward na paraan pa.
"Hmmm.. sabihin nalang natin na iyon ang bagong way mo para bumati ng old friend?" sagot ni Rod sa dalaga habang hinihimas ang namamagang ilong.
Bahagya namang natawa si Cherra sa sinbing iyon ng binata. Yong tawang lagi nyang ginagawa sa mga simpleng jokes nito. Tila unti-unti namang nalulusaw ang invisible na pader sa pagitan nila, habang lumilipas ang oras unti-unti namang napapalagay uli ang mga loob nila sa isa't-isa. Mula sa awkward moment ay nagiging casual na ang pag-uusap nila, todo effort naman ang bawat isa na huwag mawalan ng mapag-uusapan kaya sinimulan muna nilang magtanong mula sa mga simpleng nangyari sa mga buhay nila sa nakalipas na mga buwan.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
Storie d'amoreMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...