Jonas's POV:
Ngayong alam na ng asawa ko ang lahat, wala na akong pinapangamba pa, ang bait ng asawa ko dahil naintidihan n'ya kaagad ako kung bakit ko ginawa ang mga pasakit na iyon kay inay.
Naka isip ng paraan ang asawa ko kung paano namin hanapin ang inay, suhestiyon nito ay idulog namin sa medya ang paghahanap kay inay, kaya 'yon ang ginawa namin.
Pumunta kami sa mga malalaking TV networks upang manawagan sa inay ko, pati na rin sa mga Radio station at mga publishing house ng mga newspapers.
Ngunit, nakalipas na ang dalawang linggo at wala pa rin kaming natanggap na balita.
Nasa opisina ako ngayon at hinihintay ang naka schedule kong meeting, nang may narinig akong tila nagkagulo mula sa labas ng opisina ko.
Lumapit ako malapit sa pintuan at nakinig sa mga nagtatalo mula sa labas ng aking opisina.
"Ma'am I'm sorry, hindi po talaga kayo puwedeng pumasok, busy pa po si sir Jonas, isa pa, wala po kayong appointment sa kanya," mariing wika ni Misslee.
"Ms. Importante lang talaga, magkakilala kami ng boss mo! Sabihin mo lang na gusto siyang kausapin ni Grace Suarez," giit nito.
Pagkarinig ko sa pangalang iyon, ay mabilis kong binuksan ang pinto ng opisina ko, agad namang natigil ang dalawa sa pagtatalo nang makita nila ako.
"Sir! I-I'm sorry, nag pupumilit po kasi siyang pumasok," paliwanag ni Misslee.
"Cancel all my meetings today!" utos ko bigla sa kanya habang ang tingin ko ay nasa kay Grace, ngunit tila hindi ako narinig ni Misslee.
"A-Ano po ulit yon sir?" pagklaro niya.
"I said! Cancel all my meetings today, at papasukin mo s'ya!" mautoridad kong pag-utos.
Agad naman nitong ginawa ang sinabi ko, at pinapasok si Grace sa loob ng aking opisina.
"Sit down Grace," alok ko sa kanya sa bakanteng upuan na nasa harapan ng akig working table, habang ako ay umikot at umupo na rin sa aking swivel chair.
Agad naman itong umupo at namayani muna ang iilang sigundong katahimikan sa pagitan namin bago ako nagsimula.
Bumuntong-hininga muna ako bago nagbitaw ng salita.
"Kamusta ka?" tanong ko.
Tinitigan muna ako ni Grace bago ito sumagot.
"Nabalitaan namin na hinahanap mo si Aling Eda, kaya inutusan ako ni inay na puntahan ka dahil gusto ka niyang makausap," deretsong pahayag nito.
Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya at hindi alam ang isasagot, wala akong lakas ng loob upang itanong kong nasa kanila ba si inay o wala, hanggang sa nag salita ulit si Grace.
"Bakit ngayon mo lang ito ginawa kuya Jonas? Bakit sa tagal-tagal nang panahon ngayon mo lang ito naisip?" tanong nito kasama ang panunumbat.
Hindi pa rin ako umimik, bagkos hinayaan ko lang siyang sumbatan ako, dahil wala akong karapatan na suwayin siya.
"Alam mo bang matagal na itong gustong marinig ng nanay mo? na sana ay hanapin siya ng kanyang anak?" Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilan ang pagbabadya ng mga luha ko sa mga mata, hanggang sa nakita ko na lang na lumuluha na si Grace, hindi ko na rin napigilan at napaluha na rin ako.
Pinahid ni Grace ang kanyang mga luha ang muling nagsalita.
"Ang pagkakataong ito ay huli na, wala na sa amin si Aling Eda, nag pupumilit itong umalis sa amin at hindi namin alam kung saan ito nag punta," dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
Любовные романыPagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...