🙁Chapter 39🙁

47 5 3
                                    

Jonas's POV:


Matapos ang meeting ko kay Jose, bumalik naman agad ako sa opisina at iniisip ang mga sinasabi niya tungkol kay inay, nagkasakit daw ulit ito basi sa sinabi niya.

Nakayukom ang aking mga kamao at itinukod ko sa aking ulo, at bigla na lang akong napaluha dahil sa aking iniisip, bakit ngayon lang ako nagkalakas ng loob para gawin ito?

Pinahid ko ang aking mga luha at nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga, nakapag desisyon na ako na hanapin ang inay at sabihin ang katotohanan sa asawa ko, kung saan ako totoong nanggaling at kung sino ang mga magulang ko, dahil hanggang ngayon, ang tanging alam ni Camelle ay ang mga kasinungalingan ko.

Handa na akong makita ang inay, ito na siguro ang panahon upang humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga ginawa kong pasakit sa kanya.

Habang nasa gitna ako ng pag-iisip, biglang tumunog ang telepono na nasa ibabaw ng aking working table, at agad ko naman itong sinagot.

"Hello!" ako

"Sir nasa linya po si Mr. Reyes, kausapin daw kayo," bulalas ni Misslee mula sa kabilang linya.

"Okay, connect me to him," pagbigay ko ng permiso.

Si Mr. Reyes ay head ng planning team dito sa companya at ang inatasan kong mag hanap ng magandang supplier para sa mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng bago naming mall sa Baguio.

"Yes Mister Reyes, any update?"

"Sir, may nakita na po akong pwede nating maging supplier at nakausap ko na rin, your acknowledgement na lang po ang kulang at ang signing of contract," balita nito mula sa kabilang linya.

"Okay, meet me tommorow at 4pm sharp here at my office, isabay mo na 'yang nakita mong supplier for signing the contract," mautoridad kong bigkas.

Matapos kong makipag-usap kay Mr. Reyes, agad kong ibinaba ang tawag at nag-isip kong saan ko sisimulan ang paghanap kay inay.

Alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanya, alam kong walang kapatawaran ang mga ginagawa ko sa kanya noon, at ngayon gusto ko ng humingi ng tawad sa kanya, sana naman hindi pa huli ang lahat.

Pagkatapos ng trabaho ko sa opisina, agad naman akong umuwi sa bahay, nang makapasok sa loob, agad akong sinalubong ng anak ko.

"Daddy you're home!" masayang sigaw nito habang patakbong sumalubong sa 'kin. Agad ko naman siyang niyakap at hinalikan.

"Mwaaahh..., how was your day baby?" tanong ko at kinarga siya.

"It was fun daddy, I only played my toys with yaya," hayag nito. Napangiti naman ako.

"That's good baby," sambit ko at hinalikan ulit ito, at pagkatapos ay binaba na, pagkababa ko sa kanya ay agad naman itong bumalik sa paglalaro.

Habang papaakyat ako sa aming silid ng asawa ko, eksakto namang pababa ito kaya nagkasalubong kami sa gitna ng hagdan.

"Hey hon! Napaaga ka ata," tanong nito at humakbang pababa sa 'kin, tapos ay hinalikan ako sa labi.

"Yeah, maaga ko kasing natapos ang mga trabaho ko," tanging tugon ko kasama ang isang ngiti.

"Okay, take some rest, gigisingin na lang kita mamaya for dinner," anito at muli akong hinalikan sa labi.

"Thanks hon!" saad ko at tuluyan nang humakbang patungo sa aming silid.

Habang nasa aming silid ako, nag-iisip ako kong paano ko simulang sabihin sa asawa ko ang totoo tungkol sa buhay ko at sa nanay ko, sa isip ko'y, hahanap na lang ako ng tamang tyempo,
nagbitaw na rin ako ng isang buntong hininga.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon