Moment of Truth Chapter 27

19 1 0
                                    

Dalawang araw ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon sa reunion nila. At dalawang araw na rin hindi natutulog si Rod, kumakain sya pag nagugutom pero di nya magawang ipikit ang mga mata nya. Dahil sa bawat oras na ipikit nya iyon ay nakikita nya si Mendy na umiiyak sa isip nya habang nagmamakaawa itong huwag nyang iwan. At naalala na naman nya si Cherra, tila nawawalan naman sya ng lakas ng loob na puntahan ito sa kanila. Tinatawagan nya ito at tinitext pero wala man lang syang natatanggap mula dito. Kaya naisip nyang baka pati ito galit din sa kanya.

"Rod, nariyan si Gustav sa baba hinahanap ka. Gusto ka daw makausap.." sabi sa kanya ni Manang na nakailang katok na pala sa kwarto nya pero hindi nya pinansin kaya nagpasya na itong pumasok dahil hindi naman nakalock ang pinto.

"Sige Manang salamat.." sagot ni Rod sa matanda na di man lang nya nilingon.

Napabuntunghininga sya bago tumayo sa pagkakaupo mula sa kama at nagpasyang kausapin ang kaibigang naghihintay sa baba.

"Gustav.." tawag ni Rod sa pangalan ng kaibigan nasa terrace na ito nakaupo sa isa sa mga silya doon.

"Tol.." bati nito sa kanya na napatayo sa pagkakaupo, pero bumalik din naman sa pagkakaupo nang maupo na sya sa harap nito.

"Gustav alam kong madami akong dapat ipaliwanag sayo.." panimulang sabi ni Rod sa kaibigan.

"Alam ko tol.. Kaya nga ako pumunta dito sayo para mapakinggan iyon." malumanay na sabi ni Gustav sa kanya at bahagyang ngumiti ito.

"Hindi ka ba natutulog tol? Ang lalim na ng mga mata mo oh, para kanang zombie nyan ah.." maya-maya puna nito sa itsura nya.

"Madami akong naiisip eh.." sagot ni Rod sa kaibigan tapos mapait na ngumiti.

"Gustav.. Patawarin mo ako kung nasaktan man kita. Alam ko kung hindi mo maiintindihan, pero mahal ko si Cherra. Matagal ko na syang mahal Gustav.." pahayag ni Rod sa kaibigan.

Mula sa seryosong mukha ni Gustav na nakatitig sa kanya ay unti-unti itong ngumiti ito sa kanya.

"Alam ko tol.." sabi ni Gustav na nakangiti sa kanya.

"H-ha? Paano mo nalaman, sinabi ba ni Celest sayo?" nagtatakang napatitig sya dito.

"Hindi, pero alam ko na iyan matagal na din.." sagot nito sa kanya matapos mailing.

"A-ano?" tanong ni Rod dito na tila naguguluhan.

"Alam ko namang may pagtingin ka Cherra eh, pero ayaw mo lang sabihin sa kanya. Kaya kahit hindi mo sinasabi sa akin nakikita ko din naman sa mga kilos mo, kung pano mo sya titigan mula sa malayo kung paano ka ngumiti sa kanya.. Kaya lang nagtaka ako noong ligawan mo si Mendy. Kaya naisip ko siguro, hanggang kaibigan lang ang pagtingin mo sa kanya.." sabi ni Gustav sa kanya na nakangiti dahil parang natatawa sa itsura nya.

"A-ano?" tanong ni Rod sa kaibigan.

"Naalala mo yong naginuman tayo dito? At sinabi ko sayong liligawan ko si Cherra?" tanong nito sa kanya na nakangiti pa rin.

"Oo.. pano ko naman makakalimutan yon." sagot ni Rod.

"That night din nakahalata na akong mahal mo nga sya. Kasi nakita ko kung pano ka magreact nang sabihin ko ang pangalan ni Cherra tol.. Pero ang pinagtataka ko lang bakit ka pumayag na ligawan ko sya?" sabi ni Gutav sa kanya na nangunot pa ang noo.

"Dahil akala ko mahal mo nga sya.. At ayoko din naman na saktan ka eh.. Syempre girlfriend ko din si Mendy noon.." sagot naman ni Rod kay Gustav.

Tila saglit na nagisip si Gustav sa sinabi ni Rod. Tapos maya-maya ay napangiti na ito uli at tumingin sa kanya.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon