Jonas's POV:
Matapos mag bigay ng instruction ang professor naming si Miss Malnevarro, dinismiss naman kaagad kami nito, pagkatapos ng dismisal nag pa iwan kaming lima sa loob ng silid-aralan upang pag-usapan ang gagawin namin sa aming final requirement.
Matapos naming napag-usapan ang final requirement namin, ako ang napili nilang leader ng grupo, kaya naman, iniisa-isa ko sila ng assignment, Si Julius at Erick ang pupunta sa Bangko upang kumuha ng inpormasyon sa mga dapat alamin, habang si Joseph
naman at si Ivan ang inatasan ko sa pag gawa ng presentation namin, ako naman ang gumawa ng letter of permission para ipapadala muna sa bangko bago sila pumunta upang mag interview, pinapapermahan ko kay Miss Malnevarro ang letter bilang subject teacher at pag sangayon sa aming gagawin.
"O, ayos na ang lahat ha, dapat maging responsable kayo sa mga task na binigay ko," mautoridad kong bilin sa kanila.
"Ayos! Ihahanda na namin ang pwede naming itanong sa bangko," bulalas ni Julius.
"Ayos 'yan, basta pagkatapos n'yo silang e enterview, bigay n'yo kaagad sa amin lahat ng detalye upang masimulan na namin ang pag gawa ng presentation," pagwika naman Ivan.
"Mabuti naman, o sige kita na lang tayo sa lunes," paalam ko sa kanila, sumangayon naman ang mga ito at agad-agad din kaming naghihiwa-hiwalay.
Sa kabilang dako, hindi ko alam, parang hindi ako mapakali, kanina pa ako kinakabahan, kaya naisipan kong umuwi na lang.
Kaagad akong lumabas ng eskwelahan at nag-abang ng masasakyang Jeep. Mabilis rin naman akong nakasakay at nakarating sa amin.
Pagdating ko sa mismong bahay namin, halos mag-aala sais na ng gabi, ngunit pagpasok ko sa loob napansin ko ang dilim, tsaka ang tahimik, sa isip ko'y bakit kaya? Pina ilaw ko ang loob ng bahay, nanibago ako asan ba si Inay? Tanong ko sa isip.
Sinilip ko ang kanyang silid dahil baka natulog, ngunit, labis ang pagtataka ko subalit wala ang Inay sa loob, unang beses itong nangyari na hindi ko nadatnan ang Inay pag-uwi ko, alam ko ay hindi naman ito umalis kanina, dahil sa kung aalis ito, maaga pa lang wala na ito sa bahay, ngunit kanina nang madatnan ko ito e alas nwebe na, kaya napaisip ako na walang lakad si Inay.
Hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit wala ang Inay, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa kanya, pumasok ako ng aking silid upang mag bihis, pagkatapos ay tinungo ko ang kusina, pagdating ko doon ay bumungad sa akin ang mga pagkaing nasa mesa, at sa tingin ko'y kanina pa itong umaga nakahain.
Iba na talaga ang kutob ko, hindi ako mapakali, dahil kapagka ganitong kahit tira lang ang ulam namin, iinitin naman ito ni Inay para mag mukhang bago, ngunit ngayon ay wala.
Umupo ako at kakain na sana, ngunit, hindi ko gusto ang mga nakikita kong naka hain sa mesa, kaya lumabas na lang ako upang maghanap ng p'wede kong kainin sa hapunan.
Lumabas ako ng bahay at tinungo ang tindahan sa may kanto, tamang-tama nag babarbecue sila, nagpapaluto ako ng isang paa ng manok at tsaka anim na pork barbecue.
Habang hinihintay ko ang mga pinapaluto kong barbecue, umupo muna ako saglit sa may bakanting upuan na naka reserve para sa mga customers nila.
Hawak-hawak ko ang aking telepono nang biglang may humintong Jeep sa tapat ng tindahan, nakita ko si Grace na bumaba ngunit hindi naka uniforme pang eskwela, saan kaya ito galing? Tanong ko sa isip, medyo tumagilid ako ng kaunti sa aking pagkaupo upang hindi ako nito mapansin at hayon na nga, hindi naman ito lumingon, nakayuko lang ito habang nag lalakad at tila nag mamadali, yari ka sa nanay mo ngayon! Gabi kanang umuwi!, natawa naman ako sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...