Eda's POV:
Ako ay papaalis na sa palingke matapos naming makapag-usap saglit ng kaibigan kong si Ising.
Alam kong marami ng naisumbong ang kaibigan kong ito sa akin patungkol sa mga pinag gagawa ng anak ko, pero pilit ko itong hindi pinapansin at hindi pinapaniwalaan kahit alam ko sa sarili ko na posible ang lahat ng sinabi ng kaibigan ko sa akin dahil na rin na ipinapakitang ugali ngayon ng anak ko.
Ngunit, hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa, lagi kong pinapanalangin sa maykapal na sana hindi totoo lahat ng isinumbong sa akin ni Ising.
Habang nakasakay ako ng traysikel, may nakita akong isang pamilyar na bagay na naka sabit sa harapang bahagi ng traysikel na laging nagpapa alala sa akin sa nakaraan.
Ang isang rosaryohan.
Ito ang bagay na hinding-hindi ko makakalimutan, bagay na bigay sa akin nang yumao kong asawa na si Lucas.
Binigay ni Lucas sa akin ang rosaryohan noong nasa sinapupunan ko pa lang si Jonas, upang gawing proteksyon ko raw sa sarili at sa aming magiging anak, kaya mula noon tinago ko na ito.
Masasabi kong napaka bait na asawa si Lucas, mapag-alaga sa akin at ramdam na ramdam ko talaga ang pag mamahal na bigay niya sa akin at sa aming anak kahit nasa sinapupunan ko pa lang ito.
Nagkakilala kami ni Lucas sa isang birthday celebration ni Ising. Mahirap lang si Lucas, tanging pag mamaneho lang ng isang malaking truck ang trabaho niya.
Nag-iisang anak si Lucas at Ulila na rin kaya mag isang itinaguyod ang sarili sa buhay,
kaya ito, tanging High School lang ang natapos niya.Ako nama'y pina hinto sa pag-aaral ng mga magulang ko matapos nilang malaman na nabuntis ako ni Lucas, at hindi nila matanggap iyon.
Ngunit mas pinili kong makasama si Lucas naipangako namin sa isa't isa na hindi kami mag hihiwalay sa hirap at ginhawa.
Ngunit isang malaking trahidya ang nangyari sa amin, kabuwanan ko na noon nang mabalitaan ko ang nangyari. Nabangga ang truck na minamaneho ni Lucas kaya ito namatay, para akong sinakloban ng langit at lupa sa aking nabalitaan, halos hindi ko matanggap ang nangyari sa asawa ko.
Paano na lang ako, paano na ang magiging anak namin, paano na ang kinabukasan n'ya at wala s'yang makilalang ama pag laki n'ya, at hindi ko kaya ang palakihin s'yang mag-isa. Mga tanong ko noon sa sarili.
Pagkatapos nang libing ni Lucas kinuha ko ang mga gamit niya upang iligpit at itago, ngunit may nakita akong isang bagay.
Isang titulo ng lupa at may nakalagay na 600sqm, maliit lang, ngunit, napa luha ako dahil kahit wala na s'ya, mayroon pa pala siyang naipa habilin para sa amin, at ito ang gagamitin ko para sa kinabukasan ng anak namin.
Pilit kong tinatagan ang sarili ko noon, pinilit akong lumaban alang-alang sa anak ko, sa anak namin ni Lucas.
Matapos kong maipanganak si Jonas, tumanggap ako ng mga nag papalabada, hindi ako puweding kumuha ng ibang trabaho dahil hindi pwede maiwan ang anak ko dahil maliit pa lamang ito.
Tanging pag lalabada lamang ang puwede kong gawin, pagkat puwede ko itong dalhin sa bahay upang doon labhan, para naman mabantayan ko ang aking anak.
Nasa gitna ako ng pagbabalik-tanaw sa malungkot kong nakaraan, nang biglang nag salita si Andong, ang tricycle driver na sinasakyan ko ngayon.
"Aling Eda parang malalim yata ang inisip n'yo d'yan," anito. "Ah wala eto Andong, may na alala lang ako," tanging sagot ko.
"Okay po kung ganoon, saan ko ba kayo iba baba?" tanong niya. "D'yan sa may kanto na lang Andong," sabay turo ko sa may kanto na aking kadalasang binababaan.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomantizmPagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...