🙁Chapter 35🙁

38 6 3
                                    


Jonas POV:

Ilang oras na lang at magpa-pasko na, mag-isa na lang ako dahil nagsi pag-uwian na ang mga kaibigan ko sa kani-kanilang tahanan upang salubungin ang pasko kasama ang mga pamilya nila.

Kaya ako ito naiwan, nag sinungaling pa nga rin ako sa kanila na uuwi rin upang makasama ang pamilya ko.

Nandito ako ngayon sa labas ng aking apartment at pinag masdan ang mga Chrismast lights sa mga naglalakihang mga gusali at pati na rin sa mga kalapit bahay nitong apartment ko. Kumikislap ng iba't ibang kulay.

Aliw na aliw ako sa aking pinapanood, ang saya tingnan lalong-lalo na at pag mag salit-salitan na ang pag kislap ng mag ito, napangiti na lamang ako.

Nabaling ang atensyon ko sa isang batang may bitbit na paputok, bigla itong nilapitan ng isang babae na sa tingin ko'y ang ina ng bata, kinuha nito mula kamay ng bata ang paputok.

Ayaw pa sanang ibigay ng bata ang paputok at pilit pa nitong kinuha sa kanyang ina ngunit, ang ina ng bata ay mabilis itong naitinapon sa malayo.

Labis ang pag-iyak ng bata, naintindihan ko ang ina nito, ginawa n'ya lamang iyon upang proteksyonan ang kanyang anak.

Naalala ko tuloy ang inay kung gaano ako nito pinoprotektahan noon, lalong-lalo na sa mga kapwa ko batang umaway sa akin.

Ibinaling na lamang ng ina ng bata ang atensyon nito sa mga kumikislap na Christmas lights na siyang nagustohan naman ng bata, aliw na aliw ito sa kanyang nakikita kaya tumahan na ito sa kaiiyak.

Naalala ko rin no'n kung gaano ko ka gusto ang kislap ng mga Christmas lights, tuwing pasko ay sa labas kami ng bahay ni inay kasama ang iba pa naming mga kapitbahay at dala-dala ang aming mga handa upang doon salubungin ang pasko at pati rin sa bagong taon.

Ngunit sa tingin ko'y hindi na mauulit iyon dahil umalis na ako sa amin, at wala na akong balak tumira ulit doon.

Ngunit, sa totoo lang ay gusto ko na ring makita ang inay, pagkat ang huli pa naming pagkikita ay 'yong iniwan ko s'ya sa bahay mag-isa, at alam kong masama ang loob nito sa akin dahil do'n,

Ngunit pinigilan ako ng aking isipan sa gusto kong gawin, subalit ang sinabi sa akin ng kabilang parte ng isip ko'y, kahit silipin ko man lang ang inay sapat na 'yon.

Kaya napag pasyahan kong pumunta sa lugar namin upang silipin ang inay, bumalik ako sa loob ng aking apartment at nag palit ng damit, nag soot ako ng itim na jacket na may hood, kinuha ko ang aking pitaka tsaka lumabas ulit ng apartment upang maghanap ng masasakyan.

Ngunit gabi na, hindi ko alam kong may masasakyan pa ako, mabuti na lang may mga taxi pang bumabiyahe sa mga oras na ito.

Agad akong pumara, at nag pahatid sa lugar namin, ilang minuto rin akong nakasakay sa taxi at iniisip pa rin kung tama ba ang ginawa ko, ngunit buo na ang loob ko, ang puntahan si inay, ngunit wala akong balak mag pakita sa kanya gusto ko lamang siyang masilip.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon