🙁Chapter 3🙁

82 16 3
                                    

Eda's POV:

Habang ako'y papaalis sa bahay nina Ma'am Betty, naisipan kong mag luto ng masarap ngayong hapunan para sa anak ko, upang maka bawi man lang sa kanya kanina.

Pagdating ko ng bahay, kinuha ko kaagad ang bayong na ginagamit ko sa pamamalingke, at pumunta sa may mga traysikel kung saan ang sakayan papuntang palingke, balak kong ipagluto ang anak ko ng paborito niyang kare-kare.

Napangiti na lang ako sa aking isipan, at excited akong mag luto para sa anak ko.

Habang papalapit ako sa mga traysikel nakita ko kaagad si Tomas na nakangiti.

Si Tomas ay isang traysikel driver na kababata ng anak kong si Jonas, medyo matured lang ito tingnan dahil sa katatrabaho, ikaw ba naman ang mamasada sa init at ulan.

"Aling Eda, mamalingke po ba kayo?" tanong ni Tomas habang nakasakay sa motor ng kanyang traysikel.

"Ah oo Tomas," tangi kong tugon.

"Sige po aling Eda, sakay na po kayo," alok nito at mabilis na pinaandar ang motor ng kanyang traysikel.

Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng kanyang traysikel at sinabi sa kanya kung saan banda sa palingke ako magpapahatid.

"Ah Tomas, pag dating natin sa palingke, sa may bandang gulayan mo nalang ako e baba ha, alam mo naman malaki 'yong palingke natin."

Ngumiti naman si Tomas. "Wala pong problema Aling Eda," anito.

"Ay mukhang may lulutuin po kayo aling Eda ah," panghula nito.

"Ah oo, ipagluluto ko ang anak ko ng paborito niyang kare-kare," sagot ko na may ngiti sa mga labi.

"Naku! Ang swerte naman po nang anak n'yo Aling Eda," may kahulugan niyang ani.

"Ay, oo naman," nakangiti kong tugon.

"E ikaw ba Tomas? Hindi kana ba nag-aaral? parang kaidad mo lang 'yong anak ko ah," tanong ko sa kanya. Dati kasi akala ko, part-time lang niya ang pamamasada ngunit ngayon palagi ko na siyang nakikita dito kasama ang ibang traysikel drayber.

"Aling Eda, gustong-gusto ko po mag-aral, pangarap ko po na maging isang guro, ngunit, kailangan ko munang huminto, alam n'yo na... kapos sa pera at hirap sa buhay, kaya ito na muna ako ngayon, nagta-traysikel driver na lang muna," paliwanag nito.

Isa pa, pina una ko na muna 'yung kapatid kong babae, dalawang taon na lang, matatapos na rin siya sa koleheyo," patuloy nito.

"Nagpapasalamat nga ako at nakakuha siya ng scholar, kaya wala na akong babayarang tuition niya bawat simester, simula kasi no'ng nawala na ang Lolo at Lola namin ako na ang tumayong nanay at tatay ng kapatid ko, kaya ang kinikita ko bilang isang tricycle driver ay iniipon ko, at ito ang ginagamit namin para sa allowance n'ya, at sa mga pangangailangan namin sa bahay," dagdag pa ni Tomas. Tila naman nadurog ang puso ko sa ikini-kuwento ni Tomas.

"Naku Tomas, hayaan mo, ipagdadasal ko na makakabalik kana sa pag aaral mo, lakasan mo lang 'yang loob mo, at manalig ka lagi sa panginoon," sabi ko sa kanya.

"Salamat Aling Eda, ang bait n'yo po, talagang maswerte sa 'yo si Jonas at ikaw ang naging nanay n'ya," naka ngiti niyang sambit. Tinugon ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti.

"Mabuti pa si Jonas naranasan n'yang maalagaan ng nanay," tila may kahulugan nitong pagwika. Ako nama'y nagtataka kung bakit n'ya nasabi ang mga katagang iyon.

"E Tomas, kung hindi mo mamasamain, matanong ko lang, nasaan naba pala ang nanay mo?" tanong ko sa kanya. Hindi kaagad naka sagot si Tomas, at dumaan muna ang iilang Segundo bago ito nagsalita.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon