🙁Chapter 32🙁

22 6 0
                                    

Jonas POV:

Halos ilang buwan na rin ang nakalipas buhat ng iwan ko ang Inay at ang bahay, wala na rin akong balita sa kanya, nagmistula na talagang nag-iisa na lang ako sa buhay, sa isip ko ay, ayos na iyon pagkat hindi na ako mag-alala pang makita ito ng mga kaibigan ko.

Ilang buwan na lang rin ang hihintayin at ga-graduate na ako kasama ng mga kaibigan ko, ang saya ng pakiramdam ko at dahil matatapos na ako, at makapagsimula na naman sa bagong yugto ng aking buhay.

Sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang tumunog ang aking telepono mula sa ibabaw ng lamesitang malapit sa aking kama.

Hindi ako bumangon at kinapa lamang ito, nang makuha ko'y tiningnan ko kung sino ang tumawag, nakita ko ang pangalan ng kaibigan kong si Joseph na naka rehestro sa screen.

"Helo pare anong atin?" tanong ko matapos sagutin ang tawag.

"Pare sa susunod na linggo na pala ang deployment natin sa internship, may uniform kana ba?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Oo meron na, kayo?" tanong ko kasabay ang pagbangon, tila hindi kasi ako komportable na may kausap sa telepono nang nakahiga. Umupo ako sa gilid ng aking kama at nakinig sa tinuran ng kaibigan kong nasa kabilang linya.

"Meron na rin kaso, kukunin pa sa pina patahian namin," hayag nito.

"Ayos na 'yan basta naka handa na," sabi ko at patango-tango.

"Okay sige, kita na lang tayo sa eskwelahan mamaya," aniya at mabilis na pinutol ang tawag.

Tinapon ko ang aking telepono sa ibabaw ng aking unan, at tiningnan ang oras sa suot kong relo.

Alas tres na pala ng hapon, kaya nag handa na ako upang pumasok sa eskwela, pagkatapos kong ihanda lahat, tinungo ko na ang eskwelahan at doon hinintay ang mga kaibigan ko.

Nasa silid-aralan ako ngayon habang hinihintay ang mga kaibigan ko at habang wala pa sila'y ginawa ko na muna ang ibang reports ko para sa iba pang subjects, hanggang sa nagsipag datingan na ang mga ito.

Simula nang naging graduating student na kaming lahat, naging responsable na kami sa aming pag-aaral, bihera na lang ang galaan namin, mas tutok na kami ngayon sa pag-aaral, kasi baka mabagsak pa kami na s'yang dahilan at hindi kami maka graduate.

Ang alam nila'y nasa apartment pa rin ako, dahil nga hindi pa nagkakaayos ang pamilya ko, pero hindi nila alam na umalis na ako ng tuluyan sa bahay at iniwan na ang nanay ko, at ang mga sugar mama ko na lang ang bumuhay sa akin ngayon.

"Uy! mamaya na 'yan, kakain na muna tayo," pag-aya ni Erick habang hinimas-himas ang t'yan upang ipaalam sa amin na nagugutom siya. Sumang-ayon naman itong si Ivan.

"Oo nga, gutom na rin ako!" dagdag nito.

"Tayo na!" pang-aapura ni Erick, habang si Joseph at Julius ay sininyasan lamang ako na humayo na.

Agad kong niligpit ang mga gamit ko at inilagay sa aking bag, tsaka tumayo at sumama sa kanila.

Nasa canteen na kami upang kumain, nag-order kami ng mga nagustuhan naming pagkain at naghanap ng puwestong mauupuan, sa may dulo banda ng canteen kami naka hanap na sakto sa aming lima.

Habang kumakain, iksaktong nahagilap ng mga mata ko ang pagpasok nina Grace at Jose dito sa loob ng canteen, nagulat ako, at napa isip kung bakit nandito ang mga ito, gayong ang layo-layo ng 1st year building, nag-aksaya lang talaga sila ng iilang minutong paglalakad para dito lang kumain? Nakapagtataka.

May bigla namang nabuong ideya mula sa aking isipan, tila may ibang agenda ang dalawang ito sa pag punta nila dito.

Huli na nang maalis ko ang tingin sa kanila, nag-abot na ang tingin naming tatlo, at hindi makatakas sa 'kin ang kakaibang ngiti ni Grace, ngiti na tila mayroong gustong ipahiwatig na isang babala. Napa smirk na lamang ako at inirapan sila.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon