SWY: Chapter Five

1.7K 35 0
                                    

"Grabe naman kayo! Kinakalaban niyo 'yong mas bata sa inyo, naturingan pa naman kayong mga senior high! Ako pinalampas ko lang 'yong nangyari noong nakaraan kasi akala ko hindi totoo, tapos ito maaabutan ko? Sa prefect of discipline tayo magkikita! Tandaan niyo 'yan," galit na galit na saad ni Terence.

Napailing na lang ito nang makita ang kalagayan ni Zaria, nakahandusay ito sa sahig at sobrang dumi na ng uniporme. Kinuha ni Terence ang kan'yang cellphone at isa-isang kinunan ng litrato ang mga I.D ng dalawang senior high na nag-bully kay Zaria.

Bigla namang nakaramdam ng hiya ang dalawa at tuluyan ng umalis.

"Tapos kayo, anong ginawa niyo? Para kayong nanonood ng teleserye at wala man lang ni isa sa inyo ang umawat o 'di kaya ay tumawag ng guro!" dagdag ni Terence.

Tatayo na sana si Zaria nang biglang umupo si Terence, "Hold on, ako na ang bahala sa 'yo." Saad nito at maingat na kinarga si Zari.

"Good thing dumating siya, baka kung hindi ay tuluyan nilang nabugbog si Zaria." Saad ni Cloud.

"Masyadong pabida, tara na! Hindi na pala tayo kailangan dito," saad ni Toffer sabay tumalikod.

"Ibaba mo ako, kaya ko 'yong sarili ko." Dinig ni Toffer na saad ni Zaria kay Terence.

"I know you can't, sa clinic kita dadalhin kaya huwag ka magalala." Saad naman ni Terence.

"Teka lang-"

"Terence!" tawag ni Cloud dito.

Tinanguan lang ito ni Terence at patuloy na naglakad.

"Hey, I don't know you kaya bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Zaria.

"Stop it kung ayaw mo mahulog," saway sa kan'ya ni Terence.

"Ayaw ko sa clinic," mahinang saad ni Zaria.

"Member ako ng red cross club kaya huwag ka magalala, ako ang gagamot sa 'yo." Paninigurado naman ni Terence dito.

"Fine," sagot na lang ni Zaria.

"Grabe naman, hindi ka man lang ba magpapasalamat?" pagpaparinig ni Terence dito.

"Thank you," diretsong saad ni Zaria.

Napangiti na lang si Terence nang makita ang mukha ni Zaria habang nagpapasalamat, nakabusangot kasi ito sabay irap.

"Ang ganda niya kahit may galos ang mukha, 'yon nga lang... Ang kapal ng make up." Saad ng isip nito.

"Terence, anong nagyari riyan?" nagaalalang tanong ng school nurse nila.

"Binugbog po ng mga senior high, Ms. Dimple ako na po bahala sa kan'ya." Sagot naman ni Terence at nilapag na si Zaria sa higaan na nandoon.

"Sige Terence ah dahil may titignan din kasi ako sa grade seven, may nahimatay daw kasi roon." Sagot naman nito.

Tumango na lang si Terence at kinuha na ang mga pampalinis ng mga sugat na natamo ni Zaria.

"Ano nga pala 'yong pangalan mo?" tanong ni Terence dito.

"No need to know," sagot naman nito.

"Ang sungit naman, ako nga pala si Terence." Pagpapakilala niya habang isa-isa ng nililinis ang mga sugat nito.

"Aray!" angal ni Zaria nang maramdaman ang hapdi.

"Bakit nila ginawa 'to sa 'yo?" tanong ni Terence.

"Ewan, wala yata silang magawa sa buhay nila." Sagot naman ni Zaria.

"Seryoso nga, dahil ipapatawag ko sila sa POD mamaya." Seryosong saad ni Terence.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon