SWY: Chapter 27
ImaginationNpaperZaria's POV
Nakapikit ako pero rinig na rinig ko ang tunog ng mga makinang nasa paligid ko. Pakiramdam ko ang tagal kong natulog, dahan-dahan kong minulat ang aking mata at napapapikit sa tuwing tumatama ang aking mata sa sinag ng ilaw. Wala akong maalala.
"Doc!"
"Doc!"
"Nurse!"
Medyo malabo pa ang paningin ko peri pamilyar sa akin ang boses na 'yon, si Kuya.
"Zaria! Finally gising ka na, please don't close your eyes again. Miss na miss ka na naming lahat," dinig kong saad nito habang hawak ang aking kamay
Ramdam kong may mga nakakonekta sa katawan ko kaya hindi na muna ako gumalaw, pilit kong inaaninag ang mukha ni Kuya pero malabo pa rin. Mayamaya pa ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa na para bang nagmamadali.
"Doc gising na siya," saad ni Kuya habang hawak pa rin ang aking kamay.
Naramdaman kong may para ilaw na hinarap sa aking mata at tinignan ang aking heartbeat.
"Gising na siya, sa ngayon ay hayaan na muna natin siya at obserbahan, medyo malabo pa ang paningin niya dahil sa matagal na pagtulog pero mayamaya ay magiging okay din siya. Kapag nagtuloy-tuloy na hanggang mamaya ay puwede na natin siyang ilipat sa private room dahil normal na rin ang tibok ng puso niya." Paliwanag ng Doctor.
"Thank you Doc," saad ni Kuya.
"Basta tawagin niyo lang agad ako o ang mga nurse kung may kailangan pa kayo ah? Magpapapunta ako ng nurse dito mamaya para sabihin sa inyong puwede na siya ilipat." Bilin ng Doctor.
"Sige po, salamat ulit." Sagot naman ni Kuya.
Napapikit naman ako nang maramdaman ang halik ni Kuya sa noo ko, "Ang saya ko at gising ka na." Saad sa akin ni Kuya. Gusto ko sana magsalita pero may tubo pang nakaharang sa bibig ko para sa hangin kaya hindi na muna.
"Zaria naririnig mo ba ako? Za, uuwi na sila Mommy at Daddy. Igalaw mo 'yong daliri mo kung naririnig mo ako." Saad nito kaya ginalaw ko 'yon.
"Salamat sa Panginoon, dininig niya ang mga panalangin namin. Lumaban ka ha? Marami kaming naghihintay sa 'yo." Saas nito.
Mayamaya pa ay may nurse ng pumunta at sinabihan akong tatanggalin na ang tubo na nasa bibig ko. May kung anong tinusok sila sa akin, pampamanhid yata para hindi ko maramdaman ang paghugot noon. Ang huli ko na lang maalala ay nakatulog ako matapos mangyari iyon.
Naalimpungatan ako nang marinig na para bang may kumakaluskos sa loob ng silid, dahan-dahan kong dinilat ang aking mata at medyo magaan na ang pakiramdam ko. Wala ng tunog ng mga aparatu, at wala ng mga nakakabit sa katawan ko. Iyong masa kamay ko na lang ang naiwan.
"Surprise!"
Agad naman akong nagising nang marinig iyon, napapakurap akonat pilit na inaaninag ang mga mukha nila pero malabo pa rin. Liwanag lang na malabo ang aking nakikita.
"Kuya?" naiiyak na tawa ko sabay kumapa-kapa.
"Zaria nandito lang ako, ano 'yon?" saad nito at naramdamang tumabi ito sa akin sabay hinawakan ang aking kamay.
"Kuya simula kanina ilang oras na akong tulog?" tanong ko rito.
"Dalawa na, kaya nga nandito na sina Inang, Amang, Terence at Toffer eh." Sagot naman nito.
"Kuya wala akong makita," umiiyak na saad ko rito.
"Kuya wala akong makita!" paulit-ulit na saad ko.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.