Ising's POV:
Pasado alas otso na ng umaga bago nakabalik ang anak ko simula kaninang nag paalam itong umuwi saglit upang makaligo at makapag bihis, ngunit sa pagbalik nito ngayon ay may kasama na ito, si Jose isa sa mga kapitbahay ni Eda, pumunta rito upang kamustahin siya.
Dahil nandito na ang anak ko at total may kasama naman ito nag paalam na rin ako saglit sa kanila upang maka uwi na rin habang maaga pa, at para makabalik na rin kaagad, agad namang sumangayon ang mga ito pati na rin si Eda.
Kaya agad ko namang tinungo ang labas nitong Ospital upang mag-abang ng masasakyan, at ilang minuto rin ang hinintay ko at sa wakas nakasakay na rin ako.
Pasado alas nwebe na ng umaga ako nakarating sa bahay, nakita ko si Jonex sa labas ng bahay habang dinidiligan ang mga halaman, nakita naman ako nito kaya agad ako nitong sinalubong at nag mano.
"Nay, mano po!" aniya at kinuha ang kamay ko upang mag mano.
"Kaawan ka ng Diyos, kumain kana ba?" tanong ko sa kanya.
"Opo Inay, kayo po?" balik tanong nito sa akin.
"Hindi pa," saad ko at hinawakan siya sa balikat.
"Saglit at ipag hahanda ko po kayo Inay," alok nito, ngunit tumanggi ako.
"Hindi na, ako na lang mamaya, ang tatay Cardo mo pala?" tanong ko.
"Umalis napo," simpleng saad nito. Tumango rin lang ako.
Bumalik naman sa kanyang ginagawa si Jonex, at ako ay pumasok na sa loob ng bahay at dumeretso sa silid namin ng asawa ko at nagpahinga na muna kahit ilang minuto lang.
Nang makapag pahinga na, lumabas ako at tinungo ang kusina upang kumain, pagkatapos kong kumain ay mga ilang minuto rin ang hinintay ko bago naligo.
Matapos ang lahat ng paghahanda ko, nagpaalam akong muli kay Jonex na babalik na ng Ospital upang may kasalitan ang ate niya sa pag babantay kay Aling Eda.
Nadatnan ko ang pamangkin ko sa sala, tapos nap ala ito sa kanyang ginagawa, kaya nanood na ng palabas, sabado kasi ngayon at walang pasok.
"Jonex anak, aalis na ako babalik pa ako ng Ospital, ikaw na bahala dito ha," bilin ko sa kanya.
"Sige ho 'nay," tanging tugon nito nang lumingon sa 'kin.
Bago ako tumungong muli sa Ospital, plano kong dadaan muna sa bahay ni Eda, mag babakasakaling nandoon si Jonas. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ang plano niya sa kanyang Ina.
Pagdating ko sa kanilang bahay, hindi naman ako nabigo sa aking sadya, natyempohan ko si Jonas sa labas ng kanilang bahay, mukhang papaalis dahil sa bihis na bihis ito, napa iling na lang ako. Kung ang gagawin niyang lakad ay papunta sa Ospita upang bisitahin ang nanay n'ya, ay mabuti, ngunit kung aalis lamang siya at gagala, ay naku! Masasabi ko talagang wala siyang puso.
Ngunit bago pa siya tuluyang naka alis, tinawag ko na muna ito.
"Jonas, sandali lang!" tawag ko, lumingon naman ito agad sa gawi ko. Walang emosyon ang kanyang mukha.
"Ano ho ang kailangan nyo?" tanong nito. napa smirk ako.
"Wala! Gusto ko lang ipaalam sa 'yo na, pagkalabas ng Nanay mo sa Ospital, sa bahay na muna ito tutuloy." Sinabi ko lamang iyon upang tingnan ang reaksyon niya, kung papayag ba ito o hindi. Ngunit napa iling ako sa kanyang sagot.
"Kayo po ang bahala," tanging tugon nito at naka yuko lang. Wala nga talaga siyang plano sa Ina niya. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa kamanhiran at pagiging makasarili ng batang ito.
BINABASA MO ANG
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)
RomancePagmamahal at Sakripisyo ng isang nagmamahal na ina para sa magandang kinabukasan ng napakamamahal na anak. Sundan ang makadudurog pusong kwento ng mag-inang Eda at Jonas El mundo. BC Ctto: alzeahscrapt Date Started: July 19, 2019 Date Finished: Sep...