𝕹𝖚𝖊𝖛𝖊♱

416 8 1
                                    

NAPASIGAW si Mrs. Castillo nang ma-out of balance. Naramdaman ng guro na may tumulak sa bandang likuran nito. Nagpagulong-gulong ito pababa ng hagdan habang sumisigaw hanggang bumulagta sa sahig.

Duguan ang ilong at ulo ng guro pero may malay pa ito. Nakita pa ng ginang ang isang manika na nakatayo sa itaas na bahagi ng hagdan. Nakangisi ang manika na lalong ikinatakot nito bago mawalan ng malay.

Samantala, paglabas ni Marilyn ng banyo ay nakita niya si Maya na waring pinapagalitan ang manika na hawak nito.

"Let's go!" yakag niya sa pamangkin. Hinawakan niya ang isang kamay ng bata at umalis sa lugar na iyon.

"Emergency!" Boses sa bandang likuran ni Marilyn. Bahagya siyang nagulat.

Ano kaya ang nangyayari? tanong niya sa sarili. Nakita niyang tumatakbo ang mga guro at guwardiya.

"Tumawag kayo ng ambulance!" sigaw ng isang guro.

Nakita ni Marilyn ang isang humahangos na guro kaya sinalubong niya ito.

"Sir, ano po ang nangyayari?" tanong ng dalaga, saklot ng kaba ang kanyang dibdib. Niyakap niya nang mahigpit ang pamangkin.

"Si Mrs. Castillo, naaksidente! Nahulog siya sa hagdan!" sagot ng guro at tumakbo palayo sa dalaga.

Nasapo niya ang sariling bibig sa narinig. Ang bilis ng pangyayari. Kanina lang ay kausap pa niya si Mrs. Castillo. Ang kaninang pagtataray ng babae sa kanya baka senyales na may masamang mangyayari rito. Kung alam niya lang na ganito ang mangyayari sa guro, hindi sana siya nainis dito. Na sana'y nanatili pa sila ng pamangkin sa opisina nito, baka sakaling walang masamang mangyari rito.

"Let's go home, Tita Marilyn." Naramdaman niya ang paghila ni Maya sa dulo ng laylayan ng suot niyang floral dress.

Gusto pa sanang makiusyuso ng dalaga pero naisip niya ang kanyang pamangkin. Baka ma-trauma ang bata kapag nakita ang nangyari kay Mrs. Castillo.

Tumingin muna siya sa mga gurong nagkakagulo bago tumango.

Mabilis na isinakay ni Marilyn ang kanyang pamangkin sa passenger seat. Umikot siya sa kabilang side at sumakay sa sasakyan. Nanginginig ang kamay niya habang sinusubukang ipasok ang susi sa keyhole ng sasakyan.

Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa masamang nangyari kay Mrs. Castillo. Sana lang makaligtas ito sa kamatayan. Narinig niya sa isang guwardiya, duguan ang ulo at ilong ng guro.

Nag-start na rin sa wakas ang kotse niya. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng paaralang iyon.  Nang nasa highway na sila'y naging mabagal na ang takbo ng sasakyan. Kailangan niyang mag-ingat, kasama niya ang kanyang pamangkin.

***

PAGDATING sa tapat ng gate ng bahay, mabilis na bumaba ng sasakyan si Marilyn para buksan ang gate.

Pabalik na ang dalaga sa kanyang sasakyan nang bumaba si Maya sa sasakyan at tumakbo papasok sa bukas na gate. Sinubukan niyang pigilan ngunit mabilis nang pumasok sa loob ng bahay ang bata.

Matapos mag-park ng kotse sa garahe,  mabilis na rin siyang bumaba ng sasakyan. Sa kusina siya dumaan.

Naabutan niya ang kanyang mga magulang na abala sa kusina, nagulat pa ang mga ito nang makita siya. Inaasahan niya nang ganito ang magiging reaksyon ng mga ito.

Hinila ni Marilyn ang isang upuan at naupo.

"Ang bilis mo makabalik?" usisa ng kanyang ina.

"Ayaw pang pumasok sa school ni Maya. Binigyan ulit ng isa pang linggong bakasyon ang bata," sagot niya. Tumayo siya at lumapit sa ref. Kinuha niya ang pitsel na may lamang orange juice at inilagay sa mesa.

"Huwag natin pilitin ang bata. Baka naaalala na naman ang mga magulang niya," sabi ni Aling Pacing.

"Iyon nga rin ang tingin ko, 'nay," sagot ng dalaga. Kumuha siya ng baso at umupo ulit sa upuan. Nabanggit niya sa kanyang ina ang nakita ni Maya na mag-ina sa school. Lumagok siya ng orange juice bago muling nagsalita. "Naiinggit siya sa ibang mga bata na inihahatid ng kanilang mga magulang."

"Kawawa naman ang apo ko," pagsingit ni Mang Alfonso. Kasalukuyan itong naghihiwa ng karne para isahog sa nilulutong gulay ng asawa.

"Oo nga po, 'tay. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang malungkot."

Sinabi rin niya sa mga magulang ang nangyaring aksidente sa principal teacher.

"Kawawa naman ang principal na sinasabi mo, anak. Sana gumaling na siya agad," ani Aling Pacing na hinahalo ang ginisang bawang at sibuyas.

"Narinig ko kanina na grabe ang pagkahulog ni Mrs. Castillo. Duguan daw ang ulo at ilong niya."

"Susmaryosep!"

"Anong nangyari, natapilok o nadulas?" tanong ni Mang Alfonso sa anak.

"Hindi ko alam, 'tay," kibit-balikat na sagot ni Marilyn. "Hindi ko nagawang mag-usisa kasi kasama ko si Maya. Ayokong makita ng bata ang nangyari sa principal at baka maapektuhan siya."

"Nasaan si Maya?" tanong ng ina sa kanya.

"Baka nasa sala siya. Nauna siyang pumasok sa bahay." Tumayo siya. "Punta lang ako sa sala at baka nando'n si Maya nanonood ng telebisyon."

"Sige anak," sagot ng mag-asawa.

Tumalikod si Marilyn, naiwan ang mag-asawa sa kusina. Busy sila sa pagluluto para sa tanghalian.

Hindi nakita ng dalaga ang kanyang pamangkin sa sala kaya pumunta siya sa ikalawang palapag ng bahay, baka nasa kwarto ang bata at doon naglalaro.

Samantala sa silid ni Maya. Kausap ng bata ang manika. Kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng kama ang mga ito.

"Huwag mo nang uulitin 'yon, Dolly. Masama ang ginawa mo," pangaral ni Maya sa batang babae–ang manika na nag-anyong tao pero si Maya lang ang nakakaalam.

"Hindi ka ba natutuwa sa ginawa ko, Maya?" Tila nagtatampo ang boses ng bata. Maputla ang balat at nangingitim ang gilid ng mga mata.

"Magagalit si Tita Marilyn sa akin kapag nalaman niyang tinulak mo si Teacher Castillo."

"Hindi siya magagalit kung hindi mo sasabihin sa kanya!" sabi ng batang si Dolly na parang naiinis. "Nagawa ko lang yon kasi maldita siya!" depensa pa sa sarili at ngumisi.

Ang ManikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon