Napapikit naman si Rod at huminga ng malalim nang makababa na sya ng eroplano. Naroon na uli sya sa bayan nila.
"Hmm.. Parang wala namang pinagbago." nasabi nya sa sarili nya, habang palinga-linga. Baka kasi may kakilala at makakita sa kanya. Mapabalita na nakabalik na sya. Kinuha nya ang shades sa sling bag at sinuot. Habang nagsisimula na syang maglakad palabas ng airport.
Sabagay wala naman sigurong makakakilala agad sa kanya dahil medyo mahaba na ang buhok nya, isang taon ba naman syang hindi nagpagupit. Kahit tita nya di nga sya napilit na magpagupit eh. Naalala nya tuloy ang tita Charlotte nya, umiiyak ito nang ihatid sya sa airport. Medyo kumalma lang ito nang sabihin nyang three weeks lang sya sa kanila, at bago ang next enrollment ay babalik na agad sya ng manila. Gusto nya lang bisitahin din ang mga magulang nya, total summer vacation naman.
"Psst!!! Manong pasakay ako...Sa terminal ng bus." sabi nya sa tricycle driver nang makasakay na sya. Medyo malayo kasi ang airport sa kanila, mga thirty minutes ride din. Kaya sasakay nalang sya ng bus. Wala naman kasi syang pinagsabihan na uuwi sya, kahit si Mendy hindi alam ang paguwi nyang ito. Susurpresahin nya kasi ang mga magulang nya. Kaya gaya nito ngayon walang susundo sa kanya.
Matapos magbayad sa tricycle ay lumapit sya ticketing office at kumuha ng ticket. Nakita nya thirty minutes pa ang susunod na bus na babyahe. Kaya naisipan nya muna bumili ng maiinom, dahil nauuhaw na sya sa init ng panahon.
"Ate pabili nga coke, at yosi na rin." sabi nya sa tindera. Pagkabigay sa kanya ng binili ay agad nya din namang inabot ang bayad dito.
Uhaw na uhaw na talaga sya kaya dali-dali syang uminom ng softdrink, pagkatapos nagsindi ng yosi. Nasa kasarapan na sya ng paginom ng may biglang tumawag sa pangalan nya.
"Rod!" anito ng tumawag sa kanya. Sakto namang papainom sya ng marinig nya yon. Bigla nyang naibuga ang nainom nang softdrink na kasalukuyang naipon sa bibig nya.
"Ppppuuuccchhaa!" napabuga si Rod kasabay ng pagsambit ng katagang iyon. Malas namang may napadaan na bading sa harap nya at di nya sinasadyang mabugahan ito. Nagulat ito ng sumayad sa balat nito ang binuga nyang inumin.
"Ayyyyy TITI!!!" tili ng bading na halos pinagtinginan ng karamihan ng mga pasaherong naghihintay din doon. Ang ilan ay di napigilang matawa sa sinabi ng bading.
"Ay!! Ano ka ba---" naputol ang sasabihin nito ng mapatingin sa kanya. " Pogi." dugtong nito.
" Papa, pwede ba sa susunod na bubuga ka sabihan mo naman ako. Para makapaghanda ako at diretso dito." sabi ng bading sa kanya sabay nga-nga.
"Nyyyeee..." na parang nangingig na sabi nya. "Sorry talaga, di ko sinasadya nagulat kasi ako eh. May tumawag kasi sa pangalan ko." paliwanag ni Rod sa bading
"Sus ano ka ba ok lang yon. Sige ha nagmamadali kasi ako eh. See you later papa.." sabi ng bading sa kanya na nagflying kiss pa, sabay lakad ng parang nagpafashion show.
"Nyak!!" nasambit nalang ni Rod sa sarili. Napailing nalang sya nang marealize na hindi naman pala sya ang tinatawag kanina, nagkataon lang na Rod din ang pangalan ng tinatawag. Kaya akala nya, sya ang tinutukoy niyon.
Mga ilang minuto pa syang naghintay doon nang magtawag na ang dispatcher na pwede nang sumakay ng bus na byaheng mapapadaan sa kanila. As in literal na mapapadaan talaga sa harap ng gate nila. Dali naman syang sumakay at pumwesto sa may kalagitanaan, agad syang umupo malapit sa bintana. Makalipas ang thirty minutes nasa harap na sya ng kanilang bahay. Agad naman syang nagdoorbell.
"Ayyy!!" tili nang katulong nang sumilip ito sa maliit na siwang sa gate nila ay nakita sya. Agad nya namang sinenyasan ito na wag maingay at agad namang tumahimik.
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...