Moment of Truth Chapter 26

22 1 0
                                    

"What's the meaning of this Rod?!" malakas na bulyaw ni Mendy sa dalawa. Nang nakuhang makabawi sa pagbigla.

Agad namang naghiwalay sa pagkakayakap sina Rod at Cherra nang marinig ang boses ni Mendy. Napatingin si Cherra kay Mendy na noon kay nakatitig din sa kanya. Punong-puno ng pagkasuklam ang mga mata nito. Parang mga nagbabagang mga holen na nakatingin sa kanya. Mas lalo naman syang nagitla nang makilala kung sino ang nasa tabi nito.

"Wala talaga.." sabi ni Gustav sa sarili. Dahil wala talaga syang maramdamang galit sa sarili para sa dalawa. Para lang syang yong by stander na napadaan sa pinangyarihan ng eksena na nakanga-nga lang. Mas nakaramdam pa nga sya ng simpatiya kay Cherra sa nakikita nyang pagaalala sa mukha nito.

"Explain it to me Rod..explain to me bakit mo hinahalikan ang best friend mo, bakit kayo naghahalikan dito?!" galit na galit na sabi ni Mendy na para bang gustong-gusto nya nang sugurin si Cherra nang mga oras na iyon. Kaya lang pinili nya nalang magpakacivil dahil hindi naman magandang aksyon ang sugurin ito. Magmumukha lang syang walang pinag-aralan sa harap nito.

"Mendy listen--" pero hindi na natuloy ang sasabihin ni Rod dahil sumingit na naman si Mendy.

"Sinasabi ko na nga ba you're up to something, hindi ko alam ang boyfriend ko pala ang something na pinupunterya mo!" sigaw ni Mendy kay Cherra sabay duro nito.

"Stop it Mendy!" saway ni Rod sa nobya. Pero naging dahilan lang yata iyon para lalo itong magwala.

"Kung makaasta ka napakaperpekto mo, para kang santa. But you're just like everyone else na nang-aagaw ng boyfriend nang may boyfriend! Ahas ka rin pala!" sigaw ni Mendy kay Cherra.

"I said stop it Mendy! Will you shut up?!" galit nang sigaw ni Rod, na nanlilisik nang nakatingin kay Mendy.

Para namang nakaramdam si Mendy ng takot sa nakitang galit sa mga mata ng binata. Sa panahong naging sila hindi nya ito nakitang nagalit sa kanya o narinig na pinagtaasan sya ng boses ng binata, ngayon palang. Dahil inaaway nya ang best friend nitong si Cherra, kung best friend pa nga ba.

"R-rod.. I-im sorry, nadala lang ako ng sobrang galit ko." hinging paumanhin ni Mendy kay Rod at humawak sa braso nito.

Samantalang sa mga oras na iyon hindi na makayanan ni Cherra ang nadaramang hiya at galit. Kaya napaiyak sya habang tumatakbong palayo. Nahihiya sya kay Gustav na noon ay nakatingin lang sa kanya, wala itong sinasabi pero sa tingin nya nagagalit din ito sa kanya. At lalong nahihiya sya sa sarili nya dahil sa sinabi ni Mendy na inagaw nya ang boyfriend nito. At nagagalit sya dito sa pagtawag sa kanya ng kung anu-ano. Tuloy-tuloy lang sya sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan nya.

Nang makabalik sya sa kinaroroonan ng mga ito ay agad nyang tinawag si Jonathan.

"Come on Jonathan let's go home.." agad na sabi ni Cherra sa kapatid. Nagtatakang napatingin naman si Jonathan sa kanya.

"Ate umiiyak ka ba?" agad na tanong ni Jonathan sa kanya.

"Umuwi na tayo Jonathan, gusto kong makaalis sa lugar na ito ngayon din." umiiyak nya nang sabi sa kapatid.

"Hey sis, ano bang nangyari sayo ha?" naguguluhang tanong ni Celest na agad ding lumapit sa kanya para yakapin sya.

"Cous, ano bang nangyari?" tanong din ni Marion sa kanya. Dahil wala talagang ideya kung anong nangyayari sa kaibigan nila.

"Ate ano bang nangyari?" ulit na tanong ni Jonathan na naiiyak na rin. Pero wala pa ring sinasabi ang ate nya. Patuloy lang ito sa pag-iyak.

"Sige sis, iiyak mo na muna yan.." tila naiiyak na ding sabi ni Celest habang hinahagod ang likod nya.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon