Tila hindi naman magpapaawat ang mga pusong tunay na nagmamahalan. Dahil sabi nga ng matatanda sa kanila, na ang pusong pinipigil ay lalong nanggigigil. Nakakatawang kasabihan pero totoo. Ang pansamantalang paglayo ni Mendy ay tila naging daan upang mas lalong magningas ang apoy ng pagmamahal na naghihintay lang na magatungan.
Isang umagang katatapos lang maligo ni Cherra. Napalingon sya nang tumunog ang message alert tone ng cellphone nya. Kasalukuyan syang nagsusuklay ng kanyang buhok sa harap ng salamin.
"Baka si Gustav.." naisip nya na pinagpatuloy ang ginagawa. Mamaya nya na iyon rereplyan. Tila nawalan na sya ng pag-asang magpaparamdam pa uli si Rod sa kanya sa pamamagitan ng pagtawag o pagtext man lang. Dahil pangatlong araw na iyon simula noong kunin nito ang number nya.
"Hi ate.." bati ni Jonathan ng pumasok ito sa kwarto nya.
Nginitian nya lang ito mula sa repleksyon nya sa salamin at muling pinagpatuloy ang pagsuklay ng buhok. Muling tumunog ang message alert tone ng cellphone nya. Bahagya ulit syang napahinto sa pagsusuklay. At sinenyasan ang kapatid na tingnan kung sino ang mga nagtext, na sa hula nya ay si Gustav pa rin. Dahil ito lang naman ang nagtetext sa kanya ng ganun kaaga at ganun kadalas.
"2 unread messages ate.. Basahin ko na ha?" pagpapaalam ni Jonathan sa kanya. Tumango naman sya bilang pagsang-ayon dito.
Nakita nya namang napakunot ang noo ni Jonathan habang tinitingnan ang mensahe sa cellphone nya. Napahinto naman sya sa ginagawa habang hinihintay na basahin nito ang nilalaman ng mga iyon.
"Number lang ang nag-appear ate.. hindi nakaregister as one of your contacts.." sabi nito na napatingin pa sa kanya. Muli naman nitong binalik ang tingin sa cellphone nya.
"Hi good morning.." malakas na pagbasa ni Jonathan ng unang mensahe. "How are you.." basa uli nito sa pangalawa.
"Wala namang nakalagay na name ate eh." maya-maya sabi ni Jonathan sa kanya.
"Replyan ko ha?" paalam ni Jonathan sa kanya. Tumango naman sya biglang pagsang ayon. Dahil gusto nya din malaman kung sino ang nagpadala ng mga mensaheng iyon.
Di nagtagal tumunog uli ang message alert ng cellphone nya. Tuluyan na syang napaharap sa kapatid nya na noon ay binabasa na ang bagong recieve na mensahe.
"Oh my gosh ate!! si papa Rod!!!" tili nito sa kanya na kinilig habang inaabot sa kanya ang cellphone nya.
"Hi Cherra, it's me Rod.." basa nya uli sa mensahe. Tila naman lumundag ang puso nya sa galak nang sa wakas ay nagtext na ito sa kanya.
"Hi Rod, how are you?" agad na reply ni Cherra.
"I'm fine. How bout you?" tanong nito.
"I'm fine too." nakangiti si Cherra na agad naman nagreply sa binata.
"Are you free today Cherra? Yayayain sana kitang lumabas eh. Lunch?" nang muli nyang buksan ang bagong dating nitong mensahe.
Para namang kiniliti si Cherra ng mabasa ang pinakabagong mensahe mula dito. Pinakita nya naman iyon kay Jonathan, na nang mga oras na iyon ay tila isang dalagitang nag-swoon sa harap ng crush sa sobrang kilig.
"Tayong dalawa lang ba?" agad na tanong nya dito.
"Sama mo si Jonathan, if you like. Para masaya. :)" di pa rin mawala ang ngiti nya nang basahin nya iyon.
"Ok, saan tayo magkikita?" agad na reply nya dito.
"Doon nalang uli sa mall, andito kc ako sa office ni papa now eh." reply naman ng binata sa kanya.

BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...