🙁Chapter 23🙁

37 8 2
                                    

Grace's POV:

Nang ako'y naka labas na mula sa silid kung naas naka confined si Aling Eda, mabilis kong tinahak ang hallway nitong Ospital. Kailangan ko nang maka uwi para maka ligo at maka pagpaganda na rin, chos hahahaha, pero bago ako dumeretso sa labas ng Ospital, dumaan na muna ako sa nurse station, at baka sakaling makita ko 'yong crush kong nurse. Tila kinilig naman ako sa aking isip.

Ang guwapo kasi niya matangkad, moreno, matangos ang ilong at ang ganda ng mga mata, nagmistula siyang si Daniel Matsunaga dahil na rin sa hubog ng katawan niya, Oh My Gooood!, hahahha nag illusion na naman ako hays... Ang ganda ko...

Pasilip-silip ang ginawa ko sa nurse station, nag babakasakaling makita ko s'ya, shit! Ang landi ko talaga... ano ba 'yan... hahahaha....

Kanina pa ako pasilip-silip, ngunit bigo ako, dahil walang guwapong nurse ang naka duty ngayon, hays... ang malas ko naman! Pero sa isip ko'y mas mabuti nang hindi n'ya ako nakita, dahil ang pangit ng itsura ko ngayon, ang hagard ng face ko tsaka... wala pa akong bihis, kahapon pa 'tong damit ko. Pero syempre, mabango pa rin ako.

Mabilis akong tumalikod at binilisan ang aking pag lalakad papalabas ng Ospital, nang bigla akong bumungo sa isang poste, esti... sa isang lalaki.

"Aray! Litse! Hindi man lang tumingin sa dinadaanan!" bulyaw ko sa kanya nang hindi tumingin sa kanyang mukha, napahawak lamang ako sa noo na bumanga sa kanyang matigas na katawan.

"Miss sorry, hindi kasi ako naka tingin sa baba eh kaya hindi kita nakita, ano nga ba height mo?" anito. Kumunot ang noo ko sa tanong niyang 'yon.

Ay, grabe sya oh! Nanginginsulto ba to? Buweset!, pagmura ko sa isip. Itinaas ko ang aking tingin upang sungitan, at makita na rin ang demonyong pag mumukha ng walang hiyang lalaking ito na minamaliit ang tangkad ko, ngunit, natigilan ako bigla, at tila umurong ang aking dila na magsalita at bigla na lamang napawi ang galit at inis ko sa kanya.

Iba ang nakikita ko, isang anghel na bumaba mula sa langit upang diligan ang nanunuyo kong bulaklak, haysss, tinitigan ko lamang ito, ang guwapo..., tila humuhiyaw ang puso ko sa sobrang kilig.

"Ahem! Ahem! Ah... Miss, ayos ka lang?" tanong niya. Hindi pa rin ako nakapag salita, pinagmasdan ko lamang ang tantalizing eyes nito, ang matatangos niyang ilong at ang mapupula niyang mga labi na ang sarap siguro kagat-kagatin. Uhhhg... kagigil.

"Miss?" pamimitik niya. Bigla namang nagbalik ang aking huwisyo, at medyo napahiya ng kunti, grabe ang landi ko... nag iilusyon ako sa harapan nang crush kong nurse, bakit ba naman kasi sa dami raming puweding mabanga ko ay siya pa... grrrrr....

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita.

"A-Ah... O-Oo, a-ayos lang," nauutal kong turan, at deretsong tumalikod sa kanya, at mabilisan kong tinahak ang daan palabas ng Ospital, nakakahiya kasi, ang hagard ko pa, dapat sana maganda ako no'ng nag banggaan kami... sayang....

Tuluyan na akong lumabas ng Ospital, at nag abang ng Jeep pauwi, mabilis naman akong nakasakay.

Sa loob ng Jeep, binalikan ko ang nangyari kanina, nanghihinayang talaga ako kung bakit ako umalis, baka kako kung tatanongin pa niya ang pangalan ko tapos hihingin ang number ko. Auhhhg sayang talaga.

"Ang tanga-tanga mo Grace!" hiyaw ko sa sarili. Bigla naman akong natauhan at nasa Jeep pala ako, inikot ko sa paligid ang aking paningin, nakita ko ang mga pasaherong nakatingin sa 'kin, nabigla siguro sila sa pagsigaw ko kaya napayuko na lamang ako at nginitian silang lahat kasama ang peace sign. Nakakahiya kaya.

Ilang minuto pa ang dumaan bago ako nakarating sa kanto na babaanan namin, pagka baba ko ng Jeep, dumeretso na kaagad ako sa bahay upang makaligo, dahil kailangan ko pang bumalik kaagad sa Ospital.

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon