Eda's POV:
Ilang araw rin akong namalagi dito sa Ospital, ngunit hindi man lang ako dinalaw ng anak ko, nakakasama lang ng loob na ang sarili mong anak ay parang walang pakialam sayo, at hindi ko lubos maisip kong bakit niya iyon nagawa.
Mabuti na lang at nandito ang mag-inang Ising at Grace na tumulong sa akin, sila ang gumagawa ng lahat, umaasikaso ng mga dapat asikasuhin gaya ng pagbili ng mga gamot na nirisita ng Doctor, mayroon naman daw libreng gamot sa sakit ko ngunit kailangan pa rin ng proseso upang makakuha nito, sila na rin ang kumausap sa napag sanglahan ko ng lupa ni Lucas upang humingi ng dagdag para pang bayad dito sa Ospital, ibinigay ko na lang ang address kung saan ito pwedeng puntahan.
Ngayon na ang araw ng paglabas ko basi sa payo ng Doctor, inaasahan ko pa rin ang anak kong dumalaw sa akin, ngunit hapon na lamang at wala pa rin si Jonas, nawalan na ako ng pag-asa pa. masakit sa loob pero wala na akong magagawa.
Sa oras na ito, hinihintay ko na lamang si Ising galing sa Cashier nitong Ospital para mag bayad sa bill ko, inayos ko na lamang ang mga dapat kong dalhin pa uwi.
Ilang sandali pa'y dumating na si Ising at kasama na nito si Grace.
"O Eda, naka handa kana ba?" nakangiting tanong ni Ising.
"Ah... Oo Ising, kanina pa,"nakangiti kong pahayag. "Mabuti naman kung ganon," aniya at sinumulan na ang pagliligpit sa mga natitirang gamit namin.
"Ah... Aling Eda, hintayin daw po muna natin ang Doctor mo bago tayo umalis," pag sabat ni Grace. Tumango na lamang ako bilang pag tugon.
"Anak, e double-check mo d'yan kung may naiwan pa tayo," utos ni Ising sa kay Grace, at siyang mabilis namang ginawa ng dalaga.
"Ayos na po lahat Inay," anito nang makitang naka handa na ang lahat.
"Mabuti naman kung ganon, Eda sa bahay kana muna tumuloy," bulalas ni Ising. Nagtataka naman ako kung bakit.
"Bakit Ising? Pwede naman sigurong sa bahay na lang ako," sabi ko. Ngunit umiling si Ising.
"Hindi! Sa bahay ka na tutuloy hanggang sa bumalik na ng lubusan ang lakas mo," mautoridad nitong wika habang inaayos pa ang mga gamit namin.
"Ising, makakaabala lang ako sa inyo," pag tanggi ko, ngunit mapilit si Ising, at iginiit nito na sa kanila na muna ako tutuloy. Bahagya siyang lumingon sa gawi ko.
"Eda..., hindi ka nakakaabala sa 'min, isa kana sa pamilya namin, kung si Jonas ang inaalala mo ay nakausap ko na s'ya at pumayag naman ito, kaya huwag kanang tumangi pa," bulalas nito at muling bumalik sa ginagawa.
"Pero Ising—." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binara na ako ni Ising. Tuluyan na siyang lumingon sa 'kin at tiningnan ako sa mata, nakita ko naman sa mga mata nito ang totoong pagmamalasakit.
"Wala nang pero-pero pa Eda, kailangan mo kami at tulungan ka namin," paggiit niya, at maya-maya ay ngumiti ito.
"Oo nga po Aling Eda, hindi pa po kayo pwedeng mag pagod, kaya kami na muna ang bahala sa 'yo," sabat ni Grace na kanina pa nakikinig sa 'min ng kanyang ina.
Hindi na ako nakatangi pa dahil mapilit talaga ang mag-inang ito, kaya hindi ko napigilan ang pagbabadya ng mga luha ko sa mata, hanggang sa tuluyan na akong napaluha, luha ng ligaya at tuwa dahil sa pagmamalasakit nila sa 'kin.
"O, Ano ba iyan Eda? Bakit ka umiyak?" pagtataka ni Ising at mabilis akong nilapitan.
"Hindi ko alam kung hanggang kalian ako magpapasalamat sa kabaitan ninyo," mangiyak-ngiyak kong wika.
"Hays, huwag mo ng isipin 'yon, pamilya ka na namin," anito at niyakap ako at hinagod-hagod ang likod ko.
Sa kabilang dako'y napasulyap ako kay Grace na napapahid sa kanyang mga luha, nadala siguro sa pag-iyak ko. Tinigil ko na ang aking pagda-drama at humiwalay mula sa pagkayakap ni Ising, at nagbitaw ng isang malawak na ngiti.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
Roman d'amourPagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...