Grace's POV:
Labis-labis ang galit at inis ko nang ibalita sa 'kin ni Jose ang nangyari kina Aling Eda at Kuya Jonas.
Gigil na gigil ako pagkat alam ko na si Kuya Jonas ang dahilan kung bakit umalis si Aling Eda sa bahay at umuwi sa kanila, ngunit ganito lang pala ang ginawa ni Kuya Jonas, sinaktan lamang niyang muli si Aling Eda.
Hindi ako mapakali, gusto kong sugurin si kuya Jonas, kung kaya ay pinuntahan namin siya sa kanilang building.
Ayon na nga ang nangyari at nagkasagutan kami, ipinamukha ko sa kanya lahat ng kasamaang ginawa niya sa kanyang Ina, ngunit imbis na tumahimik ay, pinagalitan pa ako, pinangalanan pa kami ni Inay na mga chismosa at paki alamira sa kanyang buhay.
Bweset na bweset talaga ako sa walang hiyang Jonas na yon! Gusto-gusto ko siyang bugbugin at patayin kung pwede pa lang sana, ngunit alam kong mali ang nasa isip ko kaya tanging pag buntong-hininga na lang ang aking nagawa.
"Kumalma ka nga, para kang ano dyan," saway ni Jose sa 'kin. Hindi ko mapigilang mapaluha sa inis ko kay Kuya Jonas.
"Naiinis lang talaga ako!" bulalas ko habang pinahid ang mga luha ko sa mga mata. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Jose kaya napasulyap ako sa kanya.
"Hindi ko lubos akalain na may mga nangyayari pa lang ganyang kina Aling Eda at Kuya Jonas, akala ko'y maayos lang sila at masayang magkasama bilang mag-ina, ngunit mali pala," may lungkot na pagwika nito.
"Pati ako ay hindi ko rin lubos maisip, gayong kitang-kita ko naman kung gaano ka mahal ni Aling Eda ang anak n'ya," sabi ko at muling napabuntong-hininga.
Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa may study area ng school, habang hinihintay ang susunod na klase, nang may biglang lumapit sa amin ni Jose.
"Ah... excuse me," pagkuha niya sa atensyon namin. Sabay kami na lumingon ni Jose.
"Hi! Ako pala si Julius, kaibigan ni Jonas," pagpakilala nito sa sarili, tiningnan ko lang ang lalaki.
"Bakit?" tanong ko at bahagyang efli-nip ang aking buhok.
"Umm... nakita ko kasi kayo kanina na parang nagkakasagutan, tinanong ko siya, at ang sabi niya ay nag banggan lang daw kayo, pasensya kana ha, mainit lang kasi ang ulo ng kaibigan ko, dahil may problema ang mga magulang niya," pahayag nito.
Tila na curious ako sa sinabi nito, kaya sinakyan ko na lang.
"Ah... oo, bweset kasi 'yang kaibigan mo, hindi tumitingin sa dinadaanan," pag sakay ko sa kanyang sinabi.
"Ulit po, ako na ang hihingi ng paumanhin para sa kanya," anito, ngunit parang may nag-udyok sa 'kin na palawakin pa an gaming pag-uusap.
"Bakit ba kasi? Ano ba ang problema niyang kaibigan mo?" tanong ko kasama tila naiinis kuno na mukha, sa isip ko'y ngayon ko malalaman ang sekreto mo Jonas! Kaya humanda ka.
"E kasi... may problema ang pamilya niya, nag-away daw ang mommy at daddy n'ya," bunyag nito.
Namilog ang aking mga mata, nagulat ako sa aking narinig kaya siniko ko si Jose na nasa aking gilid na nakikinig lamang at nagulat din, anong mommy? Anong Daddy ang pinagsasabi nito, mas lalo akong naguluhan kaya mas sinakyan ko pa ang kanyang mga sinasabi.
"Ah..., gano'n ba, kawawa naman," pagbigay ko ng simpatya, ngunit sa loob-loob ko'y naro'n ang pagdududa.
"Oo talagang nakakaawa, ewan ko ba kung bakit kapagka anak mayaman mas problemado eh marami naman silang pera, ano pa ba ang pinoproblema nila," dugtong pa nito na mas lalo pang nagpagulat sa 'kin at kay Jose.
Bigla naman akong nabulunan sa sarili kong laway dahil sa aking narinig, paubo-ubo ako habang hinagod-hagod naman ni Jose ang likod ko.
"Hoy! Umayos ka d'yan," saway ni Jose.
"Okay ka lang ba Miss?" tanong nitong nag pakilalang si Julius.
Nang makabawi at medyo maayos na ang lalamunan ko, doon pa ako muling nagsalita.
"A-Anak mayaman ba kamo?" pag klaro ko. Tumango naman siya.
"Oo, mayaman ang mga magulang ni pareng Jonas, at kaya ito umaarkila ng apartment ngayon dahil ayaw daw muna nitong umuwi sa kanila, dahil nga hindi pa nagkakaayos ang mga magulang niya," bunyag nito.
Ngayon, nakumperma kong nag papanggap lang si Kuya Jonas, ang kapal ng mukha! May pa mommy at Daddy pa! E kung e boko ko na kaya ito, pero hindi puwede, baka kung ano pang gagawin sa akin ni Kuya Jonas, tanging kami ni Jose lamang muna ang nakaka alam nito.
"O Sige, aalis na ako ha, pag pasensyahan mo na ulit ang kaibigan ko," sambit ni Julius.
"Ah... ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong nito. Mabilis rin naman akong tumugon.
"Grace, Grace ang pangalan ko, at ito naman si Jose, kaibigan ko," may ngiti kong sagot.
"Ah..., sige Grace at Jose mauna na ako sa inyo," anito at tuluyan ng umalis palayo sa 'min.
Nang makalayo na si Julius, nag tinginan kami ni Jose at alam ko na pareho ang nasa isip namin.
"Hindi ko iyon lubos maisip Grace!" anito na bakas pa rin ang gulat sa mukha niya. Napailing naman ako.
"Ako nga rin, kaya pala...! Ikinahihiya n'ya ang nanay nya, dahil sa kasinungalingan n'ya!" ako at muling tumingin kay Jose.
Nandito pa rin kami sa study area at patuloy napinag-uusapan ang mga natuklasan namin, hanggang sa narinig na namin ang bellna hudyat sa susunod na klase, agad naman kaming tumayo at tinigil angpag-uusap, at nagsimulang lumakad papunta sa aming silid aralan.
🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺
*****************************************
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...