🙁Chapter 45🙁

47 5 0
                                    

Jonas's POV:

Gabi na nang maka balik ako galing Baguio, agad naman akong demeretso sa bahay pagkat pagod ako at gusto ko ng magpahinga, kaya nag pa sundo ako kay Mang Felipe dito sa airport, pagdating ko sa bahay ay tulog na ang mga tao, tanging ako at si Mang Felipe na lang ang gising.

"Sir, dito ko na lang ho ilagay itong bag n'yo," sabi sa akin ni Mang Felipe.

"Sige po, pahinga na rin po kayo," turan ko kasama ang pagtango.

Agad naman akong umakyat sa taas, at bago ko tinungo ang silid naming mag-asawa, dumaan muna ako sa silid ng aking anak.

Nakita ko itong nasa mahimbing na pagkatulog, inayos ko ang kanyang komot at hinalikan sa noo, pagkatapos ay kaagad din naman akong lumabas.

Pag pasok ko sa aming silid ng aking asawa, nakita ko rin itong mahimbing nang natutulog, kaya hindi ko na lang siya ginambala.

Nilapag ko ang dala kong bag at hinubad ang aking damit, ilang minuto ang aking hinintay at nag tungo ako sa banyo upang mag shower, pagkatapos ay nag bihis ng pangtulog at tumabi sa aking asawa at pinikit ang aking mga mata,

Hindi agad ako nakatulog dahil iniisip ko na naman kung ano ang susunod kong gawin upang hanapin si inay, dahil hanggang ngayon, mailap pa rin sa akin ang panahon upang mahanap si inay.

Kinabukasan, agad akong nag tungo sa opisina upang gawin ang mga naiwang trabaho, hindi ko na pansin ang oras at lunch na pala, bigla na lang kasing kumalab ang t'yan ko kaya napatingin ako sa aking wristwatch, alas dose na.

Lumabas ako ng aking opisina at nag tungo sa labas ng mall, feel ko ngayong kumain sa karenderya dito sa tapat ng mall.

Marami-rami ring mga empleyado ko ang kumain dito, ang iba'y nahihiya pang tumabi sa akin, marahil ay naiilang silang katabi ang boss na kumain.

Palapad kasi ang mesa at sakto sa apat na tao ang mag kasya, nakita kong may luto silang kare-kare, nag-order ako ng isa at dalawang kanin.

Mag-isa lang ako dito sa long table, nang makita ko ang ibang kumakain na mas pinili ang mag siksikan sa isang round table kesa makasama ako, gayong ang laki pa naman ng space, kaya tinawag ko ang iba sa mga ito.

"Bakit kayo nag siksikan d'yan? Kasya pa naman tayo dito." Sabay silang lahat na lumingon sa 'kin, at maya-maya ay nag titinginan lang ang mga ito, at walang gustong tumayo at lumipat dito kasama ako.

"Huwag na kayong mahiya, isipin n'yo na lang na hindi ako ang boss n'yo kahit ngayon lang," sabi ko sa kanila kasama ang mga ngiti.

"Nag singitian naman ang mga ito dahil sa nakita akong nakangiti, nakita ko ang tatlo sa kanila ay tumayo at binitbit ang mga pagkain nila papunta dito sa mesang kinainan ko.

"Ayos lang po ba talaga sir?" tanong nang isa. Napangiti ako.

"Oo naman! Hindi naman ako ang may-ari nitong karenderya," biro kong tugon.

"Hindi lang kase kami sanay sir na ang isang tulad n'yo po ay dito kumakain," nakangiting sambit nito.

"Pwes! Masanay na kayo, dahil simula ngayon, lagi n'yo na akong makasama tuwing pananghalian dito," bulalas ko na nakangiti pa rin.

Napansin ko ang isa pang empleyado ko na nag babaon.

"Nagbabaon ka pala?" tanong ko, ngunit 'yung isang katabi nito ang sumagot.

"Naku sir! Binibaby pa po 'yan ng nanay n'ya, laging pinapabaonan," pang-aasar nito.

"Hoy! Tumahimik ka nga nakakahiya kay sir," pagsuway nito at halatang nahihiya.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon