Jonas's POV:
Nagising ako ng madaling araw mula ng makatulog ako kanina pagkatapos naming mag siping ni Celistina, idlip lang sana pero parang napasarap, kaya hayon tuluyang nakatulog.
Inikot ko ang aking paningin sa loob ng silid na ito, subalit wala na si Celistina, tanging limang libong peso na lamang ang nakita ko na katabi ko sa pagtulog, umalis na pala ito at hindi na ako ginising.
Alas dos na ng madaling araw nang tiningnan ko ang aking relo sa kamay, naisipan kong hintayin na lang mag liwanag kung kaya't sigurado akong wala ng sasakyan ngayon pauwi sa amin, kaya tinuloy ko na lamang ang pagtulog para sulitin ang biyente kuwatro oras na ibinayad ni Celistina kanina.
Alas otso na ng umaga ako nagising buhat kaninang madaling araw, napabigwas ako ng bango nang maisip kong biyernes pala ngayon, at may pasok ako mamayang alas nwebe.
Shit! Napamura ako sa sarili at dali-daling kinuha ang mga damit ko at agad nagbihis.
Lumabas ako sa kuwarto at dumaan sa may front desk upang mag check out.
"Good morning sir!" bati ng isang empleyado na naasign sa front desk, tumango lamang ako at inabot ang susi sa kanya at mabilis na tumalikod.
"Salamat po sir!" habol pa nito ngunit, hindi ko na ito tinugon at tuluyan na akong humakbang palabas ng Inn.
Nang nasa labas na ako, hinanap ko si Peter, ang guwardya kagabi, ngunit ibang guwardya na ang nadatnan ko.
"Good Moring chief! Asan na po si Peter?" bati ko sabay tanong.
"Good morning din ho sir!, naka uwi na si Peter kanina pa tapos ang Shift n'ya," hayag nito.
Tumango na lamang ako, sigurado akong sisingilin ako niyon sa porsyento niya sa susunod kung balik dito.
Tinahak ko na ang maliit na eskinita papalabas sa Inn na ito, at nag-abang ng masasakyan, agad din naman akong nakasakay, sapagkat hindi puno ang mga Jeep na dumadaan, dahil maaga pa naman.
Nakarating ako sa bahay Saktong alas nwebe na ng umaga, at alam ko, late na ako sa unang subject ko, pagkapasok ko ng pinto nasulyapan ko si Inay na naka tayo sa may pinto sa aming kusina, ngunit hindi ko ito nilingon, bagkos nagkunwari akong hindi ito nakikita, at dali-dali akong pumasok sa loob ng aking silid upang kumuha ng mga gamit pang ligo tsaka lumabas ulit, napansin ko pa rin ang Inay na hind umalis sa kinatatayuan nito kanina, ngunit gano'n pa rin, nagkunwari akong hindi siya nakita, at mabilis na tinungo ang banyo.
Matapos kong maligo, agad naman akong nagbihis at tsaka umalis, hindi ko na napansin ang Inay kung saan ito, ngunit kanina'y medyo may nagbago kay Inay, tila matamlay ito tsaka parang walang kabuhay-buhay, sapagkat tuwing nakikita ako nito ay lage ako nitong kinukulit, nakapagtataka lang may sakit kaya ang inay? Tanong ko sa isip, pero bahala na sya.
Iwinaksi ko na ito sa aking isipan at tinungo ko na ulit ang kanto kung saan ako mag-aabang ng masasakyan
Kaagad naman akong nakasakay at wala pang trenta minuto narating ko na ang eskwelahan, pagkapasok ko ng gate nakita ko si Joseph na nakaupo sa may lobby ng school, hindi niya ako napansin kaya, agad ko na lang itong nilapitan.
"Pare anong ginagawa mo dito ba't hindi ka pumasok sa klase?" Napalingon siya sa 'kin.
"O! ikaw pala," anito at tila naman nagulat siya sa presensya ko. "Ahh... 30 minutes late na kasi ako, natagalan kasi ng gising kanina," sampling paliwanag nito habang pina ikot-ikot ang key chain ng susi sa kanyang motorsiklo.
"E ikaw, ba't ka late?" balik tanong nito sa akin.
"Ahh... nahuli din ako sa gising e!" pagsisinungaling ko nang may pakamot pa sa ulo.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...