Moment of Truth Chapter 28

21 1 0
                                    

Samantalang si Mendy ay naroon lang sa kwarto nya. Ayaw nya nang lumabas, ayaw nyang kumain. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana ng kwarto. Tila bumagsak ang magandang katawan nito, humumpak ang maganda nitong mukha, nanlalalim ang mga mapupungay nitong mga mata dahil sa kawalan ng tulog. Ni isa sa mga katulong nya ay walang nakakapasok sa kwarto nya dahil agad nya itong sinisigawan at tinataboy.

"Rod.." nasambit nya na para bang nakikita nya ito sa labas ng bintana ng kwarto nya. Tapos tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Mendy.." tawag ng kuya nya. Napakagat labi sya ng marinig ang boses nito.

"Baby.. Ilang araw ka na daw hindi kumakain.." sabi ng kuya nya na umupo sa tabi nya. " Inaaway mo din daw ang mga kasama mo dito sa bahay.." dugtong nito.

"Rod left me kuya.. Dahil may mahal pala syang iba, at kahit kailan hindi ko mapapantayan sa puso nya ang taong iyon.." lumuluhang sabi ni Mendy sa kuya nya na tila nagsusumbong habang nakatingin dito.

Para namang kinurot ang puso ng Kuya nya nang makita nito ang itsura ng bunso nila. Kilala nya itong masayahin pero ngayon puro pagdurusa ang nakikita nya sa mga mata nito. Niyakap nya ito at dahil sa ginawa nyang iyon lalo pa itong napaiyak. Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa sobrang awa sa kapatid nya. Pero hindi nya naman magawang magalit kay Rod, dahil naiintindihan nya din naman ang ginawa nito. Hindi nga madaling makulong ka sa pagmamahal ng isang taong hindi mo naman talaga tunay na minamahal. At sa panahong magkasama ang mga ito, nakikita nya namang pinipilit ni Rod na punan iyon.

"I love him so much kuya.. Hindi ko alam kong paano ako magsisimulang muli nang wala na sya sa buhay ko." sabi nito sa kuya nya habang umiiyak.

"Baby..Hindi naman enough na ikaw nalang nagmamahal sa isang relasyon. At hindi naman tamang ipilit mo pa iyon habang nasasaktan naman taong mahal mo at habang nasasaktan ka rin sa katotohanang may minamahal pala syang iba.." sabi ng kuya nya habang hinahagod ang likod nya.

 "H-he asked me to set him free kuya.. ang sakit-sakit noon.." sabi ni Mendy sa kuya nya.

"I know baby, i know.. Pero iyon ang best na gawin mo para sa kanya at para sa sarili mo." sagot ng kuya nya.

"But I love him so much.." helpless na sabi ni Mendy.

"Gaano mo sya kamahal? Hanggang saan ang so much na sinasabi mo?" tanong ng kuya nya.

"I-i am willing to do everything for him kuya, anything para maging masaya sya.." sagot ni Mendy sa pagitan ng paghikbi.

"Everything, anything?" tanong nito sa kanya.

Napatango nalang si Mendy sa tanong ng kuya nya. Sobrang nahihirapan kasi syang tanggapin na si Cherra ang mas mahal ni Rod at hindi sya.

"You said he asked you to set him free di ba?" tanong uli ng kuya nya.

"So, if iyon ang makakapagpasaya sa kanya ibigay mo iyon sa kanya. Dahil kung kaya mong gawin ang lahat para kanya iyon ang gawin mo set him free.. At gawin mo iyon hindi dahil iyon ang dapat kundi iyon ang gusto mo para sa kanya, dahil doon sya magiging maligaya." paliwanag ng kuya nya.

"Ginawa ko na kuya wala na kami.." sabi ni Mendy na lalo pang napaiyak, napahagulhol na sya sa ideyang wala na sila ni Rod.

"Alam ko masakit talagang pakawalan ang isang tao na syang nakakapagpasaya sa iyo, pero ang pagmamahal ay hindi lang kung ano at saan ka masaya. Iyon ay kung ano at sino ang makapagpapasaya sa taong minamahal mo. At masakit isiping hindi ikaw iyon kundi iba." sabi ng kuya nya.

"Mahal na mahal nya si Cherra kuya.." tila nahihirapang sabi ni Mendy sa kuya.

"So, hayaan mo syang tuluyang maging masaya kay Cherra.. At piliting maging masaya para sa kanya, kahit masakit para sa iyo." sabi ng kuya nya.

When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon