SWY: Chapter Sixteen

1.2K 20 0
                                    

SWY: C.16
ImaginationNpaper

Matapos ang usapan na 'yon, pinili namin ang tumambay sa labas. May duyan doon kaya mas pinili naming umupo sa damo ni Terence at si Zaria naman ang sa duyan.

"Hindi ako makapaniwala," biglang saad ni Terence.

"Ngayon alam niyo na," sagot naman ni Zaria habang nakatingala sa langit.

"Zaria gusto mo ba tulungan kitang sabihin sa mga teachers natin ang kalagayan mo? Para sana may excemption ka when it comes to outdoor activities." Suhestiyon ko rito.

"No! We won't do that, I don't like special treatment. Kapag ginawa mo 'yon para mo na rin sinabi sa lahat ang kalagayan ko." Tanggi naman nito.

"Okay, suggestion ko lang 'yon huwag ka na magalit." Saad ko naman dito.

"Ipangako niyo sa akin na wala kayong ibang pagsasabihan okay?" saad nito sa amin.

"Oo naman Zaria," sagot ni Terence.

"Promise," sagot ko naman.

"Wait, babalik ako. I guess there's no reason to hide anymore sa inyong dalawa." Saad nito sabay pumasok pabalik sa bahay nila.

"Nakakalungkot 'no?" pagsisimula ni Terence.

"Nagulat talaga ako, matagal mo na bang alam?" tanong ko rito.

"Alam ko na may sakit si Zaria at hindi lang 'yon basta sakit lang. Pero ngayon ko lang nalaman na ang lala pala, tapos dalawa pa?" malungkot na saad nito.

"Kaya ba ganoon kayo ka lapit at ganoon ka na lang magalala sa kan'ya?" tanong ko rito.

"Oo, masyado niya kasing sinasarili 'yon. Nasabi niya kasi sa akin na magaling siya magtulak ng tao palayo sa kan'ya, pero wa epek 'yon sa akin eh. I really did my best to gain her trust and Inang's trust." Paliwanag naman nito.

"Sobra akong nagsisi, ang sama kasi ng pakikitungo ko kay Zaria dati." Malungkot na saad ko rito.

"You still have time bro, habang may panahon pa bumawi ka." Makahulugang saad nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti, never kami nagkaroon ng pagkakataon ni Terence ng ganito. Kung hindi pa namin nakilala si Zaria, hindi namin 'to magagawa.

"I'm back!" nakangiting saad ni Zaria, she's wearing her night dress now nakatali ang buhok nito.

Ngayon ko lang ito natitigan ng matagalan, napakaamo ng mukha nito. Walang kabahid-bahid ng make up, napakagat naman ako sa aking labi nang dumako ang aking tingin sa braso at hita nito. Ang daming pasa, iba rin ang kulay nito kesa sa amin maputla na ito.

"Ang ganda mo pa rin," saad ni Terence.

"Bolero! Maganda pa ba 'tong ganito?" natatawa nitong saad sabay bumalik sa pag-upo sa duyan.

"Oo nga pala Zaria, may acquintance na gaganapin. Masquerade 'yon theme, pero sa kalagitnaan noon ay tatanggalin din. Sasali ka ba?" Tanong ko rito.

"No, wala rin naman akong makakasama." Diretsong sagot nito.

"Anong wala? Kaya nga nandito kami Zari eh," sabat ni Terence.

"Required bang sumali Pres?" tanong nito sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang marinig ang sinabi nito, ngayon ko lang siya narinig na tinawag akong Pres eh.

"Oo eh, required talaga. Lalo na ikaw na transferee pa." Sagot ko naman dito.

"Susubukan ko, kailagan ko pa magpaalam kay Kuya at kina Inang eh." Sagot naman nito.

"Gusto mo tulungan ka namin?" tanong ko rito.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon