🙁Epilogue🙁

181 6 3
                                    

Isang taon na makalipas ang libing ni inay. Ngunit, parang sariwa pa rin sa akin ang lahat, naiyak pa rin ako sa tuwing na aalala ko ang lahat ng katotohanang pag sakripisyo ni inay para sa akin, kaya madalas ko itong binibisita at dinadalhan ng bulaklak ang kanyang puntod at pati na rin kay itay.

Tinubos ko na rin ang nakasanglang lupain ni itay, at pinatayuan ng isang foundation para sa mga may kapansanan, lalong-lalo na sa mga hindi biniyayaan ng paningin, maliit lamang ang 600sqm kaya binili ko na rin ang mga nakapaligid na lupain sa lugar na iyon kaya umabot ito ng isa't kalahating ektarya at doon itinayo ang isang foundation.

"Hon! Please hurry, at tatanghaliin na tayo!" tawag ko sa aking asawa mula sa labas ng aming kwarto.

"Just a minute honey!" tugon naman nito mula sa loob.

Pinuntahan ko naman ang anak ko sa kanyang silid.

"Aling Bita, naka handa naba si Conan?" tanong ko kay Aling Bita nang masilip ko ito sa loob ng silid.

"Malapit na po ito sir," Tugon ng matanda habang inihanda nito ang mga damit na susuutin ng anak ko. Tumango naman ako.

"Sige po, paki bilisan po manang at tatanghaliin na kami," bilin ko sa kanya.

"Sige po sir," tanging tugon nito.

Nauna na akong bumaba at tinungo ang kusina, nilagay ko sa isang tupperware ang nilutong kare-kare ng asawa ko upang dalhin namin.

Tanging ang asawa ko lang ang may alam kung papano lulutuin ito dahil ayaw kong ipaalam sa iba ang resipe ni inay, pinatikim namin kay Conan ang kare-kare at masaya ako dahil naging paborito niya rin ito.

"Hon! Lets go!" tawag sa akin ng asawa ko mula sa aking likod, nilingon ko ito at nakita kong kasama niya na ang anak namin na nakahawak sa kaliwa nitong kamay.

Lumapit ako sa kanila.

"Okay! Are you both done? Wala naba kayong nakalimutan?"

"Yep!" nakangiting tugon ng asawa ko at iniling naman ng anak ko ang kanyang ulo.

"Dad, Mom where are we going?" tanong ng anak ko.

Lumapit ako sa kanya at binabaan ng kaunti ang tayo upang lumevel sa height ng bata.

"Son, we're going to visit someone," nakangiti kong tugon sa anak ko at binigyan ng kunting pisil ang mukha nito.

"Kaya halika na," kinuha ko ang kanang kamay nito habang ang kaliwang kamay nito'y nakahawak sa isang kamay ng asawa ko.

Tinungo namin ang kotse at sumakay ang mag ina ko sa likurang bahagi ng sasakyan habang ako nama'y pumasok sa driver seat upang mag maneho.

Dumaan muna kami sa simbahan upang bumili ng mga bulaklak at kandila.

Nandito kami ngayon sa puntod ni inay at itay upang bisitahin si inay sa unang anibersaryo ng kanyang pagkamatay.

"Nay! Tay! Andito ulit ako kasama ang asawa at ang guwapo ninyong apo, kamusta kayo dito?" wika ko at sinindihan ang dalang kandila. Ipinatong ko na rin ang mga bulaklak sa ibabaw ng kanilang mga lapida.

"Dinalhan po kayo namin ng kare-kare," usal ko at binuksan ang tupperware kung saan ito nakalagay at inilagay ko ito sa pagitan ng lapida nina inay at itay.

"Alam n'yo nay, nagustohan ng apo n'yo ang kare-kare ninyo, at naging paborito narin nya" natutuwa kong pagbibida sa yumao kong ina.

"Hon! Punta lang kami ng anak mo do'n ha, may nakita kasi akong isang magandang halaman at gusto kong tingnan ulit," pag paalam ng asawa ko. Tumango lang ako bilang pagtugon.

Nang makaalis na ang aking mag-ina, binaling ko na naman ang atensyon ko sa puntod ng inay.

"Nay! Walang katapusan ang pasasalamat ko sa 'yo dahil sa ginawa ninyong pag sakripisyo para sa akin, nandito ako ngayon, naging successful sa buhay at ang lahat ng ito'y utang ko po sa inyo inay, sa inyo ni itay, alam ko pong nandyan lang kayo lage sa tabi ko upang gabayan ako sa lahat ng desisyong gagawin ko sa buhay, lalong-lalo na sa pamilya ko," wika ko at naramdaman ang pagbabadya ng mga luha ko sa mga mata.

"Nay! Salamat ulit dahil sa isang mata mo na iniwan sa akin, at dahil dito ramdam ko palagi ang presensya mo, salamat sa kusa mong pag bigay nito sa akin, makakaasa po kayong aalagaan at iingatan ko itong iniwan ninyong KALAHATING LIWANAG.

🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺
***********************************

Author's Word:

I'm sad :( July 25, 2020, I notice something, I think the Idea of this story had stolen, ayaw kong manghusga, ayaw kong mang bintang, pero sana, hindi totoo ang hinala ko, but I read his story, it's a oneshot story of him, pareho ang conflict and everything almost 100% kapareho talaga. :(

🎉 Tapos mo nang basahin ang Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed) 🎉
Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon