𝕯𝖎𝖘𝖎𝖘𝖆𝖎𝖘♱

347 9 0
                                    

SAMANTALA... sa hardin kung saan nahulog ang manika, makikita ang isang batang babae na nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto ni Maya. Nagngangalit ang kalooban at nagbabanta ito.

"May araw ka rin sa akin, matanda!" Bakas ang nagbabagang galit at poot sa mga mata ng bata.

Naging purong itim ang mga mata, ilang saglit pa'y naging usok ang bata. Tila hinihigop ito ng malakas na puwersa para bumalik sa katawan ng manika.

Sa kabilang banda, kinusot ni Mang Alfonso ang kanyang mga mata dahil sa nakita. Kasalukuyan itong nasa likod-bahay, nag-iihaw ng isda.

Nakita nito ang isang batang babaeng nakatayo at nakatingala sa bintana ng kwarto ni Maya, ngunit sa isang kisap-mata ay biglang nawala ang bata. Hindi sigurado ang matanda kung totoo ang nakita, o baka namamalikmata lang dala na rin ng katandaan. Isa pa, nakalimutan nitong isuot ang salamin.

Hay... ang hirap talaga kapag matanda na. Malabo na nga ang mga mata ko, kung anu-ano pa'ng nakikita! bulong nito sa sarili.

Hindi na pinag-aksayahan ng oras ni Mang Alfonso ang nakita. Lalo na nga't madalas, napagkakamalan nito ang puno na bulto ng isang tao kapag nakalilimutan isuot ang salamin.

"Mukhang luto na ito." Inilipat ng matanda ang inihaw na isda sa dahon ng saging. Pinatay ang apoy at pumasok na sa bahay.

Ilang oras ang lumipas, natapos na ang lahat sa pagluluto. Magkatulong ang mag-inang Marilyn at Aling Pacing sa pag-aayos ng mga nakahandang pagkain sa mahabang mesa.

"Ate, nandito na si Father Damian!" sigaw ni Perlita na sumilip sa bintana sa sala.

"Ikaw na ang magbukas ng gate, Perlita." Abala pa rin si Marilyn sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.

Hindi sumagot ang kasambahay bagkus sinunod ang sinabi ng dalaga. Mabilis itong lumabas ng bahay at tinungo ang gate.

Agad na pumasok ang puting sasakyan na lulan si Father Damian, kasama ang dalawang sakristan at dalawang madre.

"Magandang hapon, Father Damian!" magalang na bati ni Perlita. Kilala nito ang pari dahil sa mismong lugar na iyon nakadestino si Father Damian kahit sa ibang bahagi ng Maynila ito nakatira.

"Magandang hapon din sa iyo, hija." Ngumiti ang pari sa babae. May hawak itong bibliya at may suot na rosaryo na may malaking silver cross pendant.

Bumaba naman ng sasakyan ang mga madre at sakristan.

"Magandang hapon po, sister!" bati naman ni Perlita sa dalawang madre. Tumango lamang at ngumiti ang mga ito sa babae.

Sinamahan ng kasambahay ang mga bagong dating na makapasok sa loob ng bahay. May kakaibang nararamdaman si Father Damian pagkapasok na pagkapasok nito sa pintuan ng bahay.

Naramdaman ng pari na may masamang espiritung nakatira sa bahay na iyon. Isang evil entity.

"Magandang hapon po," magalang na bati ni Marilyn sa mga bagong dating. Kapansin-pansin ang kaseryosohan ng mukha ng pari na parang ang lalim ng iniisip. "Kumain muna tayo bago simulan ang padasal," dagdag pa ng dalaga.

"Anak, ikaw na muna ang bahala rito. Pupuntahan ko sa kwarto ang maglola." Si Aling Dolores at Maya ang tinutukoy ng kanyang ina.

"Sige po,'nay."

Tumalikod si Aling Pacing. Samantala, hindi naman malaman ni Mang Alfonso ang gagawin. Pinayuhan ni Marilyn ang kanyang ama na maupo at siya na ang bahalang mag-asikaso ng mga bisita.

***

PAGPATAK ng alas tres ng hapon, nagsimulang magdasal si Father Damian na sinabayan ng mga madre at sakristan.

"Sa pangalan ng Ama at ng Anak, at Espiritu Santo, amen!" Binuksan ng pari ang boteng naglalaman ng holy water (Banal na Tubig o Agua Bendita)

Habang binabasbasan ng pari ang silid ng namatay na mag-asawa...

Sa labas ng bahay, may kakaibang init na naramdaman ang evil spirit sa loob ng manika. Parang hinahagupit ng latigo ang alagad ng diyablo. Pakiramdam nito'y parang tinutupok ng naglalagablab na apoy!

Nagpakawala ito ng nakakatakot na mga ungol. Sigurado ang evil spirit na may kakaibang nangyayari sa loob ng bahay. Ilang beses nitong sinubukang makaalis sa katawan ng manika ngunit hindi ito nagtagumpay.

Kanina, naramdaman ni Father Damian na may masamang evil entity na bumabalot sa bahay na iyon. Ngayon ay nakadama ng kapayapaan ang pari.

Naisip ng pari na baka mga kaluluwa ng namatay na mag-asawa ang naramdaman nito at dahil sa makapangyarihang salita ng Diyos na ginamit, tumawid na ang mga kaluluwa sa liwanag.

Hindi nagtagal si Father Damian sa kanilang bahay dahil may misa pa ito ng alas sais ng gabi. Hinatid ni Marilyn ang pari sa sasakyan at ang mga kasama nito. Nakatayo naman sa gilid ng gate ang kasambahay na si Perlita.

Bago pumasok sa sasakyan ay kinausap ng pari ang dalaga para bigyan ng babala.

"Hija, mag-ingat kayo ng pamilya mo. Kanina'y may naramdaman akong evil spirit na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Ngayon ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya sa inyong bakuran. Isang masamang enerhiya. Mapanganib-"

Biglang umihip ang malakas na hangin. Kinilabutan ang dalaga.

"Aalis na kami. Mag-ingat kayo, hija," bilin ni Father Damian bago sumakay sa kotse.

Sa sinabi ng pari, tila niyakap ng takot ang buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang kapatid, wala siyang naramdamang kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Ngunit dahil sa sinabi nito'y nag-iwan iyon ng takot sa kanyang dibdib.

Lumabas sa gate ang puting kotse. Nakita rin niya ang makahulugang tingin ng pari.

Pumasok muli si Marilyn sa bahay, kasunod si Perlita na nagtungo sa kusina para maglinis.

Ang ManikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon