SWY: Chapter 21
ImaginationNpaperTerence's POV
Pananghalian na namin ngayon, naisipan kong kumain sa canteen baka kasi makita ko si Toffer. Kailangan ko siya makausap, hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya, nakupo habang nakatulala pero hindi niya kasama si Cloud. Agad ko naman itong tinapik at tinanong, "Okay ka lang?" sabay upo sa harapan nito.
"Oo naman, napapansin ko lang ang pag-iwas ni Cloud sa akin." Sagot naman nito.
"Wow! Siya pa talaga ang may ganang umiwas ha?" umiiling na saad ko.
Nilabas ko na 'yong baon ko at nagsimula ng kumain, halos patapos na rin kasi si Toffer sa pagkain niya.
"Bukas na 'yong party, sigurado ako hindi makakasali si Zaria." Saad ko kay Toffer.
"Oo nga eh, I'm sure malulungkot 'yon. What if gumawa tayo ng paraan? Para kahit hindi siya makasali, ramdam niyang part pa rin siya ng ball." Suhestiyon nito.
"Puwede rin, good idea. Ano bang maganda?" sang-ayon ko sa ideya nito.
"Alam ko na! Ako na bahala sa bulaklak, ikaw namam sa music. Kahit cellphone lang, isayaw natin siya habang may musika." Tuwang-tuwa nitong saad.
"Puwede! Galing mo talaga, pero paano? Pareho tayong kailangan bukas, lalo na ikaw. May date ka bukas, si Cloud. Magtataka 'yon kapag 'di ka pumunta." Saad ko rito.
"We can fix that naman, let's orient the other officers na may emergency tayong lakad bukas at sabihan sila kung ano ang mga gagawin. Pupunta pa rin naman tayo, pero hindi tayo magtatagal." Paliwanag nito.
"Sa silid lang ba ni Zaria tayo maglalagay ng disenyo o saan ba maganda?" tanong ko rito.
"Sa tingin mo ba makakalabas na si Zaria bukas?" tanong nito.
"Palagay ko hindi pa, hmm.. Aha! May ideya na ako." Saad ko rito.
"Ano 'yon?"
"Sana lang hindi umulan bukas, maganda sana sa rooftop. Puwede natin kausapin ang management na gagamitin natin 'yong rooftop, simpleng design lang basta maramdaman lang ni Zaria na nasa party siya." Saad ko rito.
"Puwede naman, tutulungan kita. So dapat mamaya mag-design na tayo at magpaalam? Pareho na kasi tayong busy bukas." Suhestiyon nito.
"Puwede rin, pagkatapos natin bisitahin si Zaria dumiretso na tayo sa rooftop." Sang-ayon nito.
Bigla namang naging malungkot ang awra nito, napakunot ang aking noo nang bigla itong huminga ng malalim.
"Terence natatakot ka ba?" tanong nito sa akin.
"Takot saan?"
"Ayaw ko naman sana maging negatibo, pero hindi ko kasi maiwasan. Na baka dumating talaga 'yong time na, tuluyang bumigay ang katawan ni Zaria." Sagot nito sabay nagpakawala ng malalim na hininga.
"Syempre natatakot, para kasing kulang 'yong panahon na binigay sa atin eh. Biruin mo, halos hindi tayo magkasundo noon pero noong dumating si Zaria halos lagi na tayo magkasama." Sagot ko naman sabay napangiti ng mapakla.
"Tama ka nga, kahit ako rin. Sobra talaga akong nagsisi na hindi naging mabuti ang pakikitungo ko sa kan'ya noon, kung alam ko lang sana talaga..." Malungkot nitong saad.
"Hayaan mo, may oras pa tayo para bumawi kay Zaria. Gagawin natin lahat para maramdaman niyang mahalaga siya sa atin at thankful tayo na nakilala natin siya." Pagpapagaan ko naman sa loob nito.
Tumango naman ito sabay uminom ng tubig, habang abala sa pagkain bigla naming narinig ang usap-usapan sa kabilang table.
"Nakita mo ba 'yong guwapong lalaki kanina? Balita ko kapatid 'yon ng weird na kaklase nila Pres. Biruin mo, sa weird niyang 'yon may pogi pala siyang kuya?" tumatawa nitong saad.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Novela JuvenilIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.