Eda's POV:
Mag-aalas singko y medya na ng gabi ako nakarating sa bahay namin buhat sa aking paglalaba kina Ma'am Maricel, medyo hindi ako napagod sapagkat tinulungan ako ng anak nitong si Mich, isang napaka bait na bata, tanging likod ko lamang ang sumakit pero hindi ko ipinahalata ito kanina sa kanya upang hindi ito mag-alala.
Sa kusina ako ng bahay dumeritso upang ilapag ang dinala kong ulam na pinabaon sa akin ni Mich, balak ko kasi itong initin upang maging ulam namin sa haponan ngayong gabi.
Tinungo ko na muna ang aking silid upang magbihis, at nang naisipan kong silipin ang anak ko sa kanyang kuwarto, pagkasilip ko'y nandoon nga ito at mahimbing na nakatulog at may mga gamit sa eskwela itong katabi, sa tingin ko'y napagod ito sa kakaaral kung kaya't nakatulog, kaya mas minabuti ko na lang munang hindi siya ginising.
Matapos kong magbihis eksakto magaaala sais na ng gabi, tinungo ko ulit ang kusina upang simulan ng initin ang mga pagkain kong dala, dahil maya-maya lang ay baka magising na ang anak ko.
Nang medyo malapit ng matapos ang ginagawa ko, may napansin akong tila nagmamasid sa ginagawa ko, nakita ko sa gilid ng aking mata ang anak kong nakatingin lang sa ginawa ko, hinayaan ko lamang siyang pagmadan ako, siya lang pala, sabi ko sa isip, ngunit nang makita ko itong humakbang paalis ay agad ko itong tinawag.
"O, anak gising kana pala," bulalas ko.
Hindi siya umimik, nilingon niya lamang ako at isang walang ka gana-ganang tingin lamang ang tinugon niya sa 'kin, para akong nahiya sa sarili nang hindi niya ako pinansin.
At nang muli siyang nagtangkang umalis, bigla akong nagsalita ng patakbo papunta sa kanya.
"Anak! Saglit lang, halika muna dito," aniko sabay hablot sa kamay niya at aakma hilain papunta sa kusina.
"Kakain na tayo, halika sabayan mo ako," masaya kong alok sa anak ko, ngunit, tila nainis siya sa sinabi ko, at biglang hinablot mula sa kamay ko ang kamay niya, napalunok ako at nakatingin lamang sa kanya at hindi alam ang sasabihin.
"Hindi na! Aalis rin naman ako!" pag tanggi nito. Labis ang pagkadismaya ko sa tinuran ng anak ko, tila dinurog ang puso ko sa sobrang pagkadismaya.
"Anak, minsan na nga lang tayong may pagkakataong magkasabay na kumain, aalis ka pa," sambit ko at sinubukang mag mamakaawa, ngunit wala, bagkos, kumunot lamang ang noo niya.
"Kumain kana lang d'yan, huwag mo na akong intindihin!" walang gana nitong tugon sabay talikod sa akin.
"Anak saan ka pupunta?" habol kong tanong, ngunit patuloy lang itong naglalakad paalis papunta sa kanyang silid at hindi na ako nilingon.
Napaupo na lang ako sa upuan dito sa kusina, nakayuko at iniisip ang mga nangyari. "Jonas, bakit ka nagkaka ganyan?" bulong ko sa hangin at mapigilan ang pagbabadya ng mga luha sa mata.
Tumayo ako at mabilis na pinigilan ang pagluha, inaliw ko na lamang ang aking sarili na mag walis sa aming kusina.
Ilang minuto ang lumipas, napansin ko ang paglabas ng anak ko mula sa kanyang silid, pustorang-pustora at tila may lakad.
Nag-abot an gaming mga tingin, kaya napatanong akong muli. "Anak, hindi kana ba talaga kakain?" kumunot na naman ang kanyang noo.
"Hindi na nga diba! Kailangan ko pa bang ulitin?" masungit nitong sagot sa akin.
Natahimik ako bigla at hindi na lang nagsalita, bagkos, inayudahan na lang ito sa kanyang pag-alis.
"Sige, mag ingat ka anak," bilin ko sa kanya.
Hindi na s'ya lumingo, at tuluyan na itong lumabas ng bahay.
Sinundan ko pa ito hanggang sa may pintuan, tanaw ko pa rin itong papalabas ng may eskinita papuntang kanto na kung saan kadalasan kaming mag-aabang ng masasakyan.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...