"Ahhh.." ungol ni Rod. Pakiramdam nya para syang nabugbog nang sampung bading sa sakit ng katawan nya. Nakapikit pa rin sya tila di nya maidilat ang mga mata nya sa sobrang bigat nito.
Babangon na sana sya nang makaramdam sya ng hapdi sa mga braso nya, wala sa loob nya itong sinalat. May nasalat syang basang bagay sa kaliwang braso nya. At nang tingnan nya ang kamay kung ano iyon ganun nalang ang gulat nya nang makakita sya ng dugo sa kamay nya.
"Ha, ano ito? San galing to?" napabangon sya sa pagkakahiga nya sa kama nya. Upang lalong magulat sa nakita nya.
Ang daming dugo sa bedsheet nya, dahil kulay beige ito kaya kitang-kita ang mga bakas ng dugo dito. Naguguluhan syang tiningnan ang sarili sa salamin, at lalo syang nagulat sa nakita. Punit yong pantalon nya sa may tuhod, dalawang tuhod at may bahid din doon ng dugo. Ang dami nyang galos sa braso, yong sa may bandang siko ay malalaking lapnos naman ang naroon.
"Ano bang nangyari sa akin?" napaupo sya habang inaalala ang nangyari sa kanya. Unti-unti namang bumalik sa alaala nya ang mga nangyari sa kanya mula ng umalis sya kina Gustav kaninang madaling araw.
"Shit, sumemplang pala ako kanina sa kalsada.." naiiling na sabi nya sa sarili, tapos naalala nya ang motor nya.
Paika-ika syang bumaba ng hagdan at tuloy-tuloy sa garahe nila. Ngunit wala doon ang motor nya, may ilang sandali pa syang nag-isip kung saan nya huling iniwan ang motor nya. At nang maalala, paika naman syang nagtungo sa may gate nila. Naiwan pala nya sa labas ng gate nila ang motor nya, buti nalang at walang nagnakaw nito doon. Dahil naiwan pa nya ang susi sa susian nito. Napangiwi naman sya nang magsimula nang magsakitan ang mga sugat nya, nawawala na ang bisa ng alak sa katawan nya kaya nararamdaman nya na ang mga ito.
"Manong! " tawag nya sa driver nila at dahan-dahang naglakad papunta sa likod ng garahe. Naroon kasi ang kwarto nito.
"4:45 palang ng umaga. Mamaya magigising na sila papa." nasabi nya sa sarili matapos tingnan ang relo, pati iyon ay may basag sa gilid.
"Manong! " katok nya sa kwarto ng driver nila.
Hindi naman nagtagal may narinig na syang kaluskos sa loob. Ganun nalang ang gulat nito ng pagbuksan sya nito ng pinto at makita syang punit-punit ang damit at may mga bakas ito ng dugo. Nataranta naman itong nilapitan sya pero di malaman kung saan ito hahawak sa kanya.
"Manong papasok na nga lang po muna ng motor nasa labas pa eh. Baka manakaw yon, naroon pa naman ang susi." utos nya dito.
Dali-dali naman itong tumakbo palabas para ipasok ang motor nya, habang paika syang sumunod dito. Naupo sya sa may hagdan na malapit sa pinto ng bahay nila. Medyo hilo pa sya at sumasakit na ang mga sugat nya.
"Tatawagin ko si Celia para maasikaso ka Rod." narinig nyang sabi nito matapos ipasok ang motor nya.
"Shit! ang motor ko!" bulaslas nya nang makitang mabuti ang itsura nito.
Medyo yupi ang tangke, basag ang dalawang side mirrors nito, basag din ang right signal light. Mabuti nalang at hindi nabasag ang headlight nito at may mga galos din ito tulad nya. Maliban doon wala nang ibang pinsala dito.
"Kawawa ka naman.." nasabi nya sa motor nya na tila kinakausap ito.
"Mas naawa ka pa sa motor mo, tingnan mo nga yang itsura mo Rod." natatarantang sabi ni Manang sa kanya.
"Diyos ko, napano ka bang bata ka ha?" hindi malaman ni Manang kung anong gagawin dahil sa sobrang taranta.
"Sumemplang po kasi ako kanina paguwi ko manang.. Wag po kayong masyadong maingay baka magising sina mama." sabi nya kay Manang.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...