🙁Chapter 18🙁

41 9 0
                                    

Grace's POV:

Matapos ang pagsusulit namin sa Filipino, aba syempre, pumasa ang prinsesa n'yo hahahha 18 out of 20 lang naman at syempre pumasa rin ang mga kaibigan ko mga lahing matatalino kaya kami hahaha.

Habang nasa ground kami, kung saan kadalasan naming tinatambayan upang mag review para sa susunod na klase kasama ang mga kaibigan ko, may lumapit sa aming isang baklang kaidad at ka klase rin namin, si Aljon.

"Uy! Mga dzai (girls), pa join naman, group study ba 'yan?" bulalas nito habang papalapit sa 'min bitbit ang kulay pink nitong shoulder bag na may logo ni Hello Kitty.

"Ay hindi, humihithit kami ng Shabu dito!" Pamilusupo ko.

"Ay! Grabe ka naman Chaks, nagtatanong lang..." an'ya at umupo sa tabi namin, sa isip ko'y anong chaks? Hindi ko siya maintindihan.

"Hoy! Bakla anong chaks?" pagtataas ko ng kilay. Bahagya itong natawa sa tanong ko.

"Aba'y! Hindi mo alam? Dala-dala mo 'yan araw-araw," sagot nito na mas lalong nagpapagulo sa 'kin.

"Ano nga?" medyo nainis na ako.

"CHAKA ano pa ba!" pagklaro nito.

Chaka? Napagtanto kong hindi ko magugustohan ang ibig sabihin ng salitang iyon kaya...

"Letsi kang bakla ka!, mas chaka kapa sa 'kin!" hiyaw ko sabay bato sa kanya sa hawak-hawak kong notebook.

"Ay! Hindi inaamin?" pang-aasar pa nito.

lalo akong nainis, kaya lumapit ako sa kanya at hiniblot ang buhok nito at ninudnud ang mukha sa bermuda na inuupuan namin, hindi naman lumaban ang bakla at agad naman kaming inawat ni Mhae at Angel.

"Hoy! Tama na nga 'yan, pinag titinginan na tayo ng ibang studyante oh!" suway ni Mhae.

"Eh! Kong hindi lang sana pumunta 'tong baklang ito dito, hindi tayo magkakagulo!" pa anas ko habang pina pagpag ang aking palda.

"Gusto ko lang namang sumali sa group study n'yo, e ikaw naman tong namimilusopo!" paliwanag ni Aljon.

Sa isip ko'y, oo nga, ako pala ang unang nangaway, pero na buwesit talaga ako dahil tinawag ako niyang chaka, at hindi ko matanggap 'yon, maganda ako!

"E sana, kung hindi mo ako tinawag na Chaka hindi mag-iinit ang ulo ko!" pabulyaw kong wika.

"Okay sige, Sorry na, I just wanted to join the group lang naman kasi," pag hingi nito ng paumanhin sa malanding boses.

"O sige na, join kana sa amin" ani ni Angel, hindi na lang ako nag salita at kinuha ko na lang ang suklay ko sa bag at inayos ang buhok ko, nakita naman ito ng bakla.

"Dzai, gusto mo ayosin ko buhok mo?" alok nito na parang bumabawi. Napa tsked naman ako at inismiran siya.

"Huwag na! Mainit pa dugo ko sayo!" pagtangi ko sa alok nito.

"Ay!" ang tanging naitinig niya at tumalikod na lang sa 'kin.

Hindi na ako nakakapag concentrate sa pag re-review, dahil hindi pa rin nawala ang inis ko sa baklang ito, hanggang sa dumating ang oras ng klase, wala namang pagsusulit ang naganap pero oral recitation lang.

Medyo kinabahan ako, Biology ito hindi ko bet, sana naman alam ko ang itatanong ni madz hahahaha, madz pala tawag ko sa mga guro ko, pero hindi ko pinaalam, ma'am pa rin tawag ko sa kanila kung kausapin ko sila, syempre dapat maging magalang.

Halos natawag na lahat ng mga kaklase ko, at lahat sila'y nakasagot ng tama, isang malaking kahihiyan kung hindi ako makakasagot nito, kaya nang bumunot na ulit ang guro namin ng isang index card medyo kinabahan na ako.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon