Jonas's POV:
Walong gabi na ang nakalipas nang paglamayan namin si inay, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na s'ya at hindi na ako nabigyan ng pagkakataong maalagaan siya at makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya. Ngunit, gano'n paman, alam kong nagkaayos na kami ni inay, ngunit hindi ko pa rin mapigil ang isip ko na sisihin ang sarili sa mga nangyayari.
Marami ang mga taong nandito sa huling gabi ni inay, nang idiniklara kasi itong patay, ipinabalita ko kaagad sa medya upang malaman ng lahat ng mga nakakilala kay inay na patay na s'ya.
Kabilang sa mga narito ay ang mga naging suki ni nanay sa pag lalabada noon, sina Maam Betty kasama ang katulong nitong si Bidang, pati na rin sina Maam Maricel at ang anak nitong si Mich.
Sina Tomas at Andong na suki nito sa tricycle noon, pati ang iilan sa aming mga kapitbahay noon ay naparito rin, dumalaw rin ang mga kaibigan ko noong college at dito ko na sinabi sa kanila ang katotohanan sa mga ginawa kong pag sisinungaling sa kanila noon.
Si Aling Ising na matalik na kaibigan ni inay, si Grace at si Jonex pati na rin si Jose kasama ang nobyo nitong nag ngangalang Josh at kasalukuyang business partner niya.
Lahat sila ay andito upang bumisita para sa huling gabi ni inay, dahil bukas ihahatid na siya sa kanyang libingan. Hindi ko maiwasang malungkot muli nang isipin na bukas na ililibing ang inay, ngunit wala na akong magagawa.
Andito ako ngayon at nakaupo sa tapat ng kabaong ni inay, nais kong sulitin ang mga nalalabing oras na makasama ko s'ya.
Tumulo na naman ang aking mga luha habang iniisip ang mga natuklasan ko, laking pasasalamat ko kay inay sa ginawa n'ya, alam kong ginawa niya ito para sa akin at para sa kinabukasan ko.
Napansin ko na papalapit sa kinauupuan ko ang mga kaibigan ko, kaya mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa mata.
"Pare, condolence ulit sayo," wika ni Julius mula sa aking likod, at hinagod pa nito ang aking balikat upang iparamdam ang kanyang simpatya.
"Salamat sa pag punta mga pare," tugon ko at tiningnan silang lahat. "At pasensya na ulit sa mga kasinungalingan ko sa inyo noon," dugtong ko.
Ngumiti lang silang lahat.
"Kalimutan na na'tin 'yon, basta ang importante ay ang ngayon," nakangiting salaysay ni Joseph.
Napangiti na lang rin ako dahil sa sinabi nito.
At dahil sa ngiting 'yon medyo nawala ng kaunti ang sikip sa dibdib ko.
"Pare, huwag ka nang masyadong malungkot, bumawi ka na lang sa anak at asawa mo," mungkahi ni Ivan. "Tsaka, malapit na ang kasal nitong isa nating kaibigan," dagdag pa nito at tinapik ang balikat ni Julius kasama ang malawak na ngiti.
"Ay! Oo nga pala pare, huwag mong kalimutang pumunta sa kasal namin ng magiging asawa, kayong lahat ng mga kaibigan ko ay dapat nando'n, dahil mag tatampo talaga ako pag wala kayo," aniya kasama ang pagpuot sa nguso nito.
"Uy! Ang drama n'yo, mag kapi kaya kayo," singit ni Erick na kanina pa pala nakikinig sa usapan.
"O eto na ang kape n'yo," pag basag ni Joseph sa aming pinag-uusapan, kaya pala ito nawala dahil kumuha ng kape para sa aming lima.
"Aba'y ang bilis! Kasasabi ko lang ah," biro ni Erick, dahilan at nagtawanan kaming lima.
Dinala ko sila sa pahabang upuan na malapit sa kabaong ni inay at doon tinuloy ang pag-uusap.
Alas onse na nang matapos ang pag-uusap namin, at dahil sa kanila, medyo gumaan ang loob ko sa mga oras na iyon.
"Pare, mauna na kami ha, babalik na lang kami bukas para sa libing ng nanay mo," paalam ni Joseph kasabay ng lahat.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...