Moment of Truth Chapter 13

22 1 0
                                    

Pero may mga bagay na sadyang nagiging tama sa paningin ng nagmamahalan, kahit na ang mga bagay na ito ay masasabing hindi tama sa mata ng iba. Pagkatapos ng araw na iyon na magkasama sina Rod at Cherra sa theme park, tila naging mas lalo pang nagigting ang pagmamahalang pilit pa rin nilang pinipigilan. Kahit naman halata na sa mga kilos nila ang tunay na nararamdaman nila sa isa't-isa.

"Oh ate, ano na naman ang nangyayari sayo?" agad na puna ni Jonathan kay Cherra nang maabutan nya ito sa may sala. Di ito mapakali habang nakasambakul ang mukhang palakad-lakad.

"H-ha? Nothing Jonathan.." sagot ni Cherra na halatang natetense.

"Come on ate, tingnan mo nga yang mukha mo. Mananalong face of the day ng biyernes santo." kuwari nakairap na tugon ni Jonathan kay Cherra.

Napabuntunghininga si Cherra at tuluyan nang naupo sa sofa, napahalukipkip habang ang mukha ay di pa rin maipinta.

"Anong problema ate?" maya-maya na tanong ni Jonathan nang makaupo na ito sa tabi ni Cherra.

"Hindi na naman nagpaparamdam si Rod.." tila nagsusumbong na sabi ni Cherra kay Jonathan.

 Mula sa pagkakunot ng noo nito unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jonathan at humgalpak ito ng tawa. Naiinis na pinalo naman ni Cherra ng throw pillow ang kapatid.

"Arayyyy!" maarteng sabi ni Jonathan.

"Nakakainis ka kasi! Kung makatawa ka dyan!" tila batang piksi ni Cherra sa kapatid.

"Eh pano naman ate, akala ko na kung napano kana dyan noh. Yon pala namimiss mo lang si papa Rod." natatawang sabi ni Jonathan kay Cherra sa tonong natutukso.

"Diyos ko naman ate.. Kakakita nyo lang ni papa Rod kahapon, tapos kung makainarte ka dyan parang isang milenyo na kayong hindi nagkikita." maya-maya sabi ni Jonathan sa ate nya.

Napakagat labi nalang si Cherra sa sinabi ni Jonathan. Tama nga ito, pero hindi nya naman mapigilan ang sarili nya na makaramdam ng ganoon. Namimiss nya na talaga ang binata.

"Malay mo naman ate busy lang ang lover boy mo.. Malay mo mamaya tatawag na sa iyo iyon o kaya magtetext di ba?" pagbibigay pag-asa ni Jonathan sa ate nya.

"Saan naman sya busy? Sa kakatawag kay Mendy?" nakasimangot na sagot ni Cherra kay Jonathan.

"Oh my god ate, kung makaselos ka dyan daig mo pa ang asawang hindi inuwian ng sampung taon!" bulaslas ni Jonathan kay Cherra.

"Samantalang ang boyfriend mong 4 days nang hindi na napapadpad dito tila wala man lang sayo." dugtong ni Jonathan na namimilog ang mga mata sa nakikitang selos sa mga mata ng ate nya.

Hindi nakaimik si Cherra. Tama si Jonathan, bakit parang wala man lang sa kanya gayong 4 days nang hindi pumupunta si Gustav sa kanila. Pero ni hindi man lang sya nagdaramdam ng ganon dito. Samantalang si Rod na kakakita lang nila kahapon heto at di na sya mapakali. Gustong-gusto nya na uli ito makita.

"I really miss him Jonathan.." mahinang sabi ni Cherra kay Jonathan.

"Ate, hindi naman sa kinokontra ko yang nararamdaman mo ha. Pero don't you think na kailangan nyo na munang parehong ayosin ang mga sarili nyong relasyon?" maya-maya tanong ni Jonathan kay Cherra sa nananantiyang tono.

Bigla namang napatingin si Cherra sa kapatid sa nagtatanong na tingin. Hindi nya naintindihan ang ibig nitong sabihin. Tila nakuha naman agad nito ang tinging pinukol nya dito.

"Ang ibig kong sabihin ate, di kaya panahon na para isettle nyo muna ang mga sari-sariling relasyon nyo? Bakit di mo na tapatin si Gustav ate, sabihin mo sa kanya ang tunay na nararamdaman mo para kanya at para kay Rod. Mabait naman sya ate, at mahal na mahal ka nya. I'm sure maiintindihan ka nya." malumanay na paliwanag ni Jonathan kay Cherra.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon