"Cherra.." tawag ng binata sa pangalan nya.
Narinig nya iyon pero sinadya nya lang na hindi pansinin. Sobrang sama kasi ng loob nya at masama din ang loob nya sa binata. Dahil hindi pa rin nito tinutupad ang pinangako nito sa kanya.
"Cherra.." ulit nitong tawag sa pangalan nya. Pero this time nasa may likod nya na ito, nakalapit na ito sa kanya.
Nang akmang hawakan ni Rod ang balikat ng dalaga ay pumiksi ito. Galit ito sa kanya at nalulungkot syang isipin na nagagalit ito sa kanya ngayon.
"What are you doing here Rod?" pagalit na tanong ni Cherra sa binata.
"I'm worried--" hindi na natuloy ni Rod ang sasabihin dahil bigla na syang hinarap ng dalaga. Nagitla naman si Rod sa nakita nyang galit sa mga mata ng dalaga ng mga oras na iyon.
"You're worried about me?! Kaya ba di mo pa rin ba masabi sa kanya Rod?! Or you're just playing with me?!" galit na sigaw ng dalaga kay Rod. Halos lahat ng hinanakit nya na naipon ng ilang araw nilang hindi pagkikita ay biglang bumuhos sa harap nito ngayon.
"I'm trying to tell her Cherra, humahanap lang ako ng tiyempo.." sagot ni Rod na tila nagpapaliwanag.
"Iyan ba ang sinasabi mong humahanap ng tiyempo, habang hinahayaan mo syang humalik sayo at lumingkis na parang ahas?!" galit na sigaw ni Cherra sa binata na tila natabunan ng sobrang galit ang pagmamahal nya dito.
"Cherra come on, try to understand.." sabi ni Rod sa dalaga.
"Sinubukan ko na Rod, sinubukan ko nang intindihin ang lahat ng nangyayari sa atin. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit hindi mo pa rin masabi-sabi sa kanya ang dapat mong sabihin?!" sigaw ni Cherra habang umiiyak.
"O Dahil ayaw mo lang, kaya hanggang ngayon ay wala pa rin nangyayari sa sinasabi mong pangako?!" galit na dugtong ni Cherra.
"Cherra natatakot kasi akong masaktan sya.." helpless na sabi ni Rod.
"Natatakot kang saktan sya, pero nagagawa mong makitang nasasaktan ako ganun ba?! I thought you love me Rod.. Akala ko iba kana.. But still, you're such a coward little boy na di magawang sabihin ang tunay na feelings sa harap ng best friend nya. At ngayon hinahayaan mo na naman ang bitch na iyon na nasisiyahan habang nasasaktan ako, at wala ka pa ring ginagawa!!" galit na sabi nya sa binata na tila napapagod na napaluhod sa buhangin.
Nagitla naman si Rod sa sinabing iyon ng dalaga, at narinig nya pa talaga iyon sa mismong bibig ni Cherra. Pakiramdam nya parang dinukot ang puso nya at pagkatapos ay isinampal sa pagmumukha nya. Hinilamos ni Cherra sa tangang pagmumukha nya ang katotohanang duwag sya. At ngayon naduduwag na naman syang sabihin iyon kay Mendy. Samantalang araw-araw pasakit ang dala noon kay Cherra at maging sa kanya. Pero wala pa rin syang nagagawa kulang nalang sabihin ni Cherra sa kanya na inutil syang tao at walang kwenta.
"Sasabihin ko na sa kanya ngayon Cherra promise.. tama na please.." pagmamakaawa ni Rod sa dalaga at itatayo nya sa sana. Pero winaksi lang nito ang mga kamay nyang nakahawak dito.
"Don't touch me Rod.. I don't want you to touch me anymore. And don't bother telling her that, dahil huli na para dyan." sabi ni Cherra na nagsisimula nang maglakad palayo sa kanya.
"W-what do you mean about that Cherra? " natatakot na tanong ni Rod sa dalaga.
"That means ayaw na kitang makita pa kahit kailan Rod.. Magsama kayo ng Mendy mo!" sigaw nya dito nang lingunin nya ito.
Daig pa ni Rod ang nag-aagaw buhay ng mga oras na iyon at ang tanging nagdadala ng ikabubuhay nya ay si Cherra. Pero heto, iniiwan na sya ng dalaga. Ayaw na sya nitong makita, nawala na ba ang pagmamahal nito sa kanya? Tuluyan na bang kinain ng galit ang puso nito?
BINABASA MO ANG
When I Fell In Love With My BestFriend (Moment of Truth)
RomanceMahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa...