Mahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa rin ang nararamdaman nyang kirot nang maalala ang tagpong iyon. Kasalukuyan syang nakatayo malapit sa baybayin ng resort na iyon habang nakatanaw sa dagat, hinahayaang malayang liparin nang hangin ang kanyang hanggang beywang na buhok. Malungkot na binabaliktanaw ang nakaraan.
“Cherra..” mahinang pagtawag ng boses na iyon ng pangalan nya. Ang boses na iyon, na kay tagal nyang inasam na marinig. Na lagi ay dinadalangin nyang dumating ang araw na muli itong mapapakinggan, at makita ang nagmamay-ari nitong kay tagal na niyang inaasam na masilayan. Animo isa itong musika sa kanyang pandinig na tumunaw ng kanyang nararadamang kalungkutan, at bagkus ay pinupuno nito ang kanyang puso ng kaligayahan.
“Rod..” mahinang usal nya sa pangalan nito, nang dahan-dahan nyang lingunin ito. Nakita nyang nakangiti ito at nakatitig habang unti-unti itong lumalapit sa kanya. Tila nananaginip sya ng mga sandaling iyon. Panaginip na dinadalangin nyang huwag sanang mawala, sa oras na magising sya. Panaginip na lagi nyang dinarasal na sana ay pagbigyan ng Maykapal ng katuparan. Ito na ba katuparan na iyon? Ngayon na ba ang panahon kung saan pwede na nilang bigyan daan ang kanilang mga nararamdaman?
Pero paano ang kasintahan nitong si Mendy? At paano ang nobyo nyang si Gustav? Papaano nila haharapin ang mga ito? Tila winaglit nya lahat sa isipin ang mga katanungang iyon, heto at nasa harapan nya na ang taong matagal nya nang hinihintay at gustong makita.
"You looked more beautiful than I ever remember Cherra." puno ng damdaming sabi ni Rod sa kanya.
"You too Rod.." nahihiyang sabi ni Cherra kay Rod.
Dahan-dahan naman nitong ginagap ang kanyang kamay. Naramdaman nya ang init ng palad nito, na tila isang makina na nagbigay buhay sa buo nyang sistema. Napakasarap ng pakiramdam, tila lalong nagiging intense ang nagiging reaction ng katawan nya sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga palad.
"B-bakit ka narito Rod? I-i thought nasa manila ka?" nauutal na tanong ni Cherra kay Rod.
"Yeah, umuwi ako sa iisang dahilan lang Cherra.." sagot ni Rod kay Cherra habang matamang nakakatitig sa mga maga ng dalaga.
"W-what is it?" pigil hiningang tanong ni Cherra.
"I came back to see you, to tell you what I felt for you." madamdaming sagot ni Rod kay Cherra.
Di malaman ni Cherra kung anong emosyon ang bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon. Tila huminto ang pagtakbo ng oras at paginog ng mundo nang mga sandaling iyon.
"And what is it Rod?" pigil hiningang tanong ni Cherra kay Rod habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.
"I want to tell you that I love you Cherra.. I have loved you since the first time I saw you being bullied by that fat dirty looking kid. And until now, hindi pa rin nagbabago ang feelings ko sayo." pagsisiwalat ni Rod sa nararamdaman nya.
" Rod, you don't know how happy I am rightnow..to finally hear you telling me this." gumaralgal ang tinig na sabi ni Cherra kay Rod. Habang di na napigilang mapaluha. But this time luha ito na puno ng kaligayahan.
"I know, i'm so sorry if di ko agad nasabi sa iyo. Natakot kasi akong magalit ka sa akin, dahil baka isipin mong tinitake advantage ko ang friendship natin." sabi ni Rod kay Cherra habang puno ng pagmamahal itong tinititigan.
"Oh Rod.. Ni minsan di ko inisip iyon. Kay tagal ko nang hinihintay na sabihin mo sa akin ang mga katagang yan. Na malaman ko din na mahal mo din ako, dahil ako matagal na kita minamahal." sabi ni Cherra kay Rod sa pagitan ng mga hikbi. Di nya na makakayanan ang kaligayahang nararamdaman nya ngayong malaman na minamahal din pala sya ng bestfriend nya.

BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomansaMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...