Ising's POV:
Huwebes ng gabi, nagulantang ako sa ibinalita ng anak kong si Grace.
Hindi ako lubos makapaniwala sa ginagawa ni Jonas, tila naging scort ito sa pagkaka-intindi ko para lamang sa mga luho niya at sa ambisyon.
Habang nasa higaan ako kasama ang asawa kong si Cardo, naikuwento ko sa kanya ang mga ikiniwento ni Grace sa akin kanina patungkol sa mga pinagagawa ni Jonas.
"Ising, bayaan n'yo na si Jonas, bakit ba palagi n'yo na lang siyang binabantayan at sinusundan? Nagmumukha tuloy kayong mga tsismosa," pag suway sa akin ng asawa ko. Bumangon ako at umupo sa gilid ng aming kama at deretsong tumingin sa bintana.
"Hindi naman sa pagiging tsismosa Cardo, tinulungan lang namin si Eda na bantayan ang anak n'ya," depensa ko sa 'min ng anak ko.
"Sabihin na nating gano'n, o tapos, kahit anong sumbong n'yo hindi naman maniwala si Eda!" giit pa nito.
Sa isip ko'y, oo nga, hindi rin naman kami pinaniwalaan ni Eda, pero kahit ayaw maniwala sa 'min ni Eda, gusto ko pa rin itong ibalita sa kanya ang natuklasan ko, alam ko duda na rin iyang kaibigan ko, imposoble namang hindi niya nahalata sa kilos ng anak n'ya. Kaya naisipan kong puntahan ito bukas.
"Ewan ko ba talaga d'yan sa Bestfriend ko, kahit anong payo ko, kahit anong sumbong ko, si Jonas pa rin ang tama!"
"Bakit pa kasi hindi na lang ipaalam ni Eda ang totoo sa anak n'ya, para naman malaman nito kung gaano kalaki ang utang na loob nito sa kanyang ina, at kung papano ang ginawang sakripisyo nito para sa kanya," suhestiyon ng asawa ko. Mula sa bintana, nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Matagal ko na ngang suhestiyon iyan, kaso itong si Eda, hindi pa raw ito ang tamang panahon," lahad ko.
"E, kailan pa? Pag patay na s'ya?" bulalas ni Cardo.
"Hoy!, huwag ka namang ganyan," pagsuway ko sa kanya at binato ito ng unan.
"Sige na, matulog na tayo, 'wag na natin silang pag-usapan," aya nito habang inayos ang kumot.
Hindi na ako sumagot pa sa asawa ko, kaya ang ginawa ko ay muling tumabi sa kanya, at pinikit na lamang ang aking mga mata, at hinihintay ang dalawin ako ng antok.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga, bumangon ako at naghanda para sa pagpasok ng asawa ko sa trabaho at sa mga anak ko sa eskwela, mag-aala sais na nang matapos ako sa pagluluto, puntahan ko na sana ang asawa ko upang gisingin, ngunit, kanina pa pala ito gising tsaka nakaligo na rin, nauna na itong kumain dahil kailangan nito umalis ng maaga.
Pinuntahan ko ang mga anak ko sa kanya-kanya nilang silid, at agad rin naman itong nag si bangon, himala ngayon, hindi nagtatalo kung sino ang mauna sa banyo.
Pagkatapos ng mga itong magbihis, dumeretso na sila sa kusina upang kumain ng almusal.
"Nay tapos na po ako," sambit ni Jonex habang binitbit ang plato at nilagay sa lababo.
"Wow! Nag d'yeta ang bakla!" pang-aasar ni Grace. Nakita ko naman ang pag-ismid ni Jonex.
"Mainam na 'yan, para ma-maintain ko ang kagandahan ko!" sagot naman ni Jonex at pinitik ang buhok kahit hindi naman mahaba.
Nakita ko namang medyo napikon si Grace at sasagot na rin sana, kaya agad ko na itong pinigilan.
"Tsss, tama na 'yan!, 'yan na naman pagtatalunan n'yo!, o Jonex baon mo!" saway ko sa kanila habang inabot kay Jonex ang 50 pesos na baon niya.
"Salamat nay," saad naman nito at kinuha sa kamay ko ang pera, kitang-kita ko pang inismiran nito ang ate n'ya bago umalis, hay naku talaga....
"Ako din po 'nay tapos na," sambit ni Grace at tumayo bitbit ang pinagkainan papuntang lababo, sa tingin ko'y nawalan ito ng gana, dahil tila naiba ang awra sa mukha nito. Ngunit pinaalalahanan ko siya.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...