SWY: Chapter Fourteen

1.3K 25 0
                                    

SWY: C.14

Ilang linggo na rin ang lumipas lumipas simula nang mahimatay si Zaria. Labis na nagaalala si Inang Julie at Amang Selmo sa inaasta ni Zaria, lagi itong nagmamatigas na ayaw inumin ang gamot nito at halos ayaw kumain. Isang linggo siyang nanatili sa bahay nila, samantalang si Zeke naman ay ayaw papasukin ang mga bisita ni Zaria. Ayaw niya talagang hayaan si Zaria na mag-aral dahil sa tingin niya ay iyon ang magpapahirap sa kapatid niya.

"Inang, okay ka lang?" tanong ko kay Inang Julie na balisa.

"Anak nagaalala ako sa kapatid mo, sayang hindi mo siya nakita noong nag-aaral pa siya. Tuwang-tuwa siya na nakabalik siya sa pag-aaral Zeke, ipagkakait mo ba talaga 'yon sa kapatid mo?" tanong ni Inang sa akin.

"Inang iyon kasi ang bilin sa akin ni Mommy at Daddy, Inang para rin naman lahat ito kay Zaria." Sagot ko rito.

"Tatanungin kita anak, simula ba noong nagtrabaho kayo sa abroad may nagbago ba sa lagay ni Zaria?"

Bigla akong natigilan, mas lalo kasing lumala ang lagay ni Zaria imbes na pinapagamot namin siya.

"Anak hindi ka bulag, kitang-kita mo ngayon ang kalagayan ni Zaria. Mas lalo siyang nanghihina kapag nandito siya sa bahay lang, tsaka nandoon naman si Terence sa paaralan eh. Sigurado ako hindi niya papabayaan si Zaria." Pagpupumilit ni Inang.

"Inang mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya gagawin ko lahat para sa kan'ya, ako ulit ang magaalaga sa kan'ya gaya ng ginagawa ko noon. Babawi ako sa kan'ya Inang kaya okay lang na dito na lang siya sa bahay."

"Zeke hindi mo naiintindihan ang kapatid mo, alam mo ba? Iyak 'yan nang iyak gabi-gabi, sobrang nangungulila sa presensya niyo. Lagi niya sinsabi bakit kayong lahat pa kailangan umalis? Paano raw kung isang araw mawala siya tapos wala kayo sa tabi niya. Zeke kayo lang lagi iniisip ng kapatid mo kaya sana naman sa pagkakataong ito siya naman ang isipin niyo." Naiiyak na saad ni Inang.

"Inang ayaw ko, ayaw ko mawala siya." Saad ko rito.

"Sa ginagawa niya ngayon mas mapapaaga siyang mawala, ni hindi natin alam kung anong ginagawa niya sa loob. Zeke, huwag natin bigyan ng hinanakit sa dibdib si Zaria." Kumbinsi pa rin sa akin ni Inang.

"Sige po, kung ito talaga ang ikakasaya niya ay hahayaan ko na siya. Tulungan mo lang ako magpaliwanag kina Mommy, dahil sigurado ako mananagot ako kapag nalaman nila ito." Sagot ko rito.

"Ibig ba sabihin pumapayag ka ng mag-aral siya ulit?" nakangiting saad ni Inang.

"Opo Inang, pero kailangan doble ingat. Tiyak matutuwa iyon kapag nalaman niyang pumapayag na ako." Nakangiti konh sagot kay Inang.

"Sige na Iho, kausapin mo na ang kapatid mo para matuwa iyon." Saad sa akin ni Inang.

Tumango naman akonat agad na tumungo sa silid ni Zaria, kumatok ako ng paulit-ulit pero hindi niya iyon binuksan.

"Zaria si Kuya 'to, usap tayo." Saad ko sa kan'ya.

"I'm sleepy," sagot nito.

"I have a good news, you need to open this sis." Sagot ko rito.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang maramdamang naglakad na ito papalapit sa pintuan. Mayamaya pa ay bumukas na ito at sumalubong sa akin ang walang siglang mukha ng kapatid ko. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking puso nang masilayan iyon, nawala na talaga ang masiyahin at makulit na aura ng kapatid ko.

"Ano 'yon?" malamig na tanong nito.

Pero imbes na sumagot ay niyakap ko ito ng sobrang higpit, "I am sorry, patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sa 'yo bilang Kuya mo. Zaria mapapatawad mo pa ba ako?" Umiiyak na tanong ko rito.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon