🙁Chapter 4🙁

67 14 0
                                    

Ising's POV:

Hinatid ko na lamang sa aking mga paningin ang papalayong si Eda.

Ako nga pala si Ising animnapu't dalawang taong gulang, kababata at matalik na kaibigan ni Eda. Sa totoo lang, awang-awa na ako dito sa kaibigan kong ito, ngunit, kahit anong sumbong namin sa mga 'di ka aya-ayang pinag gagawa ng anak niyang si Jonas ay ayaw nito maniwala.

Ewan ko rin ba dito sa anak niya, tila walang nararamdamang pagmamahal sa kanyang ina, kaya palagi ko itong napag sabihan eh! Ngunit, wala, patuloy pa rin sa mga kabulastugan.

Minsan nga kung magkasalubong kami, o kaya pupunta ako sa bahay nila, ayaw sa akin magpakita, iniiwasan ako, dahil alam niya na sisirmonan ko na naman siya.

Kaya awang-awa ako kay Eda, dahil alam ko na ikinahihiya siya ng sariling anak.

Ewan ko ba, hindi naman ganyan ang ugali ng ama n'ya, kung gaano kabait si Lucas, ay kabaliktaran naman ito sa ugali ni Jonas.

Oo, alam ko ang istorya sa buhay ni Eda, saksi ako sa lahat ng sakripisyong ginawa niya alang-alang sa kanyang pamilya at kay Jonas, at ako rin ang dahilan kung bakit nagka-kilala sina Eda at Lucas.

Nauna kaming lumipat dito sa Maynila, dahil taga rito ang pamilya ng tatay ko, ang nanay ko lang naman ang taga Cebu.

Sa kasamaang palad, natanggal ang tatay ko sa kompanyang pinagta-trabahuan niya noon sa Cebu, kaya, naisipan nila ng nanay ko na lumipat na lang dito nga sa Maynila, para dito na magsimulang muli sa panibagong buhay.

Ilang taon rin ang lumipas, nakabangon na ang pamilya namin, nakahanap ng bagong trabaho ang tatay ko, at ako nama'y tinuloy na ang pag-aaral sa koleheyo.

Habang nandito ako sa Maynila, hindi pa rin naputol ang komonekasyon namin ni Eda, palagi kaming nag susulatan, pagkat hindi pa uso noon ang selpon para makapag padala ng teks.

Isang araw habang paparating ang kaarawan ko, inimbitahan ko si Eda na dumalo, at hindi naman ako binigo ng kaibigan ko dahil pumayag agad ito.

Dumating siya bisperas ng aking kaarawan, sinundo ko siya sa paliparan dahil hindi pa siya kabisado sa lugar namin.

Kinabukasan, marami ang naging bisita ko, mga kamag-anak, kaibigan, ka-klase at mga Kapitbahay.

At habang nag sasaya ang lahat, lumapit sa 'kin si Lucas, an gaming Kapitbahay.

"Ising, pakilala mo naman ako sa kaibigan mo," paki-usap nito at ang tinutukoy ay si Eda.

"Naku Lucas, 'wag na 'wag mong pagti-tripan iyang kaibigan ko," banta ko sa kanya. Nakita kong umiling si Lucas.

"Ising naman, kilala mo naman ako 'diba? Hindi ako manloloko o kaya ay tarantado," pagtangol nito sa sarili.

Sa isip ko'y, oo nga naman, kilala ko si Lucas bilang isang napaka-bait at masunurin na binata dito sa aming lugar, walang bisyo, at binatang mapagmahal sa mga magulang.

Kaya komportable ako na ipakilala siya kay Eda.

"O sige, sandal tawagin ko lang," sabi ko, sumilay ang napakatamis na ngiti ni Lucas.

"Salamat Ising, at makakaasa ka, hindi ko sasaktan iyang kaibigan mo." Napahinto ako sa sinabi niya, aba'y ang taas ng kompyansa nito sa sarili ah.

"Bakit, Balak mo ba na ligawan?" tanong ko.

"Oo," Simpleng tugon nito. Aba! At hindi nga ako nagkamali.

"Naku! Parang ang bilis mo naman yata."

"Ising, ganyan talaga, lalong-lalo na at pag na love at first sight ka," masayang sambit nito.

"At papano ka naman nakakasiguro na sasagutin ka ng kaibigan ko aber...?" pagtaas ko ng kilay. Napa tsked naman si Lucas, aba'y ang taas talaga ng kompyansa nito sa sarili.

"Basta... ako nang bahala do'n, kaya sige na... ipakilala mo ako sa kanya," pangungulit niya.

Wala na akong nagawa, at sad'yang makulit itong si Lucas.

"O sige, bahala kana sa diskarte mo, basta... naku Lucas ha, siguraduhin mo lang, pag ikaw sinagot niyang kaibigan ko, huwag na huwag mong lolokuhin," pagbanta ko sa kanya.

"Syempre naman," kindat nito. Inirapan ko na lamang siya at mabilis na tumalikod.

Pinuntahan ko si Eda sa kinaroroonan niya kasama ang iba ko pang bisita.

Bilib ako sa kaibigan kong ito, ang bilis maka hanap ng kausap, sabagay, hindi rin naman kasi mahiyain itong si Eda, in short, pala-kaibigan.

"Ah, excuse me, Eda, halika muna," tawag ko sa kanya nang makalapit sa kompulan nila.

"O, ano iyon, Ising?" nakangiting tanong ni Eda. Hindi ako tumugon, bagkos, ipinagpaalam ko siya sa mga kausap.

"Excuse me lang po sa lahat ha, kakausapin ko lang 'tong kaibigan ko." Tanging tango lang ang tinugon ng lahat.

"Halika muna dito," sambit ko at bahagya siyang hinila papalayo sa kompulan.

"Bakit, ano ba ang meron Ising?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Pasensya kana ha, pero meron kasing gustong makipag-usap sa 'yo," bunyag ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagtaas nito ng kilay. "Sino?" tanong niya.

"Si Lucas, ayon o," aniko at tinuro ang kinaroroonan ng nakangising si Lucas.

"Parang may gusto kasi sayo iyong tao," deretso kong usal.

"Ising naman, huwag ka ngang ganyan, baka makipagkaibigan lang," pagtangol niya kay Lucas. Pasimple ko siyang sinulyapan, aba'y nakangiti itong nakatingin kay Lucas, hmmm... napataas ako sa aking kilay, at mukhang alam ko ng magwawagi si Lucas.

"Sabagay, mabait na binata iyang si Lucas," panunundot ko sa kanya, tila naman kinilig itong si Eda, dahil hindi inalis ang tingin kay Lucas hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan nito.

"O Lucas, eto na... si Eda kaibigan ko, at Eda, si Lucas, Kapitbahay namin," pakilala ko sa dalawa.

Sumilay ang mga matatamis nilang ngiti sa is't isa.

"Magandang gabi sa 'yo aking binini?" magalang na pagbati ni Lucas at inabot kay Eda ang kamay nito para makipag kamay, masaya naman itong tinugon ni Eda.

Mukhang nagkakamabutihan na sila, kaya umiskapo na ako.

"O siya sige, maiwan ko na muna kayo, at para makapag-usap kayo ng mabuti, pupuntahan ko lang ang iba ko pang bisita," paalam ko sa kanila.

"Salamat Ising." Si Lucas ang sumagot.

Pagkaraan ng iilang buwan, nalaman ko na lang na magkasintahan na ang dalawa, lagi ng bumalik-balik si Eda dito sa amin, upang makipagkita at makapiling ang kasintahang si Lucas.

Hindi nagtagal, nagbunga ang kanilang pag-iibigan, nabuntis ni Lucas si Eda, at ito ng si Jonas, takot na takot si Eda sa mga panahon na iyon, natatakot siyang malaman ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya.

Ngunit wala namang sekreto ang hindi nabubuntag,no'ng nalaman ng pamilya niya ang pagbubuntis niya, hindi nila ito matatanggap,ikinahihiya nila si Eda.

🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺
************************************

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon