Mabilis naman na kumalat ang dilim nang halos di nila namamalayan. Sobra silang nagenjoy sa pagkakataong iyon na tila muli silang bumalik sa pagiging bata. At parang mga walang kapaguran sa sobrang sayang nararamdaman. Tila nakatulong naman iyon kay Cherra na pansamantalang makalimutan ang presensya ni Rod at ng nobya nitong si Mendy. Nagenjoy sya mula sa paglalaro nila ng beach volleyball, hanggang sa maghabolan sila sa may tabing dagat na walang tigil sa kakatawa.
"This is really fun! Hahahaha." masiglang sabi ni Cherra na sinundan ng tawa habang nakaupo sa may buhanginan. Nakasuot na sya ng T-shirt at maikling maong shorts ng mga oras na iyon na ipinatong nya sa kanyang two piece.
"Yeah, It's like the happiest moment of my life." nakangiting sabi naman ni Celest.
"Dapat madalas natin itong gawin noh, every sem-break?" nakangiting naman na tanong ni Marion.
"Oo nga para naman maenjoy natin ang sem-break at makalimutan ang stress sa pagaaral." sang-ayon naman ni Cherra.
Masaya pa silang nagkukwentohan at nagtatawan habang tinatanaw ang tuluyan nang paglubog ng araw.
Samantalang ng mga oras na iyon si Mendy naman ay tila nayayamot sa isiping hindi man lang naaapektohan si Cherra sa kanina pa nya pagpapaselos dito, dahil mas natuon ang atensyon nito sa paglalaro maghapon at ni hindi man lang sila tinatapunan nito ng tingin sa buong maghapong iyon.
"Hmmm.. tingnan natin kung hanggang saan ang pangbabalewala mo Cherra." lihim na sabi ni Mendy sa sarili at napatingin kay Rod na noon ay kausap sina Gustav at Jonathan habang nagiinoman.
Kumalat na ang dilim at nagsibalikan na sina Cherra, Marion, Celest at Hannah sa cottage. Habang si Mendy ay nanatili lang doon sa tabi ni Rod habang nagiinoman kasama sina Gustav at Jonathan.
"Look at Mendy sis, para nang buntot ni Rod na hindi na humihiwalay sa kanya." natatawang sabi ni Celest ng pabulong kay Cherra habang naglalakad sila pabalik ng cottage.
Napangiti nalang si Cherra sa sinabing iyon ni Celest. Pinili nalang nya na huwag nalang magkomento pa sa sinabi nito. Madilim na at sumindi na ang mga ilaw ng mga posteng nakahilira sa palibot ng resort. Habang tuluyan nang nagliwanag ang kabuohan ng resort dahil sa nagsindihang mga ilaw sa hotel nito.
"Mabuti naman at nagsawa na kayo sa kakalaro?" nakangiting salubong ni Gustav sa kanila.
"Grabe nagenjoy talaga kami.." masayang sabi ni Celest nang makaupo na sa upuan naroon sa cottage nila.
"Mabuti naman kung ganon.." sabat naman ni Rod na napatingin lang kay Cherra. Mga ilang saglit din syang tumitig sa dalaga bago binaling sa ibang mga kasama ang tingin nya.
Si Cherra naman ay nginitian lang ang binata. Bago kumuha ng beer sa ice box na naroon. Binuksan nito ang bote at agad na tumungga dito.
"Wow ate, umiinom kana ha?" nakangiting sabi ni Jonathan sa kapatid. Bihira nya lang kasi itong makitang uminom, minsan pa nga pinipilit pa.
"Yeah." nakangiting sagot ni Cherra kay Jonathan at napakibit balikat.
"So, ano pupunta ba tayo mamaya sa bar o dito nalang tayo sa cottage?" maya-mayang tanong ni Gustav sa mga kasama.
"Hmmm.. dito nalang tayo, gumawa nalang tayo mamaya ng bonfire sa may dagat." nakangising sabi ni Marion.
"Oo nga, mukhang masaya yon!" excited naman na sabat ni Celest.
"OK sige, maghahanap na kami ng mga magagamit nating kahoy." agad namang sabi ni Gustav at tumayo na.
"Rod, Jonathan baka naman gusto nyo akong tulungan?" natatawang tawag ni Gustav sa dalawa.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...