Moment of Truth Chapter 15

22 1 0
                                    

Natagpuan naman ni Rod ang sarili sa harap ng bahay nina Gustav ng araw na iyon. Naisip nya malalaman din naman nito na naroon na sya sa bayan nila dahil na din kay Celest. Alam nyang bukas o sa makalawa ibabalita din nito kay Gustav na nakauwi na sya. Napabuntunghininga muna sya bago pinindot ang doorbell ng mga ito. Hindi naman nagtagal ay may lumapit namang katulong sa gate at nang makilala sya ay agad naman nitong binuksan para makapasok sya.

"Nariyan ba si Gustav Nana Mina?" tanong ni Rod sa matandang babae na matagal nang naninilbihan sa sa pamilya ni Gustav. Paano mga bata palang sila nandoon na iyon kila Gustav. Parang si Manang lang din nila, nagkaisip nalang sya at lumaki naroon pa rin sa kanila.

"Oo Rod, kararating lang noon. Galing kasi sya sa kabilang bayan, inutusan ng daddy nya." nakangiting sagot ng matanda kay Rod.

Napatango lang si Rod sa sinabi ni Nana Mina sa kanya. At sumunod dito papasok ng bahay nina Gustav, papuntang sala.

"Hintayin mo nalang sya dito Rod, maya-maya bababa na rin yon." sabi ni Nana Mina sa kanya at nagpaalam na ito para ikuha sya ng maiinom.

"Sige po Nana Mina, salamat." sabi ni Rod sa matanda bago ito tuluyang umalis sa harap nya.

Iginala ni Rod ang paningin nya sa loob ng bahay nina Gustav. May ilang nabago doon sa mga gamit at pagkakaayos ng mga ito. Pero maliban doon halos ganun pa rin ang itsura ng loob nito.

"Rod Gregory!!" masayang tawag ni Gustav sa kanya mula sa itaas hagdan.

"Kamusta kana tol? Ano nang nangyari sayo?" sunod-sunod na tanong ni Gustav kay Rod habang nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Nagkibit balikat lang si Rod at napangiti nang makita ang kaibigan. Medyo nagmature na rin ang itsura nito ngayon at medyo pumayat.

"Alam mo bang kakatawag lang din ni Celest sa akin para ipaalam na nagkita na kayo kanina sa fast food?" tanong nito uli sa kanya na di pa rin nawawala ang pagkakangiti.

"Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya nga dumiretso nalang ako dito kasi alam ko namang ipamamalita din agad ni Celest na nagkita kami. Kasama nya yong pinsan nyang Hannah ang pangalan." mahabang sabi ni Rod kay Gustav. At napangiti rin dito.

"Ah.. sabi nga nya eh. Teka, tamang-tama doon tayo sa likod. Tapos na yong pinapaayos ni daddy sa akin kaya pwede na tayong uminom ngayon. Hahahaha." yaya ni Gustav kay Rod.

Sumunod naman sya kay Gustav na naglakad na papuntang likuran ng bahay nito nang makitang tumayo agad sya sa pagkakaupo sa sofa. Pumwesto sila sa cottage na malapit sa swimming pool ng mga ito.

"Bagong gawa pa ito ah.." pansin ni Rod sa cottage na kinauupoan nila ni Gustav.

"Yeah, kapapagawa ko lang nito. At tingnan mo naman tayo agad ang unang gumamit nito. Hahahaha." sagot nito sa kanya na sinabayan pa nito ng pagtawa.

"Oo nga eh, halata ko nga. Kasi amoy na amoy ko pa ang bagong pintura nito. Hehehehe." sagot naman ni Rod na natawa rin.

"Naku, marami tayong paguusapan ngayon kaya dapat madami-dami ang ihahanda nating maiinom. Hahahaha." sabi naman ni Gustav sa kanya na tumatawa.

Marahil ang hindi lang nagbago kay Gustav ay ang pagtawa nitong tila nangaasar. Pero hindi naman talaga ito nangaasar, ganon lang talaga ito tumawa. Kung hindi nya lang kilala itong si Gustav siguro matagal na tong nalamog sa kanya.

"Teka brad, uutusan ko lang si Efren na bumili ng beer ha." maya-maya sabi ni Gustav sa kanya at nagmamadali nitong pinuntahan sa may garahe.

"Beer.. " nasambit ni Rod nang makaalis na ang kaibigan at naiwan muna syang nakaupo sa cottage.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon