🙁Chapter 14🙁

48 10 0
                                    

Grace's POV:

Habang nakasakay ako sa Jeep, hindi ko maiwasang maisip si Aling Eda, kung gaano ito nagpakahirap maglabada para lamang kay kuya Jonas, ngunit, ano ang ginanti nito sa kanya? Wala! Puro lamang pasakit ang natanggap ni Aling Eda galing sa kanya, pero bakit pag sa ibang tao ay ayos naman ito, pero sa amin sa akin kay inay lalong lalo na sa ina nito bakit ang suplado?

Minsan nga naisip ko kung nagkataon na naging tunay kong kapatid itong si Kuya Jonas, naku! makakatikim talaga ito sa 'kin hahaha charos lang, hindi ko pala kaya si Kuya Jonas, malaking tao at sobrang masculine siguroy isang sampal lang nito sa akin makamit ko na ang pinaka himbing kong tulog hahaha....

Iwinaksi ko na lamang lahat ng iyon sa aking isipan, pagkat, meron pa akong dapat pagtuunan ng pansin.

Kinuha ko ang bag ko at dinukot mula sa loob ang libro ni Dr. Jose Rizal, ang Noli me Tángere, kailangan kong mag review, may gagawin kasing pag susulit mamaya ang teacher naming si Ma'am Moralina sa Filipino IV, kaya hayon nga habang nasa biyahe ay nagbabasa ako.

"Bababa ka ba ining?" tanong sa akin ni manong driver, hindi ko namalayan ang paghinto ng jeep na sinasakyan ko.

Itinaas ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko habang nagbabasa, at tiningnan ang paligid, nakita ko ang ibang pasaherong naka tingin din sa akin, tumagos ang tingin ko sa labas ng Jeep at nakita ko na, nasa tapat ng eskwelahan na pala ako.

Namilog ang mga mata ko at mabilis na bumaba sa Jeep. "Ay opo! Sandali lang po, hindi ko namalayan," paliwanag ko sa kanya.

Pagkababa ko'y umikot ako sa may harapan ng Jeep upang iabot kay manong driver ang aking pamasahe, ayaw kong makisuyo doon sa loob dahil ayaw kong makaabala pa. sana tularan ako ng iba d'yan.

"Bayad ho, salamat," sabi ko sabay abot ng pamasahe.

Hindi ko na hinintay pang sumagot si manong driver, kung kaya't dumeretso na ako sa gate ng aming eskwelahan.

Binuksan ko na kaagad ang bag ko bilang pag handa sa bag check na gagawin ni manong guard, habang pumila kasabay ang ibang studyante para hindi na matagalan mamaya kung sa harap pa mismo ng gwardya ko ito bubuksan. Sana tularan ulit.

Pagkapasok ko sa loob ng paaralan dumeretso na kaagad ako sa room namin, kung saan nandoon na ang mga kaibigan ko si Angel at si Mhae silang dalawa ang kabarda ko dito.

"Uy friend, may quiz tayo mamaya sa Filipino nag-aral kaba?" tanong ni Angel habang hawak nito ang libro na Noli me Tángere.

"Kunti lang friend, nakalimutan ko kasi e kaya sa Jeep lang ako nagbasa kanina," marahan kong turan at umupo na sa upuan ko.

"Ako nga rin e, kunti lang, marami kasing trabaho sa bahay, alam n'yo naman, nakitira lang ako sa tyahin ko," sabat ni Mhae na gano'n rin, hawak ang libro na Noli me Tángere.

"Ayos lang 'yan, mamaya pag break sabay tayong mag review," ani ni Angel.

Habang nasa ginta kami ng pag-uusap hindi namin namalayang dumating na pala ang English Teacher namin.

"Good Morning Class!" Bati nito habang papasok ng silid-aralan.

"Good Morning Miss Anna!" sagot naman ng buong klase.

"Okay you may sit down," pagbibigay permiso nito.

"This is just a reminder to everyone, tomorrow will be the deadline for submission of your reflection on the movie we've played last Monday," paalala nito sa buong klase.

Napakamot nalamang ako sa ulo, nang naalala kong may gagawin pala kaming reflection letter doon sa pilikulang pinanood namin, nang nakaraang lunes ang Helen of Troy, hays nakalimutan ko... Mama Mary.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon