Moment of Truth Chapter 14

22 1 0
                                    

"Aba, ngayon ko lang yata nalaman na may manliligaw ka pala?" nakataas ang kilay na tanong ni Jonathan kay Lome.

Nagtataka namang napatingin ang katulong kay Jonathan nang masalubong ito sa sala.

"At bongga ha, mukhang mamahalin ang mga yan?" muling sabi ni Jonathan nang suriin ang mga bulaklak na dala ni Lome.

"Kuya naman, hindi naman para sa akin ito eh.." nahihiyang sabi ni Lome kay Jonathan habang inaabot ang mga bulaklak dito.

"At para pala kanino to? Sa akin?" maarteng tanong ni Jonathan na namimilog pa ang mga mata.

Hindi naman sumagot ang Lome, pagkatapos ibigay kay Jonathan ang mga bulaklak ay tumuloy-tuloy na ito sa kusina.

"Aba't tingnan mo nga yong bruhang iyon!" sabi ni Jonathan na sinundan pa ng irap si Lome.

"Kanino kaya galing ito.." usal ni Jonathan sa sarili habang binubusisi ang hawak na bulaklak.

Isang dosenang pink roses iyon, na halatang mamahalin dahil sa pagkakaarrange nito at sa pangbalot nito. Tiningnan nya kung may card na kalakip iyon. At gayon nalang ang pagkabigla nya ng malaman kung sino ang nagpadala ng mga yon.

"Aaaaaaaaaatttttttttttteeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!" tili ni Jonathan habang nagmamadaling umakyat sa hagdan at patakbong tinungo ang kwarto ni Cherra.

"Ano na naman ang nangyayari sayo Jonathan? Dinig yata hanggang kanto ang boses mo sa pagtitili mong iyan." sabi ni Cherra sa kapatid na bahagyang nilingon ito mula sa pagkakadapa sa kama nya.

"At kanino galing yang mga pink roses?" muling tanong ni Cherra kay Jonathan. Napaupo na sya sa kama, at humarap sa kapatid.

"Sa boyfriend mo?" agad namang tanong ni Cherra sa kapatid. Napangiti sya habang nakatingin sa dala nitong pink roses, paborito nya din kasi ito.

"Of course not! Alam mo namang wala akong boyfriend noh?!" nakangusong sabi ni Jonathan at umupo sa gilid ng kama nya.

"Eh kanino galing ang mga yan?" nagtatakang tanong ni Cherra sa kapatid.

"Eh di kanino pa, kundi kay papa Rod!" tila patiling sabi ni Jonathan kay Cherra. Tapos inabot sa ate nya ang mga bulaklak.

"Aaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!" magkasabay na tili ng magkapatid habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa isa't isa.

"Oh my god, it's really from Rod." nausal ni Cherra habang nanginginig ang kamay habang hawak ang card na kalakip nito.

"Beautiful flowers for a beautiful girl.. I hope you like it. Rod." Nakasulat sa card na kalakip ng mga bulaklak.

"Oh di ba ate ang sweet?" kinikilig na tanong ni Jonathan sa kanya.

Napangiti naman si Cherra habang pinapamulahan ng mukha. Pakiramdam nya iyon palang ang unang pagkakataon na nakatanggap sya ng mga bulaklak. Marami na naman syang natatanggap na bulaklak kay Gustav at sa ibang gustong manligaw sa kanya. Pero iba ang isang ito, iba ang pakiramdam kapag galing kay Rod.

"This is the first time na binigyan nya ako ng flowers Jonathan." nakangiting sabi ni Cherra sa kapatid, at nilapit sa ilong ang mga ito para amoyin.

"Ayyyyyyyyyyyyyyy!!!!! Nakakainis!!!" tili ni Jonathan na tila nangingisay sa sobrang kilig na nararamdaman.

Natawa naman si Cherra sa nakita nyang reaksyon ng kapatid. Kinuha nya ang cellphone nya at nagtipa ng mensahe doon.

"Thanks for the flowers Rod, I liked it very much." ang mensaheng tinipa nya at ipinadala agad kay Rod.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon