Halos hindi mapawi ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang kalendaryo sa loob ng aking kuwarto. Nakaligo na ako at handang-handa ng pumasok. Hunyo singko ngayon, unang araw ng aming pasukan. Nasa grade nine na ako ngayon, masaya ako dahil laging proud ang aking mga magulang sa akin dahil lagi akong nangunguna sa aming klase.
Never akong bumaba sa aking puwesto, lagi akong top one kaya hanggat kaya ko ay pasisikapan kong manatili sa puwestong 'yon. Ako rin ang presidente ng club namin na supreme student council, kahit ganoon ay hindi ko naman napapabayaan ang aking pag-aaral.
Bigla akong natigilan nang makita ang hindi pamilyar na mukha sa labas ng aking magiging bagong silid sa taon na 'to.
"Excuse me?" tawag ko sa atensiyon nito.
Tinignan niya lang ako ng napakalamig sabay taas ng isang kilay.
"Hindi ka ba nasabihan na bawal ang black lipstick sa school na 'to? Tapos hindi ka pa naka-uniporme." Saad ko rito.
"Who the hell are you? I don't give a damn so back off." Malamig na sagot nito.
I cleared my throat first bago sumagot ulit, "I am the president of student council so I guess I have the right to asked you."
Pero imbes na matakot ay isang nakakalokang ngiti ang tinugon nito.
"The hell I care," sagot nito sabay binagga ako at tuluyan ng umalis.
Kung hindi lang sana 'yon babae baka pinatulan ko na 'yon eh!
"Relax Toffer, kalma ka lang." Pagpapakalma ko sa aking sarili.
Sana lang talaga hindi ko 'yon kaklase, galing manira ng araw eh...
-
A/N: Hallo, panibagong story na naman. Enjoy guys! Night.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.