🙁Chapter 47🙁

55 4 2
                                    

Jonas's POV:

Isang linggo na ang nakalipas mula nang nadisgrasya si inay, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagising

Araw-araw akong nag punta dito upang bantayan siya, dahil gusto ko pag mulat ng kanyang mga mata ay ako kaagad ang kanyang makikita.

"Hon! You can go home, have some rest, ako na muna dito," sabi ng asawa ko. Ngunit, tumanggi ako.

"No hon! I'm good, okay lang ako dito," sabi ko sa kanya.

"Are you sure? Ilang araw kanang puyat," pag-alala ng aking asawa.

"Ayos lang talaga ako hon, huwag mo akong alalahanin," paggiit ko. Hindi naman nangungulit pa ang asawa ko at hinayaan na lang ako.

"O sige, ako na lang ang aalis ha, pero babalik ako kaagad, kukuha lang ako ng mga damit mo sa bahay," aniya, tumango lang ako bilang pagtugon.

Nang maka alis na ang asawa ko, kinuha ko ang isang upuan at dinala malapit sa hinihigaan ni inay, nakakaawa ang hitsura ni inay dahil sa mga tubo na nasa katawan nito, oxygen na nasa ilong at bandage sa mukha dahil sa mga sugat na natamo no'ng nabundol siya, hinawakan ko ang kamay ni inay, inangat ng kaunti at pinadampi sa isa kong pisngi habang ang isa kong kamay ay naka akap sa kanya.

Nagising ako mula sa aking pagka idlip nang yugyugin ako ng aking asawa.

"Hon! Wake up!" pagpukaw nito sa akin.

"O andyan kana pala," usal ko habang kinusot-kusot ang mga mata.

"Oo tulungan mo naman akong kunin 'yong ibang pinamili ko, nasa likod ng sasakyan mo dahil 'yon ang ginamit ko kanina," paki usap nito.

Agad naman akong tumayo at pinuntaha ang kotse sa labas ng Ospital.

Binuksan ko ang pintuan sa likod na bahagi ng sasakyan at kinuha ang mga pinamili ng asawa ko, nang makuha ko na lahat, nabaling ang atensyon ko ang isang kahon.

Naalala ko, ito 'yong kahon na binigay sa akin ni Aling Ising na galing kay inay, kinuha ko ito at kasamang dinala sa loob pabalik sa ward kung saan si inay.

"Hon! Uuwi na rin ako ha, ipapadala ko na lang mamaya dito ang iba mong gamit kay manag Bita para makapag bihis ka," bilin ng asawa ko. "dumeretso na kasi ako ng mall kanina at hindi na ako nakauwi," paliwanag nito.

"Salamat hon," tanging tugon ko.

"Okay, I'll go ahead," aniya at hinalikan ako sa pisngi.

Nang mag-isa na lang ako kasama si inay, bumalik ako sa aking kinauupuan kanina malapit sa hinihigaan ni inay.

Kinuha ko ang kahon na tinabi ko saglit kanina, hindi ko alam ang laman nito ngunit parang kinabahan ako.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang kahon, bumungad sa akin ang mga laman nito, andaming birthday cards, isa-isa ko itong kinuha at binasa.

Lahat ng cards na ito ay may lamang mensahe galing kay inay, dito n'ya isinulat ang lahat ng gusto niyang sabihin sa akin sa tuwing mag bibirthday ako.

Napaluha ako sa mga iilang mensahe nito.

"Anak happy birthday, pasensya kana wala tayong handa, wala kasing pera ang nanay eh, pero huwag kang mag-alala sa susunod na birthday mo hahanapan ko ng paraan, Happy Birthday ulit anak mahal kita. ~Nanay :)."

"Anak happy birthday, masaya ako at dumito ka sa bahay upang maipagluto kita ng pansit para sa birthday mo, Happy Birthday Anak.
~Nanay :)."

"Anak wala na namang pera ang nanay eh, wala na muna tayong handa sa birthday mo ngayon ha, pero promise babawi na naman ang nanay sa susunod I love you. ~Nanay :)."

Kalahating Liwanag ( A Mother's Love ) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon