🙁Chapter 26🙁

35 8 1
                                    

A/N: Please play the music right up here ☝️ at the multimedia section while reading para damang dama. CTTO

Thank you!

Jonas's POV:

🎶Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay🎶

Rinig ko ang isang mahinang boses ng babae na humehele malapit sa aking tinga at habang hinagod-hagod ang aking buhok.

🎶Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan🎶

Tuloy lang ako sa pakikinig at pilit na inalam kung kaninong boses iyon, napaka ganda, at ang lamig, ang saya lang sa pakiramdam dahil damang-dama ko ang pagmamahal na bigay sa nag mamay-ari ng boses.

🎶Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay🎶

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

🎶Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Ngunit, nang hindi ko malaman at hindi ko maalala kong kaninong boses iyon, pinilit kong ibinuka ang aking mga mata upang alamin, ngunit hindi ko mabuka ang aking mga mata. Kinabahan ako, Ano ang nangyayari?

🎶Sa aking pagtulog na labis ang himbing

Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin🎶

Sa piling ni nanay, langit ay buhay

🎶Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Pilit ko muling iminulat ang aking mga mata ngunit parang may nakaharang na isang bagay, dahilan kung bakit ayaw kong mabuka ang aking mga mata. Nagtataka ako ngunit nanatili pa rin akong nakinig sa patuloy na pag hehele, dahil tila gumaan ang pakiramdam ko at napawi ang kaba ko sa dibdib.

🎶Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay🎶

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

🎵🎶Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Gustong kong tanggalin ang bagay na nakaharang sa aking mga mata, ngunit hindi ko magalaw ang mga kamay ko, gusto ko rin sanang mag salita ngunit walang boses ang mailabas ng aking bibig, gusto ko ng maiyak habang patuloy sa pakikinig sa humihele, ngunit sa pagkakataong ito may kinig na ang boses nito na para bang umiiyak.

🎶Sa aking pagtulog na labis ang himbing

Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin

Sa piling ni nanay, langit ay buhay🎶

Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

🎶Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay🎶

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

🎶Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan.

Natapos ang paghe-hele nito, ngunit hindi ko pa rin nakilala kong sino.

Sumikip bigla ang aking dibdib at hindi ako makahinga, hindi ko maigalaw ang katawan ko.

Nagpupumiglas ako at pilit na ginalaw ang aking katawan hanggang sa...

Bugggsssss!!!! Hahulog ako sa aking hinihigaan, iminulat ko ang mata ko at kinapa ngunit wala namang nakaharang, isa lang pala iyong panaginip.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon