Jonas's POV:
Araw ng sabado, wala akong trabaho at ang asawa ko, kaya mas minabuti kong dumito na lang sa bahay upang makasama sila ng anak ko.
Nasa living room ako habang nagbabasa ng mga balita newspaper nang biglang lumapit sa akin ang asawa ko.
"Hon, I'll cook for you mamaya for lunch, anong gusto mong ulam?" paglambing sa akin ng misis ko habang naka akap sa 'kin mula sa aking likod.
"It's up to you hon, kahit ano pa lulutuin mo perfect 'yan sa akin," tugon ko at nilingon siya kasama ang matatamis na mga ngiti. Sumilay ang mga matatamis ring ngiti ng asawa ko.
"Okay, alam kong magugustuhan mo 'to," aniya at hinalikan ako sa pisngi bago umalis at humakbang patungo sa kusina.
Tinuloy ko ang pagbabasa ng mga balita, nabasa ko ang mga samot-saring problema ng bansa, lalong-lalo na sa mga project ng gobyerno, napabuntong hininga na lang ako at napailing.
Papaano kaya ito maresulba kung halos lahat ng may posisyon sa gobyerno ay mga kurap.
"Daddy, can I play this!" rinig kong tawag ng anak ko mula sa aking likod.
Binaba ko ang hawak na newspaper at nilingon ang anak ko, nakita ko sa kamay niya ang laruang gusto niyang laruin, ang laruan na bigay sa kanya ni inay, hindi ko man nakitang si inay ang nag bigay nito sa kanya. Ngunit, batid ng puso ko na totoong si inay iyon, dahil akin ang laruang iyon no'ng bata pa ako, at hindi ako maaaring magkamali.
"Yes Anak, come give me, I'll teach you how," sabi ko sa aking anak. Mabilis naman siyang lumapit at agad n'ya itong inabot sa 'kin.
Ang laruang ito ay isang maliit na auto-autohan na gawa sa kahoy, mayroon ding apat na gulong upang makatakbo ito, maganda s'ya tingnan dahil sa varnish nito, pinapagawa talaga ito ng inay kay Mang Agustin noon para sa akin.
Alam kong nanibago ang anak ko sa laruang ito, kaya hindi n'ya alam kung paano ito laruin. Pagkat, hindi ito kagaya ng ibang laruang binili ko para sa kanya na de remote lahat.
Tumayo ako para mag hanap ng maliit na tali upang gamiting pang hatak sa laruan para maka takbo.
"Baby wait here okay, I'll get something," bilin ko sa aking anak, at tumango lang ito bilang pag tugon.
Agad kong pinuntahan si Manang Carmen sa, isa sa mga kasambahay namin upang magtanong kung may naitago ba itong pang tali kahit maliit lang, kasalukuyan kasi itong nasa bodega dito sa likod ng aming bahay.
Naabutan ko siyang katatapos lang sa paglilinis sa loob ng bodega.
"Manang may naitago ka ba d'yang tali kahit maliit lang o kaya'y tiebox?" tanong ko mula sa kanyang likod, kasalukuyan na niya ngayong enilock ang pinto ng bodega. Agad siyang napalingon sa 'kin.
"Ay sir! Kayo po pala. Naku! Wala eh, pero saglit lang, 'yong hardenero nating si Pronyo baka meron, saglit lang sir tawagin ko muna," aniya at aakmang umalis sa harapan ko. Ngunit, saktong-sakto at nakita ni Manang Carmen si Mang Pronyo na papadaan kaya tinawag n'ya na lang ito.
"Uy Pronyo! Halika ka nga muna!" pagtawag niya kay Mang Pronyo. Napalingon si Mang Pronyo sa gawi namin.
"Bakit Carmen?" tugon nito, at nang makita ako nito'y agad naman itong bumati.
"Magandang umaga Sir!" aniya, habang papalapit sa 'min, tinanguan ko lang sya bilang tugon.
"Saan kana naman ba galing? Siguro'y sinilip-silip mo na naman 'yang biyuda nating kapitbahay na si Crising d'yan no? Naku! Pronyo huwag munang ipagkaila pa," bulalas ni Manang Carmen,
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...